Synopsis

1K 23 1
                                    


Inilapag ni Maria ang baso na ininuman niya ng tubig. Hinugasan niya ito bago muling ibinalik sa lalagyanan ng baso.

Nagpunas siya sa may bimpo na nakasabit sa ibabang bahagi ng lababo.

Ganun na lamang ang kaniyang gulat ng pagharap niya ay nakatayo na sa kaniyang harapan si Ion.

Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang gulat sa lalaki.

Matamnan na nakatingin ito sa kaniya. Umiigting ang panga na para bang nagagalit.

Paano siya nito nahanap? Sinabi ba ni Ien kung nasaan siya?

Ang daming pumapasok na katanungan sa kaniyang isipan ngunit nawala ang lahat ng iyon ng maramdaman niya ang muling paglapit ng binata

Napasandal na siya sa sink at napahawak doon. Iniiwas niya ang kaniyang mukha sa mukha nito.

"Akala mo ba hindi kita mahahanap? Hmm.." anito bago idinikit ang ilong sa kaniyang pisngi. "Baby, you didn't even wait for me to come back."

Pilit na inilalayo ni Maria ang mukha niya sa binata ngunit lalo lamang itong lumalapit.

"I was miserable for weeks, baby, that fucking twin of mine was good at hiding you." Malalim na sabi nito, ang dalawang kamay ng lalaki ay naglilikot sa kaniyang katawan. Habang tanataniman naman ng labi nito ng maliliit na halik ang kaniyang mukha. "But now, I won't fucking let anyone take you away from me. I will kill anyone who would dare to do that, they will experience hell."

Nang makabawi si Maria sa mga nakakapandalang haplos nito, agad niyang inalis ang dalawang kamay nitong nakayapos sa kaniya bago siya lumayo.

"Don't act like you didn't fucked my sister, Ion." Nanggigigil na sabi ni Maria habang nakatingin ng mariin sa kaniya. "Alam ko ang lahat. Nakipaglapit ka lang sakin dahil gusto mong mahuli si papá at makuha si Antonia. Now that you have finished that mission of yours, fucking leave me alone."

Nanginginig ang kaniyang kamay na saktan ang lalaki. Sa totoo lang ay gustong-gusto na niya itong patayin dahil sa mga katarantaduhang ginawa nito sa pamilya niya.

Ngumisi si Maria kahit ang totoo ay punong-puno ng galit ang kaniyang kalooban. Nangingilid ang kaniyang mga luha ngunit hindi niya iyon hinahayaan na pumatak.

"Grabe namang mga blessings ang dumarating sayo kahit Lucifer ang pangalan mo. Naipakulong mo na nga ang tatay ko, nagawa mo pang tuhugin kaming magkapatid. I can't believe, sobrang nakakahanga ka. You deserve a trophy, best in fucking betraying." Nakangisi niyang sabi. Nakayukom ang kamao ni Maria.

Malamig lamang ang ipinupukol na tingin ni Ion sa kaniya. Lalapit pa sanang muli ito sa kaniya kung hindi niya iniharang ang kaniyang palad sa dibdib nito.

"Your father is a criminal, he needs to go to jail. Your sister and I doesn't have anything in between, she's a slut, I don't like her. I only like you, it's always been you, Maria." Masuyong sabi ng binata bago mabilis na nakalapit sa kaniya at nakanakaw ng halik.

Marahas na hinawi niya ang mukha nito bago sinampal. Napabaling ang ulo ng binata dahil sa malakas na pagkakasampal niya dito.

Nagkaroon ng isang maangas na ngisi sa labi ng binata.

"Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ng ganiyan sa harapan ko ang pamilya ko." Nanginginig sa galit an sabi niya dito.

"You know that I don't use sugar coated words when it comes to other people. Hindi ko kailangang maging mabuting tao sa mga mata ng iba." Nakangisi pa ring sabi nito sa kaniya.

Nanginginig ang mga kamay ni Maria. Ramdam niya sa kaniyang kanang kamay ang pagkamanhid dahil sa malakas na pagsampal niya sa mukha ni Ion.

"Leave." Matigas na utos ni Maria.

UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon