Chapter 27: Sayang

1.3M 36.2K 8K
                                    

Troy's Point of View

MINULAT KO ang mata ko dahil nakaramdam ko ng sakit ng ulo. Umupo ako at tinignan ko ang paligid. Andito ako sa guest room nila Jeydon. Napahawak ako sa ulo ko kasi sobrang sakit. Lecheng hang over 'to.

"Troy?" Narinig ko ang boses ni Candice kasabay ng pagbukas ng pinto. "Ano, masakit ba ulo mo?" Tanong niya.

"Oo, napadami ata ang inom ko kagabi." Sambit ko. "Ano yang dala mo?" Tanong ko.

"May dala akong tea." Lumapit siya sakin at inabot niya sa akin ang tasa ng tsaa na hawak niya. "Inomin mo yan para mawala yong sakit ng ulo mo." Napansin kong napapatingin sakin si Candice ng matagal.

"May problema ba?" Nagulat siya sa reaksyon ko. Agad niyang inilayo ang tingin niya sakin. "May nasabi ba ako kagabi? Hindi ko na matandaan eh." Napakamot pa ako ng ulo ko.

"Wala naman. Ay oo nga pala, papunta na dito si Tiffany." Sa gulat ko, nabitawan ko yong basong hawak ko. Napatayo ako dahil sa init ng tsaa. Natapon siya sa t-shirt ko at sa sahig. Hinawakan ko agad ang damit ko, "Candice, I'm gonna take my shirt off." Paalam ko kay Candice.

Tumalikod agad siya kasabay ng paghubad ko ng damit ko. Hindi na ako tinignan ni Candice at dumiretso siya sa pinto. "Lalabas muna ako, kukuha ako ng pamunas. May shirt si Jeydon sa cabinet, kumuha ka na lang."

Kumuha agad ako ng damit sa cabinet. Bago ko maisuot iyon ay napansin ko ang tattoo na nasa dibdib ko.

Tiffany

Matagal ko ng gustong tanggalin ang tattoo na 'to pero palagi na lang hindi natutuloy. Minsan nahihiya na din ako kay Jaycee pero buti na lang sobrang understanding niyang asawa sa akin.

Kumatok si Candice kaya nagsuot agad ako ng damit. "Troy? Papasok na ako." Pagpasok niya ay may dala siyang floor map. "Ayos ka lang ba? Pasensya na at nagulat kita ha." Kinuha ko sakanya ang map at ako na ang nag punas ng tsaa sa sahig.

"Ako dapat mag sorry." Tinapos ko ang paglinis ng sahig. "Nagulat lang ako. Bakit siya pupunta dito?" Tanong ko.

"Tumatawag kasi siya sayo kagabi. Mukhang importante kaya sinagot ko. Sinabi kong lasing ka at dito ka na matutulog. Sabi niya may kailangan daw kayong tapusin agad ngayon kaya pupunta na lang daw siya dito."

"May fashion show kasi kami bukas ng gabi at kailangan na niyang matapos yong mga damit na pinagawa ko sakanya." Paliwanag ko. "Wala ka bang pasok? Nasaan na si Jeydon?"

"Hinatid ko na siya sa School. Wala akong pasok pero pinapatawag ako ni Tyler. Hinihintay lang kitang magising para makapunta na ako sa office." Kinuha niya sa akin ang map. "Aalis na ako. Mag luto na lang kayo ni Tiffany ng kakainin niyo mamaya, tutal dito naman ata kayo mag uusap. Isara mo na lang yong bahay kung aalis na kayo."

"Sige ako ng bahala." Nagpaalam ako kay Candice at naiwan ako sa bahay nila. Ang weird na dito pa kami mag uusap ni Tiffany pero less hassle na din.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina nila Candice. Dumiretso ako sa refrigerator nila at nakita ng mga lulutuin. Nagpasya ako na magluto ng soup para madaling lutuin. Nagpainit ako ng tubig at ng kumukulo na ito ay nilagay ko ang mushroom at carrots. Si Jaycee ang nagturo sa akin na magluto nung high school ako.

Kumain agad ako pagkaluto pa lang. Nagutom talaga ako. Ang dami ko din nainom kagabi. Iniisip ko kung anong mga nasabi ko kay Candice kagabi. Sana naman walang lumabas sa bibig kong hindi maganda.

Tumayo ako ng may nag doorbell. Tinanaw ko na sa malayo kung sino yon at nakita ko agad si Tiffany. Nakakapagtaka na bumilis na lang ng ganon ang tibok ng puso ko. Matagal ko na din siyang hindi nakakausap.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon