CHAPTER 1

8.2K 173 0
                                    

CHAPTER 1

ALTHEA

"Pangako babalik ako." Sabi ko.

Inalis niya ang pagkakayakap sa bewang ko. "Beauty hihintayin kita bumalik."

"Oo, magpakabait ka."

Tumawa siya. "Oo naman, alam mo naman good boy ako."

Hinalikan ko siya sa labi bago ako umalis.

"BAKIT niyo ginawa 'to, Pa?" Dismayado na tanong ko.

"Wala ng paraan, naghihirap na tayo ng sobra kaya naisanla ko ang bahay natin."

Napasapo ako sa ulo ko.

Isang taon na din ako hindi bumabalik sa kaniya, hindi ko alam kung ano mangyayari sa oras na magkita kami.

"Gagawa ako ng paraan." Sabi ko bago umalis.

Napagdesisyonan ko na sa kaniya humingi ng tulong, sana pagbigyan niya ako.

Bumiyahe ako ng dalawang oras bago nakarating sa dati naming bahay, sana nandito pa siya.

Nagdoorbell ako ng ilan beses pero mukhang tao, napaupo ako sa sahig at naghintay nagbabakasakali na dito uuwi si Jet.

Umabot yata ng 5 hours ang paghihintay ko ng may huminto na sasakyan dito sa harapan ng bahay, napatayo ako.

Bumaba siya, bigla naman akong napatulala.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya.

Napakurap ako. "I–i need your help, jet."

Natawa siya. "Get lost, wala ka mahihingi na tulong galing sa akin."

Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay pero pagalit na inalis yung kamay ko. "Jet..."

"Please jet." Nagmamakaawa na sabi ko.

"Umalis ka na, hinintay kita." Malamig pero diin na sabi niya.

"Hinintay kita na bumalik hanggang umabot ng isang taon, pero walang nagparamdam na Althea ang pangalan. Umalis ka na bago pa kita masaktan." Sabi niya bago pumasok ulit sa kotse niya saka ipinasok sa loob ng garage.

Para akong naiiyak na bumalik ulit sa pwesto ko kanina, kasalanan ko kung bakit ganito siya, kung bakit galit na galit siya.

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now