CHAPTER 2

5.6K 164 5
                                    

NAGISING ako ng makita na nasa isang kwarto ako, napaupo ako bigla at tumingin sa paligid.

Kwarto namin.

"Nakatulugan ko pala ang paghihintay, pero paano ako napunta dito?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Bumukas yung pintuan. "Since you're awake now, you can go now. Huwag ka ng babalik dito."

"Jet please." Pakiusap na saad ko.

Nilapitan niya ako at umupo siya sa gilid ng kama, hahawakan ko sana ang kamay niya pero iniwas niya.

Napayuko ako bigla. "Jet..."

"So anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya.

Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay ko at tumingin sa kaniya. "Kailangan ko ng tulong mo, Jet. Naisanla kasi ng papa ko ang bahay namin."

Tumawa siya. "Tulong? Ngayon ka pa hihingi ng tulong sakin? Parang wala lang sayo yung pag iwan mo sakin."

Napayuko ulit ako at hindi nakapagsalita.

"Sige let's have a deal." Sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya at hinintay siyang magsalita. "You will stay by my side, as long as I want you. You will follow me, i will use your body as your payment."

"P–payment? My body?" Gulat na tanong ko.

"Yes."

Napalunok ako at tumango. "O–okay." Saad ko.

Ito lang ang paraan.

"We're clear now, huwag kang mag assume na tulad pa din ito ng dati. Madaming nagbago nung iwan mo ako, Althea." Diin na sabi niya.

"Maligo ka na, mga damit mo nandito pa." Iyon na lang ang sinabi niya bago umalis.

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now