Kabanata 6

246 5 0
                                    


Napahingang malalim si Maria ng makalayo siya sa direksyon ni Ion.

Isang manyak, bastos at walang respeto ang lalaking iyon. Ibig niyang gamitin ang itinuro sa kaniya ni Sauron upang mabigyan ng leksyon ang Ion na iyon.

Umpisa pa lang ay hindi na talaga niya gusto ang presensiya ng lalaking iyon. Hindi niya nais makita pang muli ang bastos na lalaki.

"Anong nangyari sayo? Bakit namumula ang mukha mo?" Tanong ni Zyrian na nasa kaniyang harapan na pala. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

Tumayo ng maayos si Maria. Umiling siya.

"Mainit lang sa comfort room." Sagot niya.

"I saw Ion entering that comfort room, did he do something on you?" Seryosong tanong ni Zyrian habang mariin ang titig sa kaniya.

"Wala. I never saw him, nagkasalisihan siguro kami ng pasok." Dahilan niya. Mabuti na na ganito na lamang ang kaniyang sabihin kaysa malaman pa ni Sauron at magalit lamang iyon.

Iisang direksyon ngunit magkaibang pintuan ang banyo ng mga lalaki at ng mga babae kaya naman alam niyang makalulusot siya sa kaniyang dinahilan.

Matamnan pa rin siyang tinitignan ni Zyrian tila tinatantya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"You should distance yourself from that man, Maria. I know how fucking asshole he is, baka pati ikaw ay gamitin niya laban kay kuya." Seryosong sabi ni Zyrian. "Kilalang-kilala ko ang lalaking iyon, siya lang ang taong nakilala kong daig pa si satanas sa pagkatuso at pagkademonyo. Baka nga kapag namatay ang isang iyon ay nakawin niya ang trono ni satanas sa impyerno. Kahit mga inosente ay idinadamay niya sa gulo,"

Nakita ni Maria ang pagyukom ng kamao ni Zyrian.

"Pati ang girlfriend at ang anak ko ay nadamay dahil sa mga katarantaduhan niya." Galit na sabi ni Zyrian sa kawalan.

Napasinghap si Maria.

May kinalaman si Ion sa pagkamatay ng pamilya ni Zyrian?

"What do you mean, Zyrian? Sangkot ba siya sa pagkamatay nila Malia?" Aniya sa nag aalalang tanong.

Napaigting ang panga ng binata. Tumalim ang pagkakatitig nito sa isang direksyon.

"I know he has something to do with it. Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng lalaking iyon, idadamay niya ang sino mang konektado sa kalaban niya." Gigil na sabi ni Zyrian.

Napaiwas ng tingin si Maria.

Sa mga paglalarawang sinambit ni Zyrian ay natitiyak niya na isang mapanganib na tao si Ion. Dapat niyang iwasan ang lalaking iyon kundi pati siya ay madadamay sa gulo nito at ng mga Kalavaraj.

"NO, esto no está pasando, papá! Dijiste que me darías el imperio! Por qué se lo diste a esa hija bastarda tuya?!" No, this is not happening, papa! You said you will give me the empire! Why did you give it to that bastard daughter of yours?!

Nanggagalaiting sigaw ni Antonia ng makapasok si Maria sa kanilang kabahayan. Nakapameywang ito sa harapan ng kanilang ama habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Tu boca, Antonia! Tu hermana se lo merece porque sé que puede manejarlo bien, además de que ahora tienes la compañía, que el imperio esté con María!" Your mouth, Antonia! Your sister deserves it because I know she can handle it well, besides you have the company now, let the empire be with Maria!

Paliwanag ni Alejandro sa anak. Kalmado ang boses at tila ayaw magkaroon ng sigawan sa loob nv kabahayan.

"No, papá! I want it! I want the empire! I deserve it more than that bastard! I'm your legitimate daughter, you should've give that to me!" Nagmamaktol pa na sabi ni Antonia.

Marahas na napabuga ng hangin si Maria. Lumapit siya sa gawi ng mga ito kaya naman napatingin ang mga ito sa kaniya.

Agad na matalim na tingin ang ibinibigay ni Antonia kay Maria.

"Perra, qué hiciste para que papá te diera ese imperio? You brainwash him?!" Bitch, what did you do to make papa give that empire to you?!

Walang buhay na napatawa si Maria. Napairap din siya sa nakakabatang kapatid.

"Brainwash?" Tinaasan niya ng kilay si Antonia. "Dear sister, I'm not like you."

Nginisihan niya ito.

"If you want the empire, I'd gladly give it to you." Nakangiting sabi niya sa kapatid. "But don't blame me if the enemy's sicarios will target your fucking head. Don't plead for papá and Kalavaraj's help."

Mariin na binibigyan niya ito ng tingin.

Tila nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Antonia, mukhang natatakot na ito sa anumang panganib na darating.

"Antonia, hija, Maria has the power and authority to run the empire because Sauron is supporting her. Besides she is more capable because she was trained to do this, I told you to train when you were teenager but what did you do? You just enjoy your life to the fullest, hija, you didn't join Maria in tough trainings." Paliwanag pa ng kanilang ama.

Subalit alam nilang lahat na kahit ano pang sabihin ng kanilang ama ay hindi iyon maiintindihan ni Antonia sapagkat sukdulan ang galit at inggit nito kay Maria.

Nagmamartsang tumalikod si Antonia sa kanilang lahat. Galit na galit ito na tila ba sa sobrang galit ay wala nalang din nasabi.

Napahinga si Maria.

Lumapit naman sa kaniya ang kaniyang ama.

"I'm sorry for your sister's action, hija. She's just really upset because she didn't get what she wants. She'll be okay after a while." Paghinging dispensa sa kaniya ng kaniyang ama.

Napaiwas lamang siya ng tingin.

Sanay na siya sa ganitong akto ng kaniyang kapatid. Buong buhay ata niya ay kinamuhian siya ng kapatid niyang ito.

"It's okay, papá." Aniya bago naupo sa sofa. Naupo din ang kaniyang ama sa kaniyang tapat.

"So, how was the meeting? Did you meet some of the Galdreon?" Tanong ng kaniyang ama.

"Yes, papá. I met Ion Lucifer Montero. Vice Commander of Galdreon." Sagot niya.

Napatikhim si Alejandro ng marinig ang pangalan ni Ion.

"You should keep your distance from that man. He's too dangerous. He can beat the Satan itself." Pahayag nito.

"I know that, papá. Zyrian already introduce him to me. I know what to do when he's around." Aniya.

Kahit na sa totoo lang ay hindi niya alam ang gagawin kapag nakasalamuha niya itong muli. Nagawa siya nitong bastusin noong una nilang pagkikita, kung malaman pa nitong isa siya sa mga kalaban nito ay baka wala na siyang buhay sa susunod nilang pagkikita.

"That's good. I don't need to worry because I know Sauron will protect you."

Napayukom ang kamao ni Maria.

Kapag naririnig niya ang bagay na iyon ay para bang umiinit ang kaniyang ulo. Para bang idinedepende na lamang silang lahat ng kaniyang ama sa mga Kalavaraj.

_*_

UnintentionalNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