Kabanata 21: Sagada

6 0 0
                                    

Hope you're enjoying this story!!
THIS CHAPTER WILL BE THIS "🥰💑"

NO HATE, SPREAD LOVE PEOPLE!!!🥰

============================
==================

MATAPOS kami mag breakfast at nag aya si Nathan na pumunta sa Strawberry farm. Mabilis naman akong pumayag dahil gusto ko ring pumunta doon.

"Alam mo bang kahit mawala na yung gravity dito sa mundo" sabi niya sakin kaya napatingin naman ako sa kanya. Bakit naman mawawalan ng gravity dito sa mundo?! Abnormal.

"I would still fall for you" sabi niya sabay kindat sakin. Napatanga naman ako sa sinabi niya.

Ano bang nakain ng tao na 'to? Baka nagayuma masyado sa kagandahan ko whahaha.

"Kahit may gravity naman hulog na hulog ka na" I proudly said to him. Mahinang natawa naman siya sa sinabi ko.

Huh! Kala mo ah! Mautak din naman ako sa mga kalokohang ganyan. Huwag me!

"Gusto ko matikman yung taho na strawberry flavor!" Magiliw na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at binigay ang buong atensyon sa daan.

Habang nasa byahe kami, binuksan ko ang radio ng sasakyan at sinabayan ang kanta doon.

Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands

Pagkanta ko, sabay turo sa kanya. Tumingin naman siya sakin saglit at binalik ang atensyon sa daan.

"You have a beautiful voice" sabi niya ng may mga ngiti sa kanyang labi. Nginitian ko naman siya at kuomintang muli.

And you need to know
You're the only one, alright, alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night

Pumikit ako at ninamnam ang kanta, "Para sayo ito baby!" Malakas na sabi ko nung sa chorus na. Natawa naman siya sakin.

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad, oh
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad...

"I love you too baby" he said and smile to me. I gave him a flying kiss. Masaya kaming nagbyabyahe dahil puno ng tawanan at asaran.

Nakarating na kami sa strawberry far dito sa Sagada. Halos mapatalon ako sa dami ng tanim na strawberries dito.

"Good morning Ma'am and Sir" bati ng Manager samin dito sa farm.

"Good morning po!" Masayang bati ko sa kanya at ngumiti naman si Nathan sa kanya.

"Welcome to Strawberry farm, this way po" sabi niya at nauna ng naglakad sa amin ni Nathan.

Halos mapatalon ako sa gulat ng hawakan ni Nathan ang aking kamay at ipinasok sa bulsa niya. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti lang siya sakin.

"Baka lamigin ka" sabi niya at hinila niya na ako papasok sa loob ng farm. Napangiti naman akong tumingin sa kanya at pinipigilan ang kilig sakin.

"This is our restuarant here in the farm po." Turo niya sa resto na nasa gilid namin.

"At doon naman po yung pagawaan po ng mga products namin galing dito sa farm." Sabay turo niya sa kanang parte ng farm.

Tumatangong sumunod naman kami sa kanya. "May strawberry picking po kami dito meroon din po kaming grapes kung gusto nyo." Sabi niya samin.

"Gusto ko lahat hehehe" sabi ko kay Nathan tumango naman siya. "Mas gusto kita hehe" panggagaya nita sa tuno ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Narinig ko namang tumawa yung Manager kaya napatingin kami sa kanya. Nahihiyang umiwas naman ako ng tingin sa kanila.

"Alam nyo ang daming nabubuong pamilya dito sa Sagada! Marami ding Mag nobyo ang pumupunta dito sa Farm namin at nagkakatuloyan" sabi niya sa amin ni Nathan. Natawa naman ako ng bahagya. Wala pa nga kasal buo na ng pamilya agad! Tsk!.

"Dito po tayo, mag register lang po kayo at pwede na po kayong maglibot libot dito sa Farm. Ang mga nakuha nyo pong strawberry at grapes ay ikikilo po kapag aalis na kayo." Sabi ng Manager sa amin tumango lang kami at nag register na.

