Kabanata 18

170 9 1
                                    


"Ibibigay mo ba ako sa kapatid mo?" Kalmado ngunit hindi makagalaw na tanong ni Maria kay Ien.

Kasalukuyan itong nagmamaneho sa hindi niya malamang direksyon.

Nakaupo na siya ngayon sa passenger seat.

Ien chuckled.

"Nah. I will not go easy on him. Paiiyakin ko muna." Natatawang sabi
nito.

"Edi may balak ka din, pakawalan mo ako." Matigas na sabi niya sa binata.

"Huwag kang mag alala, sasabihin ko lang sa kaniya kung may permiso mo. Isa pa, kung hindi ako ang tutulong sayo tiyak na mahahagilap ka agad ni Ion kahit nasa pinakadulo ka pa ng Pilipinas. You have to trust me."

"At bakit naman kita pagkakatiwalaan? Malay ko ba kung magkasingsama lang kayo ng ugali ng kakambal mo." Matalim na linya niya dito.

Ngumisi si Ien.

"Mas masama ugali ni Ion, mabait-bait pa ako ng kaunti. Hindi ko naman gawain ang pumatay three-time-a-day." Maangas na sabi nito. "You have no choice but to trust me, Maria. Kayang kontrolin ni Lucifer ang paligid. May mata 'yon sa bawat kanto ng bansang 'to kaya hinding-hindi mo iyon matatakasan. I know how he move, hindi ka niya matutunton sa pamamagitan ko. Matutulungan kita."

Napakunot ang noo ni Maria.

"Paano mo naman nalaman na hinahanap niya ako?" Tanong niya.

"Nagwawala ang tarantadong iyon sa headquarters ng Galdreon dahil itinakas ka ni Sauron paalis ng Bogotà. Pinasabog niya ang ilang luxury car ni Sauron sa inis niya." Sagot nito.

Hindi na siya nagulat pa sa sinabing iyon ni Ien.

Hindi na siya mag aalala pa kay Sauron dahil alam niyang nasa mabuting lagay naman ang lalaking iyon kahit na ganoon ang ginawa ni Ion.

May tiwala siya na hindi basta-basta masasaktan ni Ion si Sauron.

"So, ano nga bang dahilan bakit ka nandito sa Pilipinas? Dito mo balak magtago? Sa teritoryo ni Satanas?" May halos sarkasmong tanong ni Ien.

"Hinahanap ko ang totoo kong nanay. Ayon sa ama ko, dito ko siya mahahanap." Tanging sagot niya habang tinatanaw ang mga estruktura ng Maynila.

Hindi gaanong malayo sa imahe ng Bogotà ang Maynila. Medyo mausok din dito dahil sa mga sasakyan.

"Alam mo ba kung anong pangalan niya?"

Huminga siya ng malalim.

"Luisa."

"Luisa..?" hinihingi ni Ien ang apilyido.

"Luisa lang ang alam kong pangalan niya. Hindi ko na narinig kung anong apilyido dahil hindi sinabi ng papà ko."

"Paano siya nakilala ng papà mo? Saan sila nagkita?" Tanong pa nito bago iniliko ang sasakyan sa isang direksyon.

Nagtatakang tinignan ito ni Maria.

Bakit ba inuusisa nito ang kaniyang ina?

Mukhang napansin ni Ien ang kaniyang pagtitig kaya naman tumikhim ito.

"I need the details para madali natin siyang mahanap." Sagot nito sa kaniyang nagtatanong na tingin.

Bumuga muli ng hangin si Maria.

"Dating maid nila papà dito sa Pilipinas. They had an affair. After nine months, I came out." Simpleng sagot niya.

"Wow, ang daming infos." Ien said sarcastically.

She's literally tired. Para bang babagsak ang kaniyang katawan sa pagod dahil sa byahe at sa mga nangyayari pa sa kaniyang paligid.

Hinihiling niya na sana'y nasa mabuting kalagayan ngayon ang kaniyang ama.

UnintentionalWhere stories live. Discover now