CHAPTER 21

4.3K 140 25
                                    

NAPATINGIN ako kay Alethea at Jethro na nakayukod sa mesa. Mukhang nakatulog na yung dalawa dahil sa pagod.

Tumayo ako, natigilan ako ng hawakan ako ni Jet sa pulsuan. Nagtakaka na tinignan ko siya. "Bakit?" Tanong ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya, bakas sa mga mata niya yung takot.

"Magpapaalam ako kay Tito Linus at Ichiro na uuwi na kami ni Alethea." Saad ko.

"Huwag na." Mahinang saad niya.

Huminga ako ng malalim. "Babalik ako dahil nandito ang anak ko." Mahinahon na saad ko.

Dahan-dahan lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuan ko. "Balik ka." Mahinang saad niya at umiwas ng tingin.

Tinignan ko muna siya ng ilan segundo bago pumunta sa pwesto nila Tito Linus.

"Althea!" Nakangiting tawag ni Tito Linus sa pangalan ko.

Ngumiti ako. "Tito, kailangan po namin umuwi."

"Bakit naman?" Nagtataka na tanong niya.

"Pagod na po si Alet, nakatulog 'don sa table."

Napangiti siya. "Gusto mo ba ipahatid ko kayo kay Ichiro?"

"Tito huwag niyo na po abalahin si Ichiro, magtataxi na lang po kami ni Alet." Saad ko.

"O sige. Magiingat kayo pauwi." Saad niya.

Yumakap ako sa kaniya bago nilapitan sina Ichiro. "Ichiro."

Nagangat siya ng tingin at inalis ang pagkakaakbay kay Carmela.

Napailing na lang ako. "Kailangan na namin umuwi." Saad ko.

"Gusto mo ba ihatid ko kayo?" Tanong niya.

Umiling ako. "Huwag na, loving time muna kayo ni Carmela." Saad ko.

"Althea!" Parehas na tawag ni Ichiro at Carmela.

Natawa ako. "Pinagkakaila niyo pa, halata na kasi sa inyo. Kung ako sayo Ichiro sabihan mo si Tito Linus na nagkabalikan na kayo. Alis na kami." Paalam ko na saad ko bago tumalikod.

Bumalik ako sa table namin at binuhat ko si Alethea, napatingin ako kay Jet na nakatingin sa amin ni Alethea.

"Kailangan na namin umuwi." Saad ko.

"Ihatid ko na kayo."

Umiling ako. "Huwag na, magtataxi na lang ako."

"No, delekado. Oras na, iuuwi ko na din naman si Jet sa mommy niya kaya ihahatid ko na kayo."

Tumayo na siya at binuhat din si Jethro. Sumunod ako sa kaniya ng mauna siya lumabas.

Pagkarating namin sa parking lot ay pinaupo niya si Jethro sa backseat, kinuha niya sa akin si Alethea at inupo din sa backseat.

Natigilan ako ng binuksan niya yung passenger seat. "Get in, beauty." Saad niya.

Sumunod ako, sumakay na ako sa passenger seat at mas nagulat ako ng yumuko siya at nilagay yung seatbelt.

Tinignan niya ako bago isinara yung pintuan, umikot siya sa driver seat.

Habang magmamaneho ito ay tahimik lang kami, paminsan minsan ay nararamdaman ko na tumitingin siya sa gawi ko.

"Bakit hindi kayo stay-in sa bahay ni Papa?" Tanong niya.

"Usapan namin ni Ichiro na sa kanila kami at gustong makita ni Tito Linus si Alethea." Sagot ko.

"Besides uuwi din kami after 2 or 3 weeks." Dagdag na saad ko.

"Aalis ka ulit, iiwan mo na naman ako." Mahinang saad niya.

Tumingin ako sa may bintana. "Hindi ko gusto pumunta dito sa manila, pinakiusapan lang ako ni Ichiro."

"Mahal mo ba siya?" Tanong niya.

"Hindi, kaibigan lang ang turi ko sa kaniya." Saad ko.

"Pero nagkaanak kayo." Saad niya.

Gusto ko sabihin na hindi anak ni Ichiro si Alethea pero tumahimik na lang ako.

"Beauty, huwag ka na umalis ng manila." Saad niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Hindi na dito ang buhay namin ng anak ko."

Nakita ko kung paano siya nalungkot, umiwas ako ng tingin. Bakit ako nasasaktan para sa kaniya?

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now