Epilogue (Part 2)

1.9M 47.5K 37.1K
                                    

Candice's Point of View


HINAWAKAN KO ANG sumbrero ko dahil sa malakas na hangin. Ang bilis magpatakbo ng sasakyan ni Jeydon, pero ang sarap sa pakiramdam ng hangin na sumasalubong sa amin. I miss Korea. I miss Jeju.

I can't believe it's been fifteen years.

"Wuhoo! Jeju! Here we come!" sigaw ni Dwayne habang nakatayo siya sa likod ng kotse namin. "Paradise!" Mukhang masayang-masaya siya. Tama lang 'yan para mabilis siyang maka-recover sa breakup nila ni Dana.

"Kuya! Bumaba ka nga, baka mahulog ka!" suway ni Jenelle sa kuya niya. "Ang bad boy mo talaga, manang-mana ka kay Tatay!" pagsusungit niya.

"Ikaw naman nagmana kay Mommy sa pagiging good girl! Mag-chill ka nga d'yan, baby sis. Mag-enjoy ka naman!"

"Mommy, o! Si Kuya Dwayne!" sumbong niya. Palagi na lang silang parang aso't pusa.

Bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako ni Jeydon.

"Dwayne, bumaba ka na diyan. 'Wag mong pinag-aalala si Jenelle," suway niya. Aba, first time niya yata hindi kinunsinti si Dwayne. Napataas ako ng kilay at napatingin ako sa kaniya. "Asawa ko, alam kong pogi ako, pero 'wag mo akong titigan. Baka matunaw ako n'yan, eh."

"Yah!" sigaw ko at hinampas ko siya sa braso niya. "Para ka talagang teenager! Ang tanda-tanda mo na. Forty-two years old ka na, Jeydon Lopez!" sigaw ko.

Tiningnan ko si Dwayne at Jenelle at tawa sila nang tawa sa aming dalawa ng tatay nila. Nagmana rin sila sa pagiging pasaway namin. Si Dwayne, manang-mana kay Jeydon, pero mas kamukha ko siya. Si Jenelle naman, nagmana sa akin pero kamukha ni Jeydon.

"Mom, Tatay looks young," natatawa pa ring sabi ni Dwayne. "Right, baby sis?"

"Opo, Mommy," mahinhin na sagot ni Jenelle. "Ikaw rin naman, Mommy, mukha pa kayong bata ni Tatay."

"Mag-chill ka lang kasi d'yan, asawa ko," sagot niya. "Tama rin naman si Dwayne at Jenelle eh, mukha pa tayong bata."

"Same line pa kayo, ha? Manang-mana talaga sa 'yo si Dwayne," nakangiti kong sabi. Mag-amang mag-ama silang dalawa. "Like father, like son."

"Like mother, like daughter!" sabay na sigaw naman ni Jeydon at Dwayne.

Nagkatinginan kami ni Jenelle at nagtawanan na kaming lahat. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo na masaya, hindi ko mapigilang maiyak sa saya. Masaya ako kasi kahit minsan ang weird namin o kahit minsan pasaway kami, masaya kaming pamilya at nagpapasalamat ako na malapit kami ni Jeydon sa mga anak namin.

Pagdating namin sa hotel nila Jeydon, sinalubong agad kami ng mga staff at sinuotan nila kami ng mga bulaklak.

"Kasama ba nila Uncle Troy si Trevor?" tanong ni Dwayne. "I wish he's here."

Hindi pa man ako nakakapagsalita, nagsalita na si Jenelle. "Bakit ba si Trevor na lang ang palagi mong hinahanap? FYI, anak din nila Tita Tiffany at Tito Troy si Marion," mataray niyang sabi.

"Baby sis, Marion is too good for us. Katulad mo si Marion, goody-two-shoes at hindi kami gano'n ni Trev."

"Oo, bad boy kayo eh!" sagot niya.

"That's right, baby sis."

Nagkatinginan na lang kami ni Jeydon. Kahit naman madalas silang ganyan, alam namin na it's nothing serious. Kahit na may pagka-bad boy si Dwayne katulad ni Jeydon, alam kong katulad din siya ng Tatay niya na mahal ma mahal ang kapatid niya. I know he loves her sister the way he loves us.

"They will all be here. Reunion yata ng APAT ito. Right, Mr. Bad Boy?" singit ko.

"Yes, Ms. Good Girl," nakangiting sabi sa akin ni Jeydon. "Reunion n'yo na rin 'to, anak, kasi makukumpleto na rin kayo. Pupunta rin dito sina Tito Shawn at Tito Ginno n'yo kaya nandito rin si Angel at Stanley."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon