Kabanata 19

193 9 1
                                    


Inilapag ni Ien ang ilang mga litrato at papel sa harapan ni Maria.

Kasalukuyan silang nasa living room ng kabahayan at kadarating lamang ng binata upang ipresenta sa kaniya ang mga nakalap nitong impormasyon tungkol sa kaniyang ina.

"Your biological mother is Luisa Tianzon Doria. She lives in Bulacan and surprisingly my fiancè's mom too." Pahayag sa kaniya ni Ien.

Hinawakan ni Maria ang litrato ng sinasabi ni Ien na kaniyang ina.

Kita niya na may pagkakapareha sila nito ng mga mata at hulma ng mukha. May katandaan na ito dahil sa nakalabas na puti sa buhok.

"Your fiancé's mom? Kapatid ko?" Tanong niya.

Tumango si Ien bago itinuro ang isa pang litrato.

Larawan iyon ng isang babae na may bilugang mata, matangos na ilong at may maliit na mukha. Hindi naman ito nahahawig sa kanilang ina kaya malamang ay nagmana ito sa ama.

Kung titignan ay parang isang simpleng babae at puno ng kainosentehan ang babaeng sinasabi ni Ien na kaniyang kapatid.

"She's Kim Nicole, my soon-to-be wife." Nakangising salita ni Ien.

Napataas ang kilay ni Maria.

"Pakakasalan ka naman kaya niya? Hindi kayo bagay. Mukha siyang hindi makabasag pinggan." Aniya at inilapag ang litrato.

Tinitigan siya ng masama ng binata. Bahagya siyang natawa.

"She will marry me. Mahal niya ako." Malamig na sagot nito.

Ayaw niyang pikunin pa ito lalo. Baka hindi na siya nito tulungan.

"Sabi mo e.." sabi na lamang niya kaysa mainis pa ang binata sa kaniya.

Bumuga ng hangin si Ien.

"Pupuntahan natin sila bukas. Hindi ko alam kung nandoon ang mga kuya ninyo pero sana wala." Tukoy ni Ien sa dalawa pang nakakatandang kapatid niya kay Luisa na sila Kiel at Karlo.

"Are they still living with nanay?" Tanong ni Maria.

"They have their own family now, but tomorrow is sunday. Baka bisitahin nila si mama Luisa." Sagot ng binata.

Tumango si Maria.

Kinabukasan, maaga silang nagpunta ni Ien sa bahay na kasalukuyang tinitirhan ng kaniyang nanay Luisa.

Huminga siya ng malalim bago nagdoorbell.

Ilang saglit pa ay bumukas ang gate at bumungad sa kaniya ang isang dalagang may magandang mga mata. Maputi ang balat nito at may inosenteng hitsura.

Si Kim nga ito gaya ng nakita niya sa mga litratong ipinakita ni Ien sa kaniya.

"Nariyan ho ba si Luisa Doria?" Tanong niya kay Kim.

"Hindi na Luisa Doria ang kaniyang pangalan, may bago na siyang asawa kaya Perez na ang kaniyang apilyido." Sagot nito sa kaniya. "Bakit mo siya hinahanap?"

"I'm Maria Antonella, anak ako ni Alejandro Quintero. Si Luisa Doria ang nanay ko." Sagot niya sa dalaga.

Bakas ang gulat sa mga mata ni Kim. Nakatingin lamang ito sa kaniyang likuran kung saan naroon si Ien. Tila hindi na nito napansin ang kaniyang pagtatanong.

Hindi na nakapagsalita pa si Kim. Pinapasok na lamang sila nito bago tinawag ang kaniyang ina.

Nang makarating si Luisa ay nakumpirma niyang ito nga ang nanay niya sapagkat malaki ang kanilang pagkakahawig.

Humagulgol ito sa kaniyang harapan habang nakahawak sa kaniyang mga kamay.

Hindi niya sinisisi ang ina sa pag iwan sa kaniya sa puder ng kaniyang ama. Wala itong naging choice kundi ang itikom ang bibig at bumalik sa probinsya.

UnintentionalWhere stories live. Discover now