Chaptet 19: Stag Party

1.5M 39.4K 19.3K
                                    

Jeydon's Point of View


"SIGE NA, PUPUNTA na ako roon. Magsisimula na rin ang party n'yo mamaya," sambit ni Candice.

"Just call me if you need me," paalala ko.

Inalalayan ko siya papunta sa kotse niya at saka ako bumalik sa loob kung nasaan silang lahat. Pagpasok ko roon, halos lahat sila ay may hawak ng baso ng alak. Kumuha na rin ako ng sa akin. Alam ko na may kalokohan na ginawa si Troy para sa party na 'to kaya hinanda ko na ang sarili ko para doon.

"Guys!" sigaw ni Troy. "Mag-enjoy tayo sa party na ito. Ginawa ko 'to para ma-enjoy ni Jeydon ang mga huling sandali ng pagiging malaya niya," natatawa niyang sabi. Mukhang siya ang nakikinabang sa party na 'to. "Cheers!"

Itinaas niya ang baso ng alak na hawak niya't gano'n din silang lahat. Ang lakas ng music tapos may mga disco lights pa. Akala mo nasa bar kami ni Troy. Ayoko nang ganitong setup. Hindi ako komportable.

Maya-maya may dalawang babae na dumating. May hawak silang alak at mga pagkain. Nakasando lang sila at naka-shorts. Hindi na rin ako nagulat dahil expected ko na 'to kay Troy.

Lahat sila napahiyaw sa mga dumating na babae. Nangunguna na riyan si Six. Maganda at sexy silang dalawa pero hindi ako nagkaroon ng interes sa kanila. Mas maganda pa sa kanila si Candice.

Sumayaw sila sa gitna. Hindi ko alam kung bakit pero parang nainis ako. Hindi na ako sanay na nakakakita ng katulad nila.

"Jeydon, mag-enjoy ka naman! Mukhang bored na bored ka," singit si Travis. "Don't think about Candice and just enjoy. This is just one night."

"Ayoko nito," matipid kong sagot. "Marky, sabihih mo sa kanila doon muna ako sa kusina." Tumango si Marky sa akin at agad akong nagpunta sa kusina nina Troy.

Tatapusin ko lang ang party na iyon bago ako bumalik. Binuksan ko ang refrigerator sa kusina at naghanap ako ng makakain. Mabuti pa ikain ko na lang ito. Mas mag-eenjoy pa siguro ako.

OA man na pakinggan, pero simula nang mahalin ko si Candice, hindi na ako tumingin sa ibang babae. Parang sa kaniya na lang ako naaakit. Lahat ng interes ko noon sa mga babae, nawala na lang bigla. Ganito siguro talaga kapag nakita mo na ang taong mamahalin mo habangbuhay.

Napakahiwaga talaga ng pag-ibig. Kaya nitong gawing posible ang imposible.

"Hi, babe!"

Pakiramdam ko nakuryente ako. "What the?!" sigaw ko habang hinahawakan niya ang baywang ko.

"Bakit nag-iisa ka rito?" matinis niyang sabi. Siya 'yong isa sa mga babae kanina. "Gusto mo bang masolo ako?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko.

"Puwede ba lumayo ka sa 'kin !" sigaw ko sa kaniya. Nakaramdam agad ako ng pagkainis. "Bitawan mo ko!"

"Iyan ang gusto ko sa lalaki, masungit." Mas lalo niyang nilapit ang sarili niya sa akin dahilan para maramdaman ko ang katawan niya. "Maglaro muna tayo." Hahawakan niya sana ang dibdib ko pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Tigilan mo 'ko," sambit ko.

"Hindi ka ba naaakit sa akin?" tanong niya. Hindi pa siya nakuntento at hinubad pa niya ang sando niya. Tanging bra at shorts na lang ang suot niya. "Iyan, puwede na ba?"

"Kahit maghubad ka pa sa harap ko, wala akong pakialam sa 'yo," irita kong sabi.

"Ang choosy mo naman."

"Wala ka pa sa kalingkingan ni Candice," seryoso kong sagot. "Naiirita na ako sa 'yo kaya binabalaan kita na lumayo ka na sa 'kin. "

"Let's have some fun first." Lumapit ulit siya sa akin at hinila niya ako dahilan para malaglag kami sa sahig. Malakas pala siya. "Ang macho mo talaga," ungol niya. Nakaramdam ako nang matinding pagkainis. Nadidiri ako sa nangyayari at mas lalong nadidiri ako sa kaniya. "Tara na, maglaro na tayo," pagpupumilit niya at hinila niya pa ako palapit sa kaniya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon