Kabanata 13

290 8 0
                                    


Nang makaalis sa underground parking lot ay nagulat siya ng hilahin siya ni Ion papasok sa isang salaming pintuan.

May crew na naghihintay doon.

Napaawang ng bahagya ang bibig ni Maria ng makita ang kanilang pinasukan. Isa itong malaking hotel. Kapag tumingin ka sa itaas na bahagi nito ay matatagpuan ang isang malaking salamin na bubong, kitang kita niya ang papakulimlim na kalangitan. Napakataas ng bubong. Sa tingin niya ay mataas pa ang bubong nito kaysa sa mga malls na ipinatayo ng kaniyang ama.

Elegante at modernong-moderno ang dating ng hotel na ito. Kung tutuusin ay daig na daig pa nito ang structure ng seven star Dubai Hotel. Talaga namang mapapanganga ka sa designs ng establishment na ito.

Hawak-hawak ni Ion ang kaniyang kaliwang kamay habang hila-hila siya nito papunta sa receptionist.

Kinausap nito ang receptionist habang siya naman ay abala sa pagkamangha sa paligid. Naagaw ng kaniyang pansin ang isang malaking fountain di kalayuan sa kanila.

Gawa din iyon sa salamin kaya naman kitang-kita niya ang nasa ilalim ng tubig nito.

"Oh my- is that.." bulong niya bago napatakip ng bibig.

"What's that, baby." Tawag pansin sa kaniya ni Ion kaya naman nilingon niya ito.

"Is that diamonds that I'm seeing?" Gulat na tanong niya kay Ion bago bumaling ang tingin sa fountain.

Napangiti naman si Ion bago tumango.

Dali-dali na lumapit si Maria sa fountain at tinignang maigi ang fountain. Puro diamonds ang nakikita niyang nakapailalim sa tubig ng fountain.

"You haven't seen something like this, Maria?" Tanong nito.

Napatango-tango naman siya habang abala parin sa pagkamangha ang kaniyang mga mata sa mga diamanteng nakikita.

"Usually in ordinary places like malls, parks and church, people use coins to wish but here, we use diamonds." Tila normal na bagay kung sabihin iyon ni Ion.

"Who in the world would use diamonds just to fucking wish on this fountain? I mean, I could be a Billionaire once I collect all of these diamonds." Napapailing na sabi niya.

"Baby, this is a Galdreon owned establishment. In Galdreon, it's not important if you are a millionaire or billionare or even the richest human in the world, you just need powerful connections and influence to be part of the diez familias." Sagot nito.

"Diez Familias?" Tanong niya.

Hinawakan nitong muli ang kaniyang kamay.

"Diez Familias consists of ten clans with powerful connections. If your family is part of it, lower ranks must obey your family. Tanging ang mga parte lamang ng organisasyon ang maaring magsagawa ng ganoong bagay." Paliwanag nito.

"Huh? What kind of rule is that? Edi kapag inutusan ko ang pamilyang may mas mababang rank sa pamilya namin na pumatay, susundin nila?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

Natawa si Ion.

"Nope, not like that. Ang napiling pinuno lang ng pamilya niyo ang maaaring mag utos sa mas nakabababang pamilya, maaring kang magbigay ng utos pero kailangan munang aprubahan iyon ng pinuno ng pamilya ninyo. Hindi rin posible ang pag uutos na pumatay. May mga limitasyon pagdating sa pag uutos. Tulad ng batas ng isang bansa, mayroon ding batas ang Galdreon. Oras na may nilabag ka o may hindi sinunod, ang tao o pamilyang mas mataas ng isang ranggo ang magpapataw sa pamilya niyo ng parusa." Pahayag ni Ion bago siya hinila papunta sa elevator.

Kunwari'y tumango-tango si Maria kahit na sa totoo lang ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi ni Ion.

Masyado pala talagang malawak ang Galdreon. Akala niya ay sapat na ang alam niya sa organisasyon na iyon, hindi pala.

UnintentionalHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin