Epilogue (Part 1)

1.8M 43.2K 21K
                                    

Jeydon's Point of View



"IKAKASAL NA SILA ngayon pero alam kong masaya ka para kay Troy," sambit ko habang nakahiga ako sa damuhan katabi ng puntod ni Ate. "Masaya rin naman ako para sa kanila, pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil wala ka na sa tabi namin. I wish you're still here, pero alam kong masaya ka na diyan kasama ni Jenny. Right, Jenny?"

Tumingin ako sa kanan kung saan nando'n ang puntod ni Jenny. Magkatabi sila. Actually, halos buong angkan namin na namatay na, dito na rin nakalibing.

"Don't worry, Ate, ako nang bahala sa pamilya natin. Palagi ko ring titingnan si Marion para sa 'yo. After the wedding, Tiffany will be Marion's legal mother. I can't understand why they need to do that. You're still his mother. But, what can I do? Iyon ang mga huling habilin mo kay Tiffany bago ka mawala. Sana katulad ni Tiffany, nakausap din kita bago ka mamatay. Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo, eh. Hindi pa ako nakapagsalamat sa 'yo para sa lahat ng ginawa mo sa 'min. I miss you so much. We all miss you."

Pinikit ko ang mata ko at dinama ko ang malamig na hangin. Niyayakap kaya ako nila Ate at ni Jenny? If I could just hug them back.

"Mom and Dad are always traveling. I'm happy to see them madly in love again with each other. And Jayshin's taking his master's next year sa US. May bago na rin siyang girlfriend. Her name is Farah. She's nice and pretty. You and Jenny would have liked her."

Naisip ko ang mukha ni Jayshin habang kasama niya si Farah at ngayon ko lang siya nakitang gano'n ka-seryoso. He's always been a laidback person. Natuto talaga siya kay Tamara. Sayang lang they didn't end up together.

"About me? I'm back at school. Sabi ni Dr. Song, cleared na raw ako sa tumor ko at pwedeng-pwede na akong magturo ulit. Papasok na next school year si Dwayne sa amin. Sana ako 'yong maging teacher niya. Candice is also doing well at her job. Vice president na siya sa magazine company. Everything is going well for me, pero kung may dumating man na problema, alam kong kakayanin namin 'yon ni Candice."

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang asul na langit. Ang ganda ng panahon. Tamang-tama sa kasal ni Tiffany at Troy.

"I have to go. Magda-drive pa ako papuntang Tagaytay. I love you, Ate. I love you, Jenny."

Nagmadali akong bumalik sa bahay. Nakaayos na si Candice at si Dwayne.

"Tatay, maganda ba sa Tagaytay?" tanong ni Dwayne. "I want to go there!"

"Maganda ro'n, Dwayne. Madami kaming memories ng Mommy mo ro'n. 'Di ba, asawa ko?" Ngumisi ako kay Candice pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Akala niya siguro 'yong honeymoon namin ang timutukoy ko. Napakamot na lang ako ng ulo. Bakit ba ang green-minded ng asawa ko?

"Tara na nga, baka mahuli pa tayo."

Dalawang oras din kaming nag-drive papunta sa Tagaytay. Pagdating namin do'n, madami-dami na ring tao sa reception. Garden wedding ang ginawa nila. Ang ganda ng setup at green ang motif. Ring bearer ulit si Dwayne at coin bearer naman si Marion. Si Stacey ang maid of honor at ako naman ang best man.

Naglakad na isa-isa ang groomsmen at bridesmaids. Pagkakita pa lang namin kay Tiffany, namangha na kami sa kaniya. Ang ganda niya ngayon. Tiningnan ko si Troy at halatang kinakabahan siya. Tinapik ko ang balikat niya para mawala ang kaba niya. Ngumiti naman siya sa akin.

Kinuha ni Troy ang kamay ni Tiffany papunta sa upuan nila. Kita sa kanilang dalawa ang saya. Hindi ko na rin maiwasan na maging masaya para sa kanila. Alam kong masaya rin si Ate.

Nagsimula na ang ceremony.

Dumating ang speech ng bride at ng groom. Lahat kami tahimik na nakikinig. Nagsimula si Troy.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon