Kabanata 17

10 1 0
                                    

Hello!! I hope you enjoying this story! Hehehe

NO HATE, SPREAD LOVE PEOPLE!!😘

========================
=============

"Wow Evannie!! Ang laki naman ng bahay nyo!" Sabi ni Elen at manghang-mangha ang mga matang nililibot ang tingin sa kabuohan ng bahay namin. Ngumiti lang ako sa kanya at hinila na siya papasok sa bahay.

"Manang yung kwarto nyo po ay nasa taas, kaliwang parte na katabi po ng kwarto ni Evannie. At sayo naman Elen ay sa katabi ng kwarto ni Nanay." Mommy said to them.

"Ay hindi ba po ok lang kami sa iisang kwarto" sabi ni Nanay. Tumango naman si Elen.

"Baka po kasi may multo at wala po akong kasama nakakatakot." Sabi ni Elen. Kahit kelan talaga abnormal ang isang 'to.

Mommy and Daddy chuckled. "Sige po kayo ang bahala" sabi ni Daddy. "Aling Liza, ito pala ang bagong amo nyo dito ah. Please treat them nice." Tumango lang si Aling Liza. "Oh sya, pakidala na ang mga gamit nila sa taas ah" tumango ulit ito bago kumilos.

Mabait naman si Aling Liza, siya ang mayordoma dito sa bahay. Simula pagkabata ko ay siya na ang umalaga sakin kaya mabait talaga siya.

"Evannie umakyat kana at magpahinga tatawagin nalang kita mamaya maghaponan na. Kayo rin po umakyat na at magpahinga" sabi ni Mommy sa amin nila Elen kaya umakyat na kami at nagpahinga.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, parang walang pinagbago ganun pa rin tulad ng dati. Ang mga damit ko ang nasa ayos pa rin. Nahiga ako sa kama ko.

Nasaan na kayo si Nathaniel? Hindi ko alam kung handa ko ba siyang makita o hindi. Ipapakasal na ako sa iba. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Sa sobrang kaiisip hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa katok galing sa pinto.

"Mau, gising kana ba? Baba kana at kakain na tayo ng dinner." Sigaw ni Mommy galing sa labas. Mabilis akong bumangon at nag ayos ng sarili bago lumabas.

"Let's go na kanina pa sila nagaantay sa baba" sabi ni Mommy kaya tumango ako at sabay kaming pumunta sa dinning.

"Oh Mau, maupo kana at kakain na tayo" sabi ni Daddy sakin kaya tumango nalang ako at umupo tabi ni Elen.

"Alam mo bang ang laki ng kwarto namin?! Tapos dalawa pa ang kama! Ang akala ko ay nasa hotel ako!" Sabi ni Elen sakin habang kumakain kami. Natawa naman kami sa kanya.

"Alam nyo po bang nagtitinda ng isda ang hanapbuhay namin nitong si Evannie? Hehehe ang galing nga pong maglinis ng isda ih" pakwento ni Elen kila Mommy. Hindi naman makapaniwalang tumingin sila sakin.

"Really?! Buong buhay mo anak hindi ka pinagtratrabaho tapos marunong ka maglinis ng isda?" Sabi ni Mommy na hindi makapaniwala sa nalaman niya kaya tumango lang ako.

"Marunong nga po siya maglinis ng isda. Pero syempre nung una pa lang halos malugi kami dahil sa dami ng nadurog na isda dahil sa kagagawan niya po" kwento ulit ni Elen natawa naman kami doon. Totoo halos wala kaming benta dahil sa kagagawan kong yon.

"Pero Natutu na rin po siya. Tapos po hindi rin siya marunong magluto at maglinis sa bahay" pailing iling naman si Elen. Habang natatawa naman sila Nanay.

"That's ok hindi talaga siya gumagawa ng mga ganyan dati" sabi ni Mommy. Nagpatuloy naman kami sa pagkain.

"Evannie" tag sakin ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya. "In the next day we have a dinner with you fiance so be prepared" sabi ni Daddy. Napabuntong hininga naman ako at tumango.

Natapos kami sa kwentohan at haponan. Puro daldal lang si Elen, ang daming alam sa buhay niya.

"Elen bukas punta tayong mall, shopping tayo?" Tanong ko kay Elen mabilis naman siyang tumango at yumakap sakin.