Pagkatapos naming magregister mabilis kong hinila si Nathan papunta doon sa taniman ng strawberry.

Binigyan kami ng Basket ng nagbabantay doon. Nakangiti naman ako habang naglalakad kami papunta sa mga strawberry.

"Wow! Tignan mo oh! Ang dami naman!" Masayang sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa inasta ko kaya napasimangot ako.

"Just pick a strawberry" sabi niya sakin at umupo doon pathway para makakuha ng mga strawberry.

Ginaya ko ang ginagawa niya pagkuha. Grabe first time ko 'to! Parang gusto ko iuwi itong mga tanim na strawberry at ilagay sa bahay!

Abala ako sa pagkuha ng mga strawberry ng may narinig akong pag click ng camera.

Nakita ko si nathan na tawang tawa habang tinitignan ang kuha niya sa phone niya.

"Aba, picture pa lang yan ah! Napapasaya na kita paano pa kaya kung makasama mo na ako habang buhay!" Biro ko sa kanya. Napatingin naman siya at tumawa ng malakas.

"Asus kung alam ko lang, kinikilig la lang ih!" Sabi ko sa kanya kaya mas lalo siyang natawa.

"May Putik ka kasi sa pisnge, para kang batang palaboy!" Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Inis kong tinanggal yung Putik sa pisnge ko. Bago ko pa mahawakan inunahan niya na akong pumunta yon.

Napatingin ako sa kanya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ang ganda ng mga mata niya sa malapitan. Ang gwapo naman nito, saan kaya ito pinagmana?

"Tapos kana tignan yong mukha ko?" Bigla naman akong natauhan at binatukan siya.

Natatawa naman siyang tumingin sakin. "Qng sakit ah!" Sabi niya sakin. I let my tongue out to tease him. He just chuckled at me.

Nang natapos na kaming kumuha ng mga strawberries pinatimbang na namin at pumunta sa resto para magtanghalian doon.

"Alam mo kung bakit ako nag architect?" Tanong ko sa kay Nathan habang nagaantay ng order namin.

Napatingin naman siya sakin na nakakunot ang noo. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Kasi ako gagawa ng bahay natin for the future!" sabi ko sa kanya sabay tawa. Nagugulohan naman siyang tumingin sakin.

"Anong connect?" Sabi niya sakin, napasimangot naman ako. Ano ba yan hindi nagets pinagisipan ko pa yun ng matindi ah!

"Basag trip ka naman ih!" Sabi ko sa kanya, sabay natawa naman siya. "Ahh okay gets ko na!" Sabi niya sakin napasimangot naman ako sa kanya.

"Nauubosan na ako ng mga banat eh" sabi niya sabay kamot sa batok niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Pero hindi ako mauubusan ng pagmamahal sayo" sabi niya sabay kindat sakin. My heart skipped breathing. Namula ako sa sinabi niya. Ang ni neneng na panot!!!

"H-uh, kain na tayo" sabi ko dahil dumating na ang order namin. Tumawa naman siya at tumango. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya at napayuko sa pagkain ko.

"Saan mo gusto pagkatapos nito?" Tanong niya sakin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"Balik na tayo sa hotel napagod ako masyado sa ginawa natin kanina" sabi ko sa kanya tumango naman siya at pinagpatuloy yong pagkain.

Natapos kaming kumain at umalis na sa Farm pagkatapos magbayad ni Nathan.

Nakarating kami kaagad sa hotel at pumunta na sa kwarto namin.

"Pasok na ako sa kwarto ko ah, napagod ako masyado hehe" paalam ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"Sige, tatawagin lang kita mamaya kapag kakain na" sabi niya sakin sabay halik sa aking noo. Ngumiti naman ako sa kanya at pumasok na sa kwarto.

Matapos kong maligo ay humiga na ako sa kama ko, hindi naman nagtagal ay nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.

============================
===================

Next Chapter!!🤭



Attempting You To Be Mine Where stories live. Discover now