CHAPTER 12

4.8K 139 11
                                    

INAAYOS ko ang buhok ni Alethea ng pumasok si Ichiro na mukhang hindi maganda ang dating.

"What happen?" Tanong ko.

"Baby Alet, can i talk to your mommy?"

Tumango si Alethea. "Okay, Papa Ichiro." Sabi nito bago tumakbo papalabas ng kwarto.

"Careful Alet." Saad ko.

"Yes po mommy!" Sigaw nito kahit nasa labas na.

Tumingin ako kay Ichiro at itinuro yung pwesto ko para maupo siya. "What happened?"

Umupo siya at huminga ng malalim. "Dad wants me to go back in Manila."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Then?"

"He wants also to see Alethea." Sabi nito.

"Ichiro..." Nagaalangan na tawag ko sa pangalan niya.

Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil. "I know, i know ayaw mo na bumalik doon pero hindi ba pwede pagbigyan natin si Daddy? At least 3 weeks Althea then we can go back here in Bacolod City."

"Isa pa gusto din ako pauwiin ni Dad mamaya dahil 60th years anniversary ng Alaric Company sa thursday." Dagdag nito.

"Okay, sige basta bumalik kaagad tayo dito. Alam mo na ayaw ko na bumalik sa Manila at kung may pupuntahan ako si Papa lang." Mapait na sabi ko.

Niyakap niya ako. "I know, just always remember I'm here for you Althea."

Yumakap ako pabalik sa kaniya, sa loob ng limang taon ay hindi ako pinabayaan ni Ichiro kahit na hindi ko maibalik ang gusto niya para sa akin. Hanggang dito lang ang kaya ko na ibigay, ang pagiging kaibigan para sa kaniya.

Humiwalay na ako ng yakap at tinignan siya. "Pahinga ka na muna dito, aayusin ko lang mga gamit natin tatlo."

Umiling siya. "No need Althea."

"Okay lang, alam ko pagod ka. Magpahinga ka lang dyan. Uunahin ko na ayusin yung sayo." Sabi ko bago ako lumabas ng kwarto ko at dumeretso sa kwarto ni Ichiro para kunin yung carry-on luggage niya.

Ako na ang pumili para sa mga dadalhin niya kahit yung toiletries niya. Isinarado ko na yung luggage at inilabas. Inayos ko na din yung mga gamit ni Alethea sa duffel bag at kahit yung sa akin nilagay ko na ang mga gamit ko sa carry-on luggage.

Tumayo na ako at naabutan ko si Ichiro na natutulog sa kama ko. Inayos ko yung kumot para sa kaniya bago lumabas. Naabutan ko si Alethea na nanonood ng Powerpuff Girls.

Tinabihan ko siya at yumakap naman siya sa akin. "Mommy?"

"Hm?" Tumingin ako sa kaniya, siya naman ay tumingala sa akin.

"Bakit po hindi kayo magkatabi natutulog ni Papa Ichiro? Fight po ba kayo always?"

Napangiti ako sa tanong niya. Umiling ako. "Adults only, Alet."

Ngumuso siya at itinuon ulit ang tingin niya sa pinapanood. "After this you will take a nap." Saad ko.

"Mommy..." Nakanguso na tawag niya.

Nasimple akong napangiti dahil nagpapacute na naman siya. "Please." Pakiusap pa nito.

"Baby Alet, aalis kasi tayo mamaya kaya kailangan mo magtake a nap mamaya. Ayaw mo ba makita si Grandpa Linus and Papa Lolo?"

"I want po Mommy." Sagot nito.

"Then you will take a nap okay?"

Napipilitan siya tumango bago nanood ulit, nakinood na din ako para mabantayan ko siya. Pasaway din kasi si Alethea siguro isa ito sa nakuha niya mula sa kaniya.

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now