Kabanata 26

11 0 0
                                    

MABILIS akong bumababa sa sasakyan ko ng nakita kong tumatakbo palabas sila natalie sakin, "Mommy!!" Sigaw ng dalawa sabay yakap sakin ng mahigpit. Natawa naman ako sa inasal nilang dalawa.

"Mommy, can we go out and have some Twinny time? Please..." pagmamakaawa nilanh dalawa sakin, we do it when we are bored in Madrid. We go out and go to malls or amusement parks.

"Sure, but first Maligo muna kayong dalawa." Sabi ko sa kanila at nagmamadali naman silang pumasok sa loob ng bahay, pailing-iling naman akong pumasok sa loob ng bahay.

Ang kukulit rin talaga ng mga bata na yun.

"Mommy nandito na ako, pero aalis din kami ng mga bata para makapagbonding." Sabi ko kay Mommy habang nanonood siya ng TV.

"Ok Mau, ingat kayo." Sabi niya pero nakabaling pa rin ang atensyon sa tv. Kahit nanay ko hindi rin matino, may pinagmanahan ako.

"Aakyat lang po ako sa taas at titignan ang mga bata." Paalam ko sa kanya at hindi na inantay sumagot baka nakakaistorbo na ako sa panonood niya.

Umakyat na ako sa taas at naabotan ko yung dalawa naghahanap ng mga susuotin nila habang basang basa dahil kakatapos lang maligo.

"Hindi rin kayo excited nuh?" Pabirong tanong ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin. Pumasok nalng ako sa walk in closet ko at magpapalit ng damit.

Habang naghahanap ako ng damit bigla naman tumunog ang Phone ko kaya mabilis ko yun tinignan kung sino tumatawag pero Unknown naman.

Alanganin kong sinagot iyon, ABA Malay ko ba baka mamaya iblackmail ako or kidnapper pala.

"Hello?" Sagot ko, tagal din sumagot nito parang aabotin pa ako ng taon.

"Hello, can we meet now? May nakalimutan akong itanong." Sabi niya. Sino ba 'to? Mukha ba akong call center para tanongan?

"Who's this?" Tanong ko sa kausap ko. "This is Nathan." Sabi niya, shit bakit hindi ko nalaman agad. Bwesit!

"Oh, sorry. Hindi ako free ngayon pwede bang sa next meeting nalang?" Sabi ko sa kanya, narinig ko naman parang nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya.

"This is urgent." Sabi niya sabay baba ng call. Shit paano 'to? Saglit lang naman yon pwede ko isama mga bata pero sana hindi mamukhaan ng mga bata tatay nila. Huli na agad ako shit talaga.

Nagtext ako sa kanya sa mall nalng magkita. At pumayag naman siya. Sa isang resto daw kami magmemeet. No choice na 'to.

"Kids let's go na" sabi ko sa mga bata pagkatapos kung magbihis ng damit. Masaya naman silang tumango sakin bago bumababa.

"Mommy, sa mall ba tayo? May bibilhin po kasi akong bagong book." Sabi ni Nathalie sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

"Mommy, gusto ko rin bumili ng bagong science book, may gusto po kasi akong tignan don kasi po feeling ko mali sinabi ng reposter doon sa TV kanina." Dagdag ni Nathy. Wala na talaga ako mapapala sa mga batang ito, nakakahiyang dumikit baka sabihin ng mga tao hindi ako ang tunay na nanay sa talino nila.

Pinapasok ko na sila sa Kotse bago ako pumasok at nagdrive.

Habang nagdridrive napatingin ako sa dalawa sa likod na nonood ng documentary.

Attempting You To Be Mine Onde histórias criam vida. Descubra agora