"Sobrang swerte ko at naging kaibigan kita Evannie, maraming salamat! Sa wakas makakapagaral na ulit ako ng koleheyo!!" Sa no Elen na ngayon ang naiiyak na. Natawa naman ako sa kanya.

"Swerte din naman ako sayo ih bukod sa may kaibigan akong madaldal ay boxingera pa!" Sabi ko sabay tawa ng malakas. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya.

"Sie tulog na tayo, maaga tayo bukas ang punta tayong mall bibilhin natin lahat ng makita natin!" Sabi ko with matching hand gesture pa kaya natawa kaming dami at umakyat na sa taas para matulog.

KINABUKASAN, maaga along nagising at magpaalam kila Mommy na pupunta kaming mall ni Elen. Pumayag naman sila at binigay sakin ang wallet kong iniwan ko dati. Nandoon ang mga credit cards ko at pera ko dati.

"Elen bilisan mo naman!" Sigaw ko kay Elen mula sa baba. "Oo na wait lang prend!" Sigaw nita naman habang pababa ng hagdan.

"Ang bagal mo namang kumilos, sinabihan na kita kagabi na maaga tayo ih." I said and she just nodded while wearing her shoes. Pailing naman ako at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay.

Pagkalabas namin ay nandoon na Kotse kong gagamitin namin. Ahhh na miss ko magdrive!

Pumunta na akong driver sits. Naramdaman ko namang natigilan si Elen. Kaya na pa kunot noo akong lumingon sa kanya.

"Ikaw magdri-drive?" She asked I just nodded. Pusang gala wala pa atang tiwala sakin ang isang 'to! Hello may driver license na ako!

"Marunong po ako mag drive ma'am. May drivers license din po ako baka gusto mo pang makita bruha ka" I said. Napangiwi naman siya at sumakay na sa sasakyan at ako naman ay sumunod sa kanya.

Nang makasakay ako tinuro ko naman sa kanya ang seatbelt. Mabilis niya namang sinuot yon tska ako nag seatbelt. Nagumpisa na akong magmaneho patungong Malapit na Mall.

"Kain muna tayo bago maglibot para hindi tayo magutom habang namimili." Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya.

Pumunta kami sa isang sikat na coffee shop dito sa mall. Dahil umagahan naman ok na itong coffee shop.

"Good morning po Ma'am. This way po" sabi ni waiter. Tumango lang kami sa kanya at naupo sa pangdalawahang table.

"Ano order mo Elen?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ng makakakain.

"Gusto ko ma try yung pancakes with chocolate syrup and then yong dark chocolate smoothie." Sabi niya sakin habang nakangiti. Pangiti naman ako sa reaksyon niya.

"Two chocolate Flavor pancakes with chocolate syrup and caramel syrup, Two slices of mocha cake, two dark chocolate smoothies." Sabi ko sa waiter na nagaantay ng order namin.

"That's all ma'am?" He asked kaya tumango lang ako. "That will serve after 20 minutes ma'am" tumango ulit ako. Tska umalis na siya para asikasuhin ang order namin.

"First time ko 'to besh hahaha" Elen said. Kaya napatawa rin ako. Halata sa mukha niya ang excitement kaya mas napangiti ako.

"Alam mo ba nung na hospital ka sila Nathaniel nawala na rin sa kanila. Nabalitaan ko lang yun sa kapitbahay nating chismosa." Mabilis akong mapalingon sa kanya. Saan sila nagpunta? Anong nangyare sa kanya?

"Saan sila nagpunta?" Tapos ko kay Elen. Nagkibitbalikat lang siya at hindi rin alam kung saan.

"Elen saan mo balak ma unang pumunta?" Magiliw king tanong sa kanya. Bigla naman siya napatingin sakin na nakangiti.

"Gusto ko sana mamili ng mga damit puro luma na ih" she said kaya tumango lang ako. Tumuloy Tuloy naman ang kwentohan namin hanggang sa dumating na ang order namin.
Masaya kaming kumain habang ang utak ko lumilipad kung saan.

Nasaan kana Nathan?

"Excuse me"

=======================
============

Next chap!!😛

Attempting You To Be Mine Où les histoires vivent. Découvrez maintenant