Kabanata 7

9 0 0
                                    

Hello po!!! Chap. 7 na!!!! Natatamad na ako magsulat hahaha, pero Go lang!🙆‍♀️🧸

NO HATE, SPREAD LOVE PEOPLE!!🤘

================================
===================

Bakas ang ngiti sa akin. Pag gising palang kaninang umaga halos magtatalon na ako, 'di 'ko rin alam kung bakit, basta buhay! Natawa ako magisa sa mga iniisip ko.

"Eva!" Agaw pansin sakin ni Elen. Nakakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.

"Bakit na naman ba?" Singhal ko kay Elen, parang uusok na yung ilong ko dito kay Elen ih! Sinisira yung matino kong pagpapantasya.

Ngumso naman si Elen sa aking likod kaya napatingin naman ako don, napasinghap ako ng makita ko si Nathaniel na nabubuhat ng balde na may lamang mga isda.

Nakakunot ang noo kong lumapit sa kanya, "hoy!" Gulat siyang napatingin sakin.

"Ano yan ah? Hindi ka nagsabi kargador kana rin pala?" Tawa kong tanong sa kanya.

Tinangoan niya lang ako, "oo matagal na, hindi ko ba nasabi huh?" Pabalik na tanong niya, nagulantang naman ako doon.

Langya! Ano 'to all around siya? Tricycle driver tapos kargador?!

"Huh? Baka linoloko mo na namn ako ah!" Sabay pingot sa kanya.

"Sino nagsabing niloloko kita hah?!" Singhal nya sakin.

"Tska totoo naman ah!" Sabay umirap si bakla!

"Aba may pairap irap kana ng mata ngayon ah!" Singhal ko sa kanya.

"Ano pa ba ginagawa mo sa buhay mo hah?!" Tanong ko.

"Kunti lang naman ah!" Depensa niya.

"Hmm, as umaga nangingisda ako nakikisama, pagkatapos nun namamasada. Kapag may oras pa, sumasideline sa restaurant ni Aling leleng, waiter minsan cook, kapag sabado naman at linggo tour guide, yun lang naman ah!" Paggalit niya sakin.

Nalula ako don ah! Pero anak ng Patis! Totoo ang daming trabaho ah?! Ano siya all around?!

"H-huh? Bakit ang dami?!" Tingin ko sa kanya.

"Hindi ka ba napapagod sa ganun? Ang dami mong trabaho ah." Nagtatakang tanong ko.

"Yiee! Ikaw ah nag-aalala ka ba? Hmm?" Sabay tinataasan pa ako ng kilay.

"Don't worry, hindi naman ako mapapagod basta nanjan ka." Pabiro niyang sabi.

"Sige, hanap ka kausap mo" umirap ako at tinalikoran siya.

"Kita tayo mamaya ah! Yung pangako kong milktea!" Rinig kong sigaw nya.

TOTOO?! Tama ba narinig ko o masyado lang akong nagpapantasya sa kanya. Basta nanjan daw ako oh!

"Hoy eva, para kang baliw! 'Wag ka nga ngumingiti magisa tumataas balihibo ko oh!" Pinakita nya sakin yung braso niyang patpatin.

"Bakit ba hah?! Kanina ka pa!" Singhal ko kay Elen. "Kenekeleg leng ake" inarte ko sa kanya.

"Nako! Evannie dalaga kana!" Tuwang sabi niya sakin, nagpabebe naman ako sa gilid habang pabirong pinapalo si Elen.

"Oo nga pala Elen samahan mo ako mamaya ah! Libre daw tayo ni Nathaniel ng milktea don sa kabilang kanto natin!" Bigla naman syang nagtatalon, mas excited pa ang lola mo ah!

"Excited na excited tayo ah? Isang taon hindi nakainom ng milktea? Hah elen? Parang nung isang araw bumili tayo nun ah" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Bakit ba hah? Pake mo gusto ko ulit uminom nun ih tska gwapo ng gumagawa hehehe" sabay pabebe nya sa gilid, pinatukan ko naman sya at nag away na naman kaming dalawa.

Attempting You To Be Mine Where stories live. Discover now