Kabanata 1

760 7 1
                                    


Inilapag ni Ian ilang klase ng dokumento sa harapan ni Ion. Nakaupo na para bang hari ang binata sa swivel chair nito.

Napairap si Ion.

"Ano nanaman ba iyan?" Walang ganang sabi ni Ion habang nakatungkod ang siko sa gilid ng upuan at kahawak sa kaniyang sentido.

"Try mo kayang tignan." Pilosopong sabi ni Ian bago salinan ang baso ng alak.

"Tinatamad ako, basahin mo nalang." Walang kasaya-saya niyang sabi.

Pagod na pagod siya nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga ipinagawa ng ama. Kaya naman niyang umisa pa ng misyon pero ewan niya kung bakit tila tamad na tamad siyang gawin iyon.

Pakiramdam niya ay wala na siyang patutunguhan sa buhay kundi ang manghuli at pumatay ng masasamang loob. In the first place all he wants to do is to work for the organization, ngayon na nagagawa na niya ang bagay na iyon ay hindi na niya alam kung ano pang isusunod niyang gagawin.

He felt empty this past few days. Di gaya ng nakatatanda nilang kapatid na si Aiana na masaya na sa sariling pamilya nito, siya ay nananatiling mag isa at wala pa ring balak na mag asawa matapos ang nangyari limang taon na ang nakalilipas.

"Ano ka? Sinuswerte? Basahin mo huwag kang tamad." Sagot sa kaniya ni Ian.

Nanatiling hindi kumikibo si Ion at ipinikit na lamang ang kaniyang mga mata. There's no way he will read the fucking document, he's too lazy right now.

Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ni Ian. Dinampot nito ang inilapag na dokumento sa ibabaw ng lamesa.

Napairap si Ion.

Babasahin din pala nag inarte pa.

"Kung hindi lang talaga ito utos ni dad hinayaan nalang kitang mapagalitan diyan." Umiiling na sabi ni Ian.

Napatingin si Ion sa mga inilabas na pictures ni Ian mula sa dokumento. Napukol ang kaniyang mga mata sa iisang larawan.

Kinuha iyon ni Ian maging ang isa pang litrato.

"Si Alejandro Quintero ang trabaho mo ngayon. Siya ang master mind ng malaking bentahan ng illegal drugs at firearms sa Medellin. Masyado nang malaki ang ginagawa niyang krimen kaya kailangan na siyang itumba." Paliwanag ni Ian sa kaniya.

Nanatiling nakatitig si Ion sa larawan ng isang dalaga.

Inangat iyon ni Ian sa ere katabi ang isa pang larawan ng isa pang babae.

"This is Antonia and Antonella Quintero. Daughters of Alejandro Quintero. Mahalaga silang dalawa dahil lahat ng illegal na gawain ni Alejandro ay mapupunta sa isa sa kanila once na mapatay mo ang ama." Paliwanag pa ni Ian.

Napakunot ang noo ni Ian ng mapansing nananatili lamang ang tingin ni Ion sa isang larawan na kaniyang hawak. Para bang hindi nito pinakikinggan ang kaniyang mga sinasabi at sa larawan lamang nakatuon ang atensyon.

Napangisi si Ian. Tila nakuha ng dalagang ito ang atensyon ng kaniyang kapatid.

Inilapag ni Ian iyon at ipinasok muli sa loob ng folder, napangisi si Ian ng makita ang iritang tingin sa kaniya ng kakambal.

UnintentionalWhere stories live. Discover now