CHAPTER 23

4.4K 143 25
                                    

KINABUKASAN ay wala si Alethea sa tabi ko pagkagising na pagkagising ko.

Inayos ko muna yung kama bago ako pumasok sa banyo para maligo, pagkatapos ko maligo at magbihis ay dumeretso na ako sa ibaba.

Wala si Alethea sa living area o kahit sa garden, kunot noo na pumunta ako sa dinning area. Naabutan ko si Ichiro na umiinom ng kape. Papatingin siya sa kinaroroonan ko.

"Good morning, Thea."

"Good morning, Ichiro. Nasaan si Alethea?" Tanong ko

"Sinundo siya ng kuya niya. Gusto daw nila maglaro sa bahay ng daddy nila." Sagot niya.

Napatingin ako sa orasan 9:30 am pa lang ng umaga, naglalaro na kaagad sila? Napailing na lang ako sa tanong ko sa isip ko.

Tahimik na umupo ako sa tabi ni Ichiro at napasandal sa upuan. "Mukhang pinaglalapit talaga ang mag-ama mo, Thea."

Huminga ako ng malalim. "Oo nga, hindi na ako magugulat kung isang araw ay malaman ni Jet na anak niya si Alethea."

"Anong gagawin mo pag nangyari 'yon?" Tanong niya.

"Hahayaan ko lang? Isa pa hindi ko naman talaga itatago ng matagal sa kanila pero nangyari na e." Sagot ko.

"Alam mo thea, pag nangyari 'yon may araw na tatanungin ka ni Alethea kung bakit hindi kayo magkasama ng daddy niya."

Tinignan ko siya. "Anong gagawin ko?" Tanong ko.

"Isipin mo ang anak mo, kung ano magpapasaya sa kaniya. Kung gusto niya maging buo kayo bilang pamilya. Then go para sa anak mo." Saad niya.

"Pero hindi ko kaya ibigay sa kaniya 'yon." Mahinang saad ko.

"Mahihirapan ang anak mo, hindi lang ikaw thea. Think about that." Saad niya.

Napabugtong hininga ako, inabot niya sa akin yung bagong gawa na kape. "Make your daughter's happy. If that day will come."

"Kailangan ko makausap si Papa tungkol dito, pupuntahan ko siya sa next week bago tayo umuwi ng Bacolod."

"Sigurado ako na ganito na ganito ang sasabihin ni Tito." Sabi niya.

"Kung ako sa iyo, unti unti ka na magpatawad kasi kitang kita ko sa mga mata mo na nahihirapan ka at hindi ka masaya."

"Masaya ako."

"Sinungaling! Sa akin ka pa magsisinungaling e magkaibigan tayo." Sabi niya.

Natawa ako. "Kidding aside, I'm not." Sabi ko.

"Forgive and forget always remember that, Thea." Saad niya bago tumayo.

Tinignan niya muna ako. "Kailangan ko na umalis, puntahan mo sila. I hope before we leave Manila everything is fine, specially you."

Umalis na ito. Napabugtong hininga ako at napaisip sa sinabi ni Ichiro.  Hindi kaya masyado pa maaga para patawarin si Jet at Verity? Pero laging sinasabi ni Ichiro na limang taon na ang lumipas kaya kailangan ko na maging masaya

Tumayo na ako matapos ko uminom ng kape. Lumabas na ako ng bahay, natigilan ako ng makita ko ang magkapatid na si Alethea at Jethro na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Mommy!" Sigaw na tawag ni Alethea.

"Mama!" Sigaw na tawag ni Jethro.

"Careful!" Paalala ko sa dalawa na tumatakbo pa din, napasapo ako sa noo ko dahil nadapa si Alethea.

Mabilis ako lumapit sa kinaroroonan nila at tinulungan na makatayo si Alethea.

"Still no ice cream." Saad ko.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon