CHAPTER 15

5K 169 32
                                    

PINAUPO ko sa may bench si Alethea at hinayaan siya na kumain ng ice cream.

"Mommy pwede po ba tayo bumili everyday ng ice cream?" Tanong niya.

Natawa ako at umiling. "Bad yon pag everyday." Saad ko.

Ngumuso siya. "Pero mommy."

"Alet, hindi maganda na everyday kakain ka ng ice cream."

Napansin ko na mukhang papaiyak siya, ito ang isa sa dahilan pag gusto niya dapat makukuha niya. "How about deal with me, Alet."

"What now po?" Tanong nito.

"Kapag behave ka sa party ni Grandpa Linus ipapasama kita kay Papa Ichiro na pumunta kayo sa Balance Flavor two times a week." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Deal po mommy."

Magsasalita na sana ako ng maramdaman ko na may nakatayo sa likod namin, napaangat ako ng tingin.

Para akong naubusan ng hininga dahil nasa likod namin si Jet Bryce may kasama itong batang lalake, kamukhang kamukha niya.

Sigurado ay anak nila Verity.

"Althea..." Tanong niya.

Hindi ako nagsalita, tinignan ko si Alethea na abalang kumakain.

Tumayo ako at humarap sa kaniya. "What do you need?"

Umiling siya at niyakap ako. Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang yakap niya. "I miss you, Althea."

"Papa!" Sigaw na tawag ni Alethea.

Itinulak ko siya. "Please lang Jet Bryce, huwag mo na akong guluhin. Okay na ako e."

Tumingin ako kay Ichiro na buhat si Alethea "Althea let's go." Anyaya ni Ichiro.

"Asawa at anak mo?" Mahinang tanong niya.

Hindi ako sumagot, tinignan ko yung batang kasama niya at nginitian siya. "Mama Althea." Mahinang tawag niya.

"Mommy let's go na po." Anyaya ni Alethea.

Huminga ako ng malalim bago tumalikod at nilapitan si Ichiro at Alethea.

JET BRYCE
"Daddy meron ako nakita na ice cream parlor, bili tayo." Sabi niya.

Hinila ako ni Jethro sa Balance Flavor.

Naalala ko noon nung kasama ko si Althea ay gustong gusto niya bumibili dito tuwing nagkikita kami.

Pumasok kami sa Balance Flavor at pumila. Napansin ko yung naunang bumibili.

"Alet malalagot tayo sa mommy mo." Sabi nito.

Parang familiar ang boses niya.

"Please papa ichiro, last na lang po." Pakiusap nung batang babae.

"Fine, pero last na talaga 'to Alethea malalagot tayong pareho." Sabi nito.

Ilan sandali lang ay kinuha nung bata yung ice cream niya. Humarap ito at naglakad siya. Hindi niya ako napansin dahilan para mabigyan yung pants ko at malaglag yung ice cream niya.

Tumingala sa akin yung bata kaya tinignan ko siya ng matiim. Umiyak siya bigla kaya lumuhod ako para magpantay kami.

"I–i'm sorry po." Umiiyak na paumanhin niya.

Hinaplos ko yung buhok niya. "It's okay. I'll replace your ice cream."

Pinunasan niya yung luha niya. "Really po?"

Tumango ako. "Yes, go on you order." Saad ko don sa batang babae.

Tumingin ako kay Jethro na tahimik na nakamasid sa paligid. "You also jethro, ordered your favorite flavor of ice cream."

Ngumiti si Jethro at nagorder na din ng gusto niya. Tumayo na ako. "Jet Swift."

"Ichiro Alaric." Matigas na saad ko sa pangalan niya.

"What an asshole doing here?" Malamig na tanong ko.

"Should I'm the one who will asking? Hindi ko inaasahan na makikita ko dito ang nagpaiyak at nanakit kay Althea." Diin na saad niya.

Gusto ko siyang kwelyohan ang problema may mga bata dito.

Tumawa na lang ako at umiling. "Daddy let's go." Anyaya ni Jethro.

Hinawakan ko sa kamay si Jethro palabas ng Balance Flavor.

Tumigil muna kami ni Jethro dahil hinihintay namin si Verity.

Ilan sandali lang ay nakarating na siya. "Jet, Althea is here."

Gulat na tinignan ko siya. "R–really?"

Tumango siya. "Yeah, nakausap ko siya sa kanina."

"A–anong sinabi niya?" Tanong ko.

Nalungkot siya. "Ipinaliwanag ko lahat, sinabi ko na mahal mo pa din siya." Umiling siya. "Mukhang galit."

Napabugtong hininga ako. "May karapatan naman siyang magalit dahil naging gago ako."

Nakita ko yung batang binili ko ng ice cream kanina at nanlaki ang mata ko kung sino ang kasama niyang babae.

"Beauty..."

"Puntahan mo na siya." Nakangiting sabi ni Verity.

"Paano si Jethro?" Tanong ko.

"Isama mo, hintayin ko kayong dalawa dito." Saad niya.

Binuhat ko si Jethro at sinundan si Althea.

Ibinaba ko si Jethro, narinig ko ang usapan ni Althea at nung bata.

"How about deal with me, Alet."

"What now po?" Tanong nito.

"Kapag behave ka sa party ni Grandpa Linus ipapasama kita kay Papa Ichiro na pumunta kayo sa Balance Flavor two times a week." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Deal po mommy."

Tinignan ni Jethro si Althea, pag kasi nasa bahay ko si Jethro ay palagi ko pinapakita at kinukwento sa kaniya ang Mama Althea niya.

"Althea..." Tawag pansin ko.

Hindi siya nagsalita, tinignan niya lang yung kasama niyang batang babae.

Tumayo si Althea at humarap sa akin. Shoock! Lalo siyang gumanda.

"What do you need?" Tanong niya.

Umiling ako at niyakap siya, nagpupumiglas siya pero mas hinigpitan ko para hindi siya makawala. "I miss you, Althea."

"Papa!" Sigaw nung batang babae.

Itinulak niya ako at tinignan sa mata. "Please lang Jet Bryce, huwag mo na akong guluhin. Okay na ako e."

Jet Bryce itatawag niya ako na may kasamang Bryce pag alam ko na galit siya o masama ang loob.

Tumingin siya kay Ichiro na buhat yung bata. Anak ba nila? Kamukha siya ni Althea kaya pala mukhang pamilyar.

"Asawa at anak mo?" Mahinang tanong ko.

Hindi siya sumagot, tinignan niya si Jethro at nginitian siya. "Mama Althea." Mahinang tawag ni Jethro pero tumalikod na si Althea.

Tinignan ko si Jethro na nakayuko. Binuhat ko siya kaya nagsumiksik siya sa leeg ko. "Daddy bakit hindi po ako pinansin ni Mama Althea?" Malungkot na tanong niya.

Hinaplos ko siya sa likod. "Huwag na malungkot, nagmamadali lang ang Mama Althea mo." Sabi ko.

Ayoko nalulungkot ang anak ko, gusto ko man bigyan ng buong pamilya si Jethro pero hindi para sa amin ni Verity. Isa pa ay nagasawa na si Verity, ang usapan weekend ay uuwi si Jethro sa mommy niya.

"Daddy makikita po ba natin siya ulit?" Tanong niya.

Tinignan niya ako kaya ngumiti ako. "Oo naman babawiin natin ang Mama Althea mo." Kumpiyansa na saad ko.

Dealing with Jet ✔️Where stories live. Discover now