Special Chapter: Alethea Swift

4.9K 148 29
                                    

ALETHEA

BUMABA na ako dahil malalate na ako sa lakad namin ni Jordan.

Si Jordan ang long time boyfriend ko, hindi lang alam ni Kuya Jethro dahil usapan namin na dapat hindi ako pwedeng magboyfriend na hindi ako tapos ng college pero nabali ko 'yon.

Hindi pa umuuwi si Kuya Jethro from Abroad.

"Where are you going, young lady?"

Natigilan ako ng makababa ako ng hagdan. "K–kuya!" Gulat na tawag ko at hindi ako makapaniwala na nandito na siya.

"I'm home!" Nakangiting saad niya.

Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kaniya at tumalon, nasalo naman niya ako. "Kuya i miss you!"

"I miss you too, little alet." Malambing na saad niya.

Bumaba na ako sa pagkakabuhat at doon lang ako natigilan ng mapansin ko na may kasama siya.

"S–sir." Gulat na tawag ko dahil katabi siya ni Kuya.

Napalunok ako dahil naaalala ko yung katangahan na ginawa ko 2 weeks ago dahil pagkagising ko ay katabi ko siya sa iisang kama.

"Ms. Swift."

"Oh bro, you know my sister?" Gulat na tanong ni Kuya dahilan para magtaka ako.

"Yeah. She's my student, Ver."

"Magkaibigan kayo?" Gulat na tanong ko.

"Oo naging classmate ko siya sa isang subject 2 years ago." Sagot ni Kuya.

Para akong nakaramdam ng kaba, huwag sana ikwento ni Sir Ashton yung nangyari 2 weeks ago.

"Saan ka pupunta at ganyan ang suot mo? Go back to your room and change." Utos nito.

Napatingin ako sa suot ko na bandana top at highwaist shorts. "Okay naman ang suot ko, Kuya."

"Nakakahiya! Nauubusan ka na ba ng pera kaya ganyan ang suot mo?!" Giit nito.

"Kuya naman huwag mo naman ako pagalitan sa harapan ni Sir Ashton." Saad ko.

"Go to your room and change now." Diin na saad nito.

Huminga ako ng malalim at umakyat sa itaas para magpalit ng damit, sinuot ko na lang yung sleeveless top na nakita ko.

Tumakbo ako pababa at napatingin silang pareho sa kinaroroonan ko.

Pareho sila ng expression, salubong ang kilay nilang dalawa. "What?" Tanong ko.

"Change." Saad na naman ni Kuya Jethro.

Huminga ako ng malalim. "Late na ako, Kuya. I don't have time."

"Where are you going?" Tanong nito.

Sasagot na sana ako ng marinig ko yung busina ng sasakyan mula sa labas.

"A–ano kuya."

"What?"

"May date kami ng boyfriend ko." Sagot ko.

"Di'ba may usapan tayo? No boyfriend." Diin nito sa panghuli.

"I–i know, Kuya. Magusap na lang tayo mamaya pag nakauwi na ako."

Tumingin ako kay Sir Ashton na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "I need to go." Paalam na saad ko bago mabilis na lumabas ng bahay.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Jordan, hinalikan niya kaagad ako sa labi. Sumagot ako sa halik niya.

"Let's go." Nakangiting anyaya niya.

***
9 pm na ako nakauwi ng bahay dahil sobrang nagenjoy kami sa date namin ni Jordan.

Tahimik na umakyat ako dahil mukhang wala si Kuya, si Mommy at Daddy naman ay alam ko na maaga sila natutulog.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng may humawak sa braso ko at hinila ako kung saan.

Magsasalita sana ako ng makapasok kami sa isang kwarto pero isang malambot na bagay ang lumapat sa labi ko.

Para akong nanigas dahil doon. Naitulak ko siya. "Sir Ashton!"

Ngumisi siya at inalis ang suot nitong pang-itaas na damit.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, napalunok ako, nakita ko na naman yung tattoo niya sa kaliwang dibdib paakyat sa balikat niya. Yung lion tattoo.

"Eyes up, baby." Bulong nito.

Tinignan ko siya. "B–bakit?"

Ang braso niya ay pumalupot sa bewang ko. Lalayo sana ako pero hindi niya ako hinayaan.

"Sir ashton, ano ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Nagtataka na tanong ko.

"Hindi ako hinayaan na umuwi ni Tita Althea."

Inalis ko yung pagkakayakap niya sa bewang ko pero hindi na naman niya ako hinayan.

"Sir, let go." Mahinahon na saad ko.

Ngumisi siya. "Who is better kisser your boyfriend or me?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil sa tanong niya, aaminin ko mas magaling siya. Mas wild siya humalik, hindi katulad ni Jordan na nagiingat pag hinahalikan ako.

"I think i know the answer." Nakangising saad niya.

"Stop it, will you? May boyfriend ako." Saad ko.

Tumawa siya ng mahina. "Baby alam natin pareho na sumama ka sa akin 2 weeks ago." Diin nito.

Inalis ko yung pagkakayakap niya sa bewang ko at lumayo sa kaniya. "Lasing ako noon, okay? Hindi kami okay ni Jordan nung nalasing ako kaya sumama ako sayo. Lastly hindi ko naman alam na Prof kita at kaibigan ka pala ni Kuya, last week ko lang nalaman." Mahaba na paliwanag ko.

Nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya, naging malamig ang mga tingin nito. "So you use my service because you and that guy are not okay, really Ms. Swift?" Malamig na saad niya at lumapit sa akin pero humakbang ako paatras.

Hindi ko siya sinagot. "Huwag ka lumapit."

"Oh my baby is scared now." Malamig pa din na saad niya.

Tumakbo ako malapit sa may pintuan, bubuksan ko na sana pero natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Don't test me baby or I will tell this to your brother."

Humarap ako sa kaniya. "Are you blackmailing me?"

Tumawa siya. "Maybe?" Patanong na sagot niya.

"What do you want?" Tanong ko.

"Warm my bed, be my fuck buddy."

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now