Kabanata 22: Sagada

7 0 0
                                    

Disclaimer: this story contains fictional and typos, so it's means some of the scenes in this story are just fictional. Places, Names etc.

NO HATE, SPREAD LOVE PEOPLE!!🙃

=========================
================

NAGISING ako sa katok galing sa pintuan ko. "Love? Papasok ako ah?" Paalam niya sakin. Pumasok siya sa kwarto ko.

"Tara na, nakahanda na yong dinner natin. Nag paroom service nalang ako para hindi na tayo bumaba" sabi niya sakin. Tumango naman ako sa kanya at bumangon na.

Pumasok ako sa banyo habang siya at nakatingin lang sa akin. Naghilamos ako at nagsipilyo.

Pagkalabas ko galing banyo at wala na si Nathan kaya lumabas na rin ako ng kwarto ko. Naabutan ko siyang nanonood ng TV.

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay mabilis niya akong nilingon at nakangiting lumapit sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Naka black short siya at simple t-shirt lang pero lakas pa rin ng dating niya.

"Let's eat na tapos manood tayo ng movies hehe, nagorder kasi ako ng snacks sa baba kanina tapos may mga CD din jan na nakita ko kanina" sabi niya sakin sabay halik sa aking noo. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya bilang pagsang-ayon.

Pumunta na kami sa mini dining area dito sa room namin. Nakahanda na ang mga pagkain namin sa Mesa. Inalalayan niya naman akong umupo bago siya umupo sa tapat ko.

"Kain na tayo, Ano pala gusto mong movie mamaya?" Tanong niya sakin. Napangiti naman ako dahil may naisip akong kalokohan.

"Nood tayo horror nalang!" Magiliw na sabi ko sa kanya habang sumusubo. Napatingin naman ako sa kanya nang hindi siya umimik.

Putlang putla siya at hindi makatingin sakin. Tawa naman ako sa reaksyon niya. Masaya 'to mamaya Whahaha. Kalalaking tao takot sa horror!

"A-ahm s-sige" sabi niya na namumutla pa rin at hindi makatingin sa akin. Kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya.

"Alam mo yong Eeri? Maganda yon!" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kahit hindi niya naman alam yung movie na yon.

"Iba nalang kaya baka hindi ka makatulog eh" suhisyon niya sakin. "Ayaw ko maganda naman yon eh!" Mangungubinsi ko sa kanya.

"Baka wala nun jan" sabi niya sabay turo sa mga CD doon sa lamesa.

"Baka merong Netflix jan sa TV" pangungulit ko. Napabuntong hininga naman siya bago tumamingin sakin.

"Sige tignan natin mamaya, taposin mo na yung pagkain mo" sabi niya sabay tumuloy sa pagkain.

"Opo, daddy" sabi ko sabay sinimulan na ulit kumain. Naramdaman ko naman na parang nasamid siya sa kinakain niya kaya mabilis akong tumayo para kuhaan siya ng tubig.

"Dahan dahan lang naman sa pagkain!" Pagalit ko sa kanya sabay abot ng tubig. Mabilis niya naman iyong kinuha at ininum.

"O-oo" sabi niya habang nakatingin lang sakin. Natatawa naman akong bumalik sa pagkain.

Natapos kaming kumain, ako na ang nagpresentang lilinisin yon para kuhain nalang ng naglilinis dito sa hotel mamaya.

Pumunta naman siya sa sofa atska binuksan ang TV. In-open niya ang Netflix at nagsimula ng isearch ang movie na sinabi ko kanina.

Masaya naman akong tumabi sa kanya at ipinatong ang unan sa aking hita.

"Ayon! Yong EERI" sabi ko sa kanya sabay turo sa movie. Tumango naman siya at nagsimula na ang movie.

Habang nanonood kami inabot niya sakin ang popcorn. Umpisa pa lang ng movie at halatang nakakatakot na talaga. Malakas ang volume ng tv dahil nakakabit pa ito sa speaker na maliit sa tabi niya.

Attempting You To Be Mine Where stories live. Discover now