CHAPTER 20

4.7K 144 35
                                    

UMUPO na ako at tumingin sa paligid, nasa may unahan si Ichiro at Carmela. Naiiling na lang ako tuwing naaalala ko yung pang-aasar ko sa kaniya.

Ayaw niya umamin na may something na ulit sa kanila ni Carmela, sa tagal namin magkaibigan ni Ichiro kahit isa hindi niya naikwento kung bakit sila nagbreak ni Carmela. Ang pagkakaalam ko ay nung unang nakilala ko si Ichiro ay matagal na silang hiwalay noon.

Nalaman ko na lang na ex-girlfriend niya yung may-ari ng Balance Flavor 4 years ago, sa wallet ni Ichiro may picture siya ni Carmela

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko, pagkatingin ko ay si Jet ang umupo. "Bakit hindi mo kasama ang asawa mo? Hahayaan mo na lang na lolokohin ka niya sa harapan mo?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa kinaroroonan ni Ichiro at Carmela. "Hindi ko siya asawa."

Kunot-noo niya akong tinignan. "What! What about your daughter? Okay lang na may iba ang Papa niya? Sasabihan pa ako na gago e mas gago pala siya!" Galit na saad ni Jet.

Nagkibit-balikat ako. "He deserve to be happy." Saad ko, tinutukoy ko ay si Ichiro.

"What about you, Beauty?"

"I'm happy?" Patanong na sagot ko.

"You sure?" Tanong niya.

Nagtatanong siya na parang okay lang kaming dalawa. Tumango ako bilang sagot.

"Let's dance." Anyaya nito at basta na lang ako hinila papatayo.

Magrereklamo na sana ako ng makapunta na kami sa may open space kung saan madami ang mga sumasayaw.

Inilagay niya yung mga kamay ko sa balikat niya at siya naman ay pinalapit niya ako sa kaniya ng yumakap siya sa bewang ko, nararamdaman ko ang mga tingin niya pero ako naman ay tumingin lang sa paligid para maiwasan siya.

"Look at me." Saad niya.

Hindi ako sumunod.

"Look at me, Beauty." Sabi niya ulit dahilan para tumingin ako sa kaniya.

"Bakit inaaya mo ako? Naguusap tayo na parang walang nangyari noon." Tanong ko.

Humigpit ang pagkakahapit nito sa bewang ko. "I want to erase your pain. Yung lahat ng sakit na naibigay ko sayo 5 years ago."

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya. Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Hindi mo ba ako mapapatawad?" Mahinang tanong niya.

"Hindi ko alam, siguro? Siguro oo pero alam ko matatagalan pa bago kita mapatawad."

Hinaplos niya yung pisngi ko. "You're crying." Mahinang saad niya, hindi ko namalayan na umiiyak ako sa harapan niya.

Lalayo sana ako pero hindi niya ako hinayaan. "Hayaan mo lang ako, hayaan mo ako bumawi sayo."

Umiling ako. "Hindi ko alam. Masyado mahirap para sa akin na hayaan ka. Pag hinayaan kita baka ako na naman yung mahirapan sa huli."

"I know, Beauty. Alam ko na mahirap para sayo na patawarin ako at hayaan ako na makabawi sayo. Nalaman ko ang lahat kay Papa, kung bakit hindi ka makabalik sa akin noon kahit na gustong gusto mo. I know I am selfish, pero nagmahal lang ako. Ayaw kita mawala sa tabi ko."

"Pero nakuha mo ako lokohin at sa kaibigan ko pa. Ilan beses ako nagpaliwanag sayo pero hindi ka nakinig." Mapait na saad ko.

Pinunasan niya ulit yung luha ko. "It's my mistake, hindi ko ginusto na lokohin ka, Beauty. Isa 'yon sa pinagsisisihan ko noong napagod ka sa akin."

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now