Chapter 11: Under the moon

1.7M 44.6K 13.3K
                                    

Candice's Point of View


HANGGANG NGAYON HINDI pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko. Siguro dahil sa matagal na akong wala dito kaya wala man lang akong ideya sa mga nangyayari. Akala ko walang nagbago, mayro'n pala.

Kahit gusto ko na sina Troy at Tiffany ang magkatuluyan, wala akong magagawa dahil sa huli, si Ate Jaycee pa rin ang pinili ni Troy. Pero kung iisipin, wala rin namang masama roon. Nagmahalan naman talaga silang dalawa simula pa lang at first love pa nga ni Troy si Ate Jaycee. Palagay ko sila talaga ang nakatadhana para sa isa't isa dahil napakarami na nilang pinagdaanan.

Sana lang maging masaya na rin si Tiffany.

"Restroom lang ako," bulong ni Jeydon sa 'kin. "Diyan ka lang ha?"

"Saan naman ako pupunta?" tanong ko.

"Mamaya sundan mo ako sa CR eh." Ngumisi siya sa 'kin. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya hinamapas ko siya sa braso niya. "Ouch!"

"Bilisan mo, ha?" Tumango siya at hinalikan niya ang noo ko bago siya tuluyang umalis.

Pinagmasdan ko lang 'yong likod niya habang papalayo siya. Ang sexy talaga ni Jeydon kahit likod pa lang. Naku! Ano ba itong iniisip ko?

Tiningnan ko ang cellphone ko. Kanina pa ako nag-text kay Stacey pero hindi pa siya sumasagot. Sigurado namang alam na ni Tiffany ang tungkol dito at hindi ko alam kung ayos lang ba siya doon o hindi. Nag-aalala ako para sa kaniya. Ayaw niya kasing banggitin si Troy sa 'kin, kaya hindi ko iyon ma-open up sa kaniya. Naisip ko na lang si Stacey, baka sakaling magsabi sa kapatid niya.

Love is really complicated especially when destiny is playing with you.

Pinagmasdan ko ang mga tao habang sumasayaw sila sa harap ko. Parang gusto ko tuloy sumayaw. Nasaan na ba si Jeydon?

Tatayo na sana ako para puntahan siya, pero biglang nag-iba 'yong boses ng kumakanta at alam ko kung kaninong boses 'yon. Nasa stage siya habang hawak-hawak niya 'yong microphone. Anong ginagawa niya roon?

Napatitig ako sa kaniya habang nakatingin siya sa 'kin. Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Alam kong mayabang at vain si Jeydon pero ang guwapo naman kasi talaga niya eh. At ang ganda ng boses niya, napakalamig.

Gusto ko talaga iyong mapupungay at brown niyang mata, mapulang labi, at matangos na ilong. Ang ganda rin ng katawan niya, lalo na ang abs niya. Pero sa lahat ng 'yon, mas na-in love ako kay Jeydon sa tawa at mga ngiti niya. Iyong mapapangiti ka na lang din at mapapatawa ka. Kapag kasama mo siya, parang ang gaan lang ng pakiramdam mo at masaya ka lang din. Kahit na bad boy siya, mas madami siyang sweet side at ang nakakatuwa do'n mas lumalabas 'yon kapag kasama niya ako.

Bigla na lang nag-init 'yong mga pisngi ko. Ang suwerte ko talaga dahil ako ang minahal niya.

Tumigil si Jeydon sa pagkanta niya. "Mayroon lang sana akong gustong sabihin," aniya. Kindi ko maintindihan pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. "Anim na taon ang nakalipas, mayro'n akong nakilala na isang babae. Isa siyang nerd, manang, at sabibin na nating loner. Ayoko sa kaniya no'ng una naming kita pero hindi ko rin maintindihan kung bakit nang sumunod nagustuhan ko na siya at nang tumagal . . . minahal ko na siya nang sobra sobra. Mahal na mahal."

Napaiyak na lang ako sa mga sinabi ni Jeydon. Kapag naaalala ko kung paano kami nagkakilala at kung paano namin unti-unting minahal ang isa't isa noon naiiyak ako kasi sobrang importante ng mga alaalang 'yon para sa 'kin. Ang bawat detalye ng mga alaalang 'yon ang naging dahilan kung bakit ko minahal nang sobra-sobra si Jeydon. Lahat ng sakripisyo namin para sa isa't isa, lahat 'yon worth it.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon