CHAPTER 8

4.5K 136 12
                                    

Note: Next Friday na ako maguupdate, dapat sa friday pa at hindi ngayon. Pahinga lang ako. Hahahaha
-

ILAN MONTHS na din ang nakalipas pero ganon pa din ang routation namin ni Jet.

12 pm na ng magising ako na hubad na naman ako dahil palagi akong ginagalaw ni Jet, siguro ay nasasanay na ang katawan ko.

Nagbihis na ako at bumaba. Natigilan ako ng may makita akong pagkain na nakahanda sa mesa. Tahimik na kumain ako ng may mapansin akong papel na nakafold.

Kinuha ko 'yon at binasa. 'Eat now, beauty. You are getting thin' - Jet Bryce.

Napalabi ako at pinagpatuloy ang kinakain ko. Matapos akong kumain ay hinugasan ko lahat ng pinagkainan ko.

Lumabas ako at naisipan pumunta ng parmacy dito sa village. "Dalawang pregnancy test po." Saad ko.

"Sandali lang po." Sabi nito.

1 month na kasi ako hindi nagkakaroon, gusto ko lang makasigurado.

Binigay ko na yung bayad bago ko nakuha yung binili ko, umuwi kaagad ako at dumeretso sa banyo. Sumunod ako kung ano ang nabasa ko sa instruction ng pregnancy test.

Pagkalipas ng ilan minuto ay para akong natigilan at pinagpawisan kung ano ang nakikita ko sa harapan ko. Dalawang line, positive.

"Oh God!"

Nanginginig na kinuha ko yung dalawang pregnancy at itinago sa mga damit ko. Hindi pa pwede malaman ni Jet na buntis ako, siguro dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon. Lalo na nararamdaman ko na may iba siya.

Humiga na ako dahil nararamdaman ko na parang nahihilo ako, hindi pwede na ganito ako. Wala sa sarili na napahawak ako sa tyan ko.

"Anak bantayan mo ako, okay?" Mahinang saad ko.

Pumikit na ako, nagising na lang ako na may humahaplos sa pisngi ko. Napamulat ako ng makita ko si Jet na sobrang lapit sa mukha ko.

"Jet..."

"Okay ka lang ba? Namumutla ka." Tanong niya.

Tumango ako at matamlay na ngumiti. "Oo, okay lang ako jet."

Humiga siya sa tabi ko at yumakap sa bewang ko. Pinaharap niya ako sa kaniya. "Bakit?" Mahinang tanong ko.

Hinaplos niya yung buhok ko. "Kailangan ko umalis bukas."

Para akong nakaramdam ng lungkot. "Ganon ba."

"Oo pero uuwi din ako. Isang araw lang ako mawawala." Saad niya.

"Mag-iingat ka." Saad ko.

Tumango siya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry, I can't stop myself." Sabi nito.

"Ang ano?"

"Nothing beauty." Saad nito.

Pinaharap niya ako at hinalikan sa labi. Tumugon ako sa halik niya, pumaibabaw siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Pwede huwag na muna? Masama ang pakiramdam ko."

Tumango siya at ngumiti. "It's okay, may gusto ka ba kainin?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman, dito ka lang sa tabi ko." Sabi ko.

Umayos siya ng higa at pinaunan niya ako sa dibdib niya. "Kumain ka ba? Kinain mo ba yung niluto ko para sayo?

"Oo, thank you para sa effort mo para magluto kahit na busy ka." Saad ko.

"It's okay as long as nagugustuhan mo ang luto ko para sayo."

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now