Kabanata 16

171 7 0
                                    


"I'm always fine, baby. I enjoyed staying at your house for a week.." Malayo pa lang ay rinig na rinig na ni Maria ang bungisngis ni Antonia. Kakapasok lamang niya ng kusina.

Mukhang mayroon lalaking kinababaliwan ngayon ang kapatid niya. Ayaw niyang mahuli siya ni Antonia na nakikinig sa pakikipag usap nito sa telepono kaya naman tumalikod na siya upang sana'y huwag nang tumuloy sa kusina ngunit napatigil siya.

"Oh.. Don't worry about her. Ella es solo la bastarda de papá y nunca me quitará el imperio." She's just papa's bastard and will never take the empire away from me. Sinundan ito ng isang halakhak ni Antonia.

Napakunot ang noo ni Maria sa sinabi nito.

"Papa made her look stupid. The empire was named after me, she thought it was hers when in fact she's just there to do the work for me. She maybe the one who leads the empire now, but I'm her boss. I'm the rightful owner of Quintero imperio." Natatawang sabi nito sa kausap.

Napayukom ang kamao ni Maria dahil sa kaniyang narinig. Nanginginig siya sa galit ngunit ikinalma niya ang sarili dahil kailangan niyang marinig ito mismo sa kaniyang ama.

Hindi siya naniniwala sa mga salita ni Antonia.

"Really?! You're going to visit me?" galak na tanong ni antonia sa kausap.

Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi ni Antonia sa kausap. Nagmamadali na umakyat siya sa kaniyang kwarto upang tawagan si Sauron. Alam niya kung may kinalaman din ang lalaking iyon.

Hindi ito sumasagot sa kaniyang tawag kaya naman kinuha na niya ang kaniyang bag upang puntahan na ito sa sarili nitong tirahan.

Nang makalabas ng kaniyang kwarto ay napadaan siya sa opisina ng kaniyang ama. Hindi niya ito makausap sapagkat narito ang kapatid ng kaniyang ama. Masinsinan ang usap ng mga ito kaya naman ayaw niyang makaistorbo.

"I don't know where she is now. Maria doesn't need her since she's a grown up woman. She doesn't even ask who her mother is, or where her mother is. My daughter only needs me, she doesn't care about Luisa." Rinig niyang sabi ng kaniyang ama mula sa nakabukang pintuan ng opisina nito.

"She deserves that from flirting with her boss." rinig ang disgutong tono sa kaniyang tiyahin. "I really pity Victoria back then, she was so broken from what you and that dirty maid did. You betrayed your wife, hermano."

"I know, I know, Alexandra. I was sorry for Victoria.. I made a mistake but I'm happy that Luisa gave Maria to me. My daughter is a gift, and will always be the best gift to me." kalmadong sagot ni Alejandro.

"Look at you, you always prioritize Maria than Antonia. That's why she always gets jealous.."

Humina na ang mga boses nang papalayo na siyang naglakad mula dito.

Alam niya, una pa lang ay alam na niyang anak siya sa labas ng kaniyang ama. Subalit ngayon lamang niya narinig ang pangalan ng kaniyang ina.

Luisa. Dating maid ng kaniyang ama at ng asawa nitong si Victoria.

Inalis niya sa kaniyang isipan ang babaeng iyon habang nasa loob siya ng umaandar na sasakyan. Nakatitig lamang siya sa labas ng bintana.

Totoong hindi niya tinatanong ang kaniyang ama ng tungkol sa totoo niyang ina. Noong nabubuhay kasi ang kaniyang step mother na si Victoria ay ingat na ingat siya. Mainit ang dugo sa kaniya ng babae kaya naman hindi niya gugustuhing palalain iyon sa pamamagitan ng pagbanggit sa kaniyang totoong ina.

Bagamat kaswal at hindi naman sila naging close ni Victoria, hindi naman siya nito ni minsan pinagbuhatan ng kamay o pinagbalingan ng galit.

Malamig lamang ang pagtungo nito sa kaniya noon at hindi naman din niya pinipilit ang sarili magustuhan nito. Tama na na mahal siya ng kaniyang ama.

UnintentionalWhere stories live. Discover now