Chapter 13: First Night

1.6M 42.6K 9.4K
                                    

"BASTA 'WAG MONG tatanggalin 'yang piring mo," utos ni Jeydon habang inaalalayan niya ako papunta sa future house daw namin. "Kapag sinabi ko nang go, doon mo lang puwedeng tanggalin 'yang piring mo."

Huminto kaming dalawa at binitawan niya ang kamay ko. Gusto ko na sanang tanggalin 'yong takip sa mata ko kaso baka magalit si Jeydon. Hinintay ko na lang bago siya mag-go signal.

"Jeydon?" tanong ko. Tatlong minuto na kasi akong nakatayo. Ayoko ng ganito eh, mainipin ako. "Nasaan ka na ba?"

Narinig kong may tumahol kaya napahawak ako sa piring ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Dapat ngayon pa lang sinasanay ko na ang sarili ko na sumunod sa mga sinasabi Jeydon dahil in two months time, magiging isa na kami. Ang isang asawa dapat palaging sumusunod at nakikinig sa asawa niya kasi simula nang ikinasal sila, iisa na lang sila.

"You've always been a good girl, baby," bulong ni Jeydon habang unti-unti niyang inaalis ang piring sa mata ko. "Puwede mo nang buksan ang mata mo."

Pagbukas ng mata ko, bumungad na agad sa 'kin ang isang aso. Chow-chow din siya kagaya ni Cholo pero iba nga lang ang kulay niya.

"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko kay Jeydon habang tinuturo ang cute na aso.

"Gusto ko kasi magkaroon na rin ng pamilya pati mga alaga natin kaya bumili ako ng babaeng chow-chow para kay Cholo." Niyakap ko siya agad. Nakaka-touch lang na pati mga alaga namin ay naalala pa niya lalo na 'yong alaga ko, to think na ayaw niya sa mga aso.

"Nasaan si Princess?" tanong ko.

"Hindi puwedeng magsama ang isang aso at pusa sa iisang bahay. Tayo lang ang exemption doon. I've decided na si Cholo na lang ang ititira natin dito dahil alam ko ayaw mo sa pusa at may allergic reaction ka sa balahibo niya." Nalungkot ako bigla. Paano siya? Kaya niyang isakripisyo si Princess para sa 'kin? "Si Jayshin na nga bahala kay Princess. Ayos lang ako. You first before anything else." Hinawakan niya ang mukha ko dahilan para mapangiti ako ulit.

Tumunog bigla 'yong tiyan ko. Nakaramdam na ako ng gutom. Nakalimutan ko nga pala na kainin ang baon na binigay ni Jeydon sa 'kin kanina. Sinamaan tuloy ako ni Jeydon ng tingin.

"Sorry, nakalimutan kong kainin 'yong pinabaon mo sa 'kin. Masyado akong preoccupied kanina." Kinurot niya 'yong magkabilang pisngi ko. "Ouch! Jeydon naman eh!"

"Sige na nga. Kainin na lang natin 'yan nang sabay, okay?" aniya. Tumango ako at saka niya kinuha ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa bahay namin. Iniwan muna namin 'yong cute na chow-chow sa labas.

Habang papasok kami sa loob ng bahay, hindi ko maiwasan na mamangha. Hindi ito kasing laki ng isang mansion nina Jeydon at ng bahay namin pero hindi rin naman gano'ng kaliit. Puro puti at asul 'yong nakikita ko sa palagid. Ang sarap tingnan parang narerelax ka. Napapangiti tuloy ako dahil sa tuwa. May mga gamit na rin pero konti lang. Praktikal na bahay na sakto lang para sa isang pamilya.

Inilapag ko ang bag na pinabaon sa 'kin ni Jeydon kanina. Siya naman kumuha ng plato at kutsara at saka pinainit niya 'yong pagkain. Nagulat ako sa niluto niya, sinigang na baboy. Kumuha agad ako ng kanin tapos ng ulam. Aaminin ko hindi gano'n kasarap ang luto ni Jeydon pero makikita mo ang effort niya sa pagluto nito. Napapangiti na naman ako. Mukha na siguro akong tanga sa harap ni Jeydon kakangiti.

"Oo nga pala, ano ang ipapangalan natin doon sa chow-chow?" tanong niya.

Nag-isip ako ng magandang pangalan. Ano nga ba?

"Chasie na lang!" sigaw niya. "Okay ba?" Tumango ako. Siya naman ang bumili no'n eh kaya dapat lang na siya 'yong magbigay ng pangalan.

"Saan siya uuwi mamaya? Sa amin ba?" tanong ko.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon