Chapter 25: Premonition

1.5M 38.9K 16.2K
                                    

Candice's Point of View



"MASAKIT BA?"

"Masarap ba?"

"Anong feeling?"

"Enjoy ba?"

"Gaano katagal?"

Napapikit ako at nagbuntonghininga.

"Wait!" sigaw ko at tiningnan ko silang dalawa. "Isa-isa lang, mahina ang kalaban eh," sambit ko at pareho silang natawa.

"Sorry, excited lang akong malaman," sambit ni Tiffany. "Magkwento ka na kasi!" pagpipilit pa niya.

"Masaya, masarap at enjoy. Ayan, okay na?" matipid kong sagot.

"I like that masarap thing!" sabi ni Stacey habang tawa siya ng tawa. Grabe. Pinagkakaisahan nila akong dalawa. "Eh bakit parang puyat ka? Napagod ka ba?" Nakangisi niyang tanong at parang may iniisip na naman siyang kalokohan.

"Napagod lang ako pag hahanda kay Jeydon sa trabaho niya ngayon." Kinuha ko ang kape na nasa harapan ko at ininom ko iyon. Pakiramdam ko hanggang pagod na pagod pa rin ako. "Ganito pala talaga kapag may asawa ka na, mas magiging responsable ka lalo na sa sitwasyon ni Jeydon."

"Sa lagay ni Jeydon, paano siya naliligo tapos paano siya kumikilos sa bahay n'yo?" tanong ni Tiffany.

"Pinapaliguan ko siya tapos binibihisan. Kung anong kailangan niya ay ibinibigay ko. Mahirap pero masaya naman ako eh," paliwanag ko.

"Pinapaliguan mo talaga siya? So ano, nakikita mo buong katawan niya gano'n?" tanong ni Stacey.

"Nakita ko na naman lahat kay Jeydon, eh," sagot ko.

Napatili silang dalawa at parang namumula pa si Tiffany. "OMG!" sigaw nilang dalawa at pinagpatuloy nila ang pagtawa nila.

"Asawa ko na si Jeydon at walang masama kung makita ko pa ang buong katawan niya."

"May point ka do'n," sabi ni Tiffany. "Teka, may lakad pa nga pala kami ni Tyler. Mauna na ako, ha? Nexy time ulit, girls. Bye!" Agad siyang tumayo at umalis. Mukhang excited siya na makita si Tyler.

"Oo nga pala, napadaan ako sa bahay nila Tita Candy at nakita ko si Charles. Mukhang umuwi na siya." Bigla akong nakaramdam ng excitement. Gusto ko ng makita si Kuya pero susunduin ko pa si Jeydon. "Gusto mo, sunduin ko kayo ni Jeydon mamaya papunta sa bahay n'yo dati?" alok ni Stacey.

"Sa susunod na lang siguro. Inaayos ko pa ang bahay para sa house blessing sa susunod na linggo. Ang dami ko pa ngang gagawin eh," sagot ko. Kinuha ni Stacey ang kamay ko at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Anong problema?" tanong ko.

"Alam kong nahihirapan ka, kaya kung may kailangan ka sabihin mo lang sa 'kin. Candice, alam naman namin na hindi madali ang sitwasyon n'yo ni Jeydon kaya 'wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa 'min." Lumapit sa akin si Stacey at niyakap ako.

"Salamat, pero kakayanin ko to. Mahirap man pero obligasyon kong alagaan si Jeydon bilang asawa niya at higit sa lahat, ginagawa ko lahat ng ito kahit mahirap kasi mahal na mahal ko siya." Hindi ko na rin naiwasan na maging emosyonal kaya naiyak ako sa usapan namin ni Stacey.

Nagpaalam na ako sa kaniya at dumiretso ako sa school kung saan nag ta-trabaho si Jeydon. Bago pa man ako makarating doon, nakita ko na ang mga bata na pauwi kasama ang mga yaya at magulang nila. Agad akong pumasok sa loob. Nakita ko si Jeydon na nasa loob pa rin ng classroom. Mag-isa lang siya at nagsusulat siya habang nakaupo sa wheelchair niya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon