CHAPTER 14

4.6K 146 5
                                    

"ALTHEA sige na kasi payagan mo na kami ni Let sa mall lang kami." Pakiusap ni Ichiro.

Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin ako kay Alethea na nakatingala sa akin. "Please mommy."

Bumugtong hininga ako. "Okay fine, basta sasama ako."

Nagkatinginan pa silang dalawa at nagtatalon. "Yehey!"

Napangiti na lang ako at napailing. "Bihisan mo siya, ikaw ang nagdecide na pumasyal kayo ng bata na aalis." Saad ko.

"Yes ma'am." Sabi nito sabay buhat kay Alethea.

**
"Alet, hawak ka kay Papa Ichiro okay? Para hindi ka mawala." Paalala ko.

Noon kasi ay nawala siya sa Mall. Sobrang galit ko kay Ichiro noon dahil siya ang may hawak kay Alethea ng mawala siya.

"Okay po mommy."

"Tawagan kita Ichiro, cr lang ako." Paalam ko.

Pumunta ako ng CR, pagkapasok ay inayos ko ang buhok ko. Natigilan ako ng makita ko kung sino ang lumabas sa cubicle.

Verity.

Nagtama ang tingin namin sa salamin, gulat siya dahil nanglaki ang mata niya pero ngumiti din.

Ngumiti ako ng tipid at hindi na lang nagsalita, wala naman akong gustong sabihin na kahit ano sa kaniya.

"Kamusta ka, Althea?" Tanong niya.

"Mabuti naman." Tipid na sagot ko.

"Althea sorry sa nagawa ko, alam ko niloko ka namin pero nagsisisi kami. Hindi namin ginusto na lokohin ka, hindi namin ginusto na mabuntis ako at hindi namin ginusto na masaktan ka." Saad niya

Hindi ako umimik pinaharap niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Bata lang ang ugnayan namin, maniwala ka man o hindi mahal ka niya. Sobrang mahal."

Inalis ko yung kamay ko. "Kung mahal niya ako hindi niya sana ako niloko at sinaktan." Mapait na sabi ko.

"Ingat." Iyon na lang ulit ang sinabi ko bago lumabas ng CR.

Huminga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko dahil parang may tumutusok. Siguro dahil nandito pa din yung sakit.

Kinuha ko yung phone ko sa packet ng jeans ko at tinawagan si Ichiro.

"Hello Althea."

"Hello, nasaan kayo?" Tanong ko.

Nagumpisa na ako maglakad. "Favorite ice cream parlor niyong pareho ni Alet."

Napangiti ako. "Shop ng ex mo?"

Narinig ko siya na napaubo. "Y–yeah."

"Papunta na ako." Saad ko.

Nakarating kaagad ako sa Balance Flavor, napansin ko si Alethea na namumula ang mata at ilong.

Salubong ang kilay na nilapitan ko yung dalawa. Umupo ako sa tabi ni Alethea, hinaplos ko siya sa buhok dahilan para mapatingin siya sa akin.

"What happened baby? Hm." Tanong ko.

Yumakap lang siya sa akin kaya tinignan ko si Ichiro. "Care to explain?"

"Natamaan niya si Jet nung pagkakuha ng ice cream niya dahilan para matapon sa pants ni Jet."

Para akong nanigas ng marinig ko ang pangalan niya.

"T–then?"

"Tinignan niya lang si Alethea dahilan para maiyak siya then he replace the ice cream."

Hinaplos ko ulit ang buhok ni Alethea. "You should start eating, Alet."

"Mommy, nakatingin na naman po si Papa Ichiro doon oh." Sabi niya sabay turo sa may counter.

Tinignan ko yung tinuro niya at nandoon ang ex-girlfriend ni Ichiro.

Kinuha ko yung ice cream ni Alethea at pinatayo siya. "Hanap tayo ng place kung saan mo pwede kainin to." Saad ko.

Napanguso siya pero tumango din. Tinignan ko si Ichiro na mukhang susunod sa amin kaya pinigilan ko siya. "You should talk to her." Nakangiting sabi ko.

"Althea..."

"Sige na kausapin mo, ayusin niyo ang dapat niyong ayusin. Baka tumanda ka na ng tuluyan at walang makakasama." Sabi ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya natawa ako. Hinawakan ko sa kamay si Alethea.

"Papa Ichiro!" Tawag ni Alethea.

"Alet, let your papa Ichiro." Saad ko.

Dealing with Jet ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon