Kabanata 5

292 8 1
                                    


Napaiwas ng mukha si Maria ng magnakaw ng halik sa kaniyang pisngi si Sauron. Tinitignan ito ng masama ni Maria habang ngingisi-ngisi lamang ito sa kaniya.

"I swear, Sauron, I'll be talking to you in filipino for the whole year if you don't stop being a flirt." Mahinang bulong ni Maria sa lalaki.

Mahinang natawa si Sauron.

"Okay, okay, babe, I'll stop." Tumatawang sabi nito.

Inirapan ni Maria ang lalaki.

Ngayon lamang napansin ni Maria na tahimik ang paligid. Nakatitig lamang pala sa kanila ang lahat ng tao sa loob ng conference room.

Napaawang ang bibig ni Maria.

Mariin at madilim ang mga tinging ibinabato sa kaniya ni Ion ng mapadapo dito ang kaniyang tingin.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin kay Ion. Lumayo siya ng kaunti sa gawi ni Sauron.

"Mukhang binabakuran ka na ni kuya, Maria." Nangising sabi ni Zyrian sa kanilang gilid.

"You asshole, speak in fucking english or spanish." Mariing utos ni Sauron sa kapatid ngunit tinawanan lamang siya ni Zyrian.

Binigyan ni Maria ng isang irap ang lalaki. Humalukipkip siya at pinagsiklob ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"Hindi naman ako magpapabakod sa kaniya, sadyang feelingero lang ang kuya mo. Akala niya ay mababakuran pa rin ako gayong hindi naman ako pumayag na magpakasal sa kaniya." Nakaismid na sabi ni Maria.

Hindi makapaniwalang tumingin si Sauron kay Maria.

"Babe! I want to join your conversation too!" Maktol ni Sauron kay Maria ngunit nanatili itong nakaismid.

"Well, well," singit ni Ion kaya naman napatingin ang lahat sa binata. Mayroon itong isang nakakatakot na ngisi sa labi. "Narito pala ang isa sa mga anak ni Alejandro Quintero."

Hindi alam ni Maria kung bakit natatakot siya sa awra na ibinibigay ni Ion sa kaniya ngunit para bang gusto na lamang niyang magtago sa likod ni Sauron dahil sa takot.

Naramdaman ni Maria ang muling pagpalupot ng braso ni Sauron sa kaniyang baiwang.

"Sorry, fucker, she's my fiancé." Matalim na sabi ni Sauron habang may malamig ding tingin kay Ion.

"No soy tu prometido." I'm not your fiance. Mahinang bulong ni Maria kay Sauron.

"Por ahora, por favor acepte." For now, please agree. Mahinang pakiusap sa kaniya ni Sauron habang masuyong nakatingin sa kaniya.

Umirap si Ion.

"Like I fucking care." Masungit na sabi ng binata.

"Kuya, he didn't say he was going to snatch Maria from you." Paliwanag naman ni Zyrian sa kapatid.

Nanatiling matalim ang titig ni Sauron kay Ion.

"I know how evil you are, Ion. You will touch whatever you think is mine." Malamig na sabi ni Sauron kay Ion.

Napatawa ng walang buhay si Ion.

"Do you mean, the one's.." tumingin si Ion sa direksyon ni Maria. May kakaibang tingin na ibinibigay ito sa kaniya. "..that is going to be mine."

Napayukom ng kamao si Sauron.

"Por favor, Ion. Don't fucking let Maria see a very very brutal fucking fight." Malamig na sabi ni Zyrian sa binata.

Napakunot ang noo ni Maria. Ano ba ang pinag uusapan ng mga ito? Ano bang klase ng pag aaway ang gagawin ng dalawa?

Hindi niya maintindihan.

UnintentionalWhere stories live. Discover now