Bond

968 36 0
                                    

Chapter Thirty One
Sica's POV

"Okay ka lang? If you have questions feel free to ask me" he insisted while chewing his food.

"Naisip mo rin bang takasan ang ganitong buhay Cley?"

Huminto siya sa pagkain at tinitigan ang plato nya.

"Yep, eversince I learned being violent, I always wished to be someone else regardless of what situation I had. I never experienced what's the meaning of escape. I know I can but I can't."

Pinipigil kong di maiyak sa harap nya. Napakabait mong tao para malagay sa buhay na to. Ang swerte ko at may mga magulang akong mabait at matitino.

"Sorry. Kung may magagawa lang sana ako"

Nagulat na lang ako kasi hinawakan nya kamay ko.

"All I ask you to do is to be brave for me. I'll do the rest of protecting you. I don't care if I lost this life but I'll make sure you're safe, okay?"

Tinaliman ko lang siya nang tingin. At papayag ba ako ha?!

"Kemang. Wag mo nga ako sinasabihan nang ganyan. Kahit na napakamalas mo di ko hahayaang mangyari yun noh? Abnormal" natatawa kong sabi habang pinapahid ang mga luhang tumutulo sa mga pisngi ko.

"Hahaha ako pa abnormal ha. Ikaw nga umiiyak jan tumatawa"

Haaays. Kung gagawa sila nang paraan para protektahan ako, kailangan ko rin mag isip nang paraan para tulungan sila. Alam kong mahirap pero patutunayan kong may utak talaga ako.

"By the way, since you're back, I think we deserve a celebration. Sama ka sakin mamaya? Ay, kaso di ka umiinom pero sge wag ka na lang uminom"

"Ha? San ba yan? Bar? Di naman sa ayaw ko kasi napaka boring ko kasama kasi nga di ako umiinom eh."

"Haha anong bar? I've never been in a bar. Sa bahay lang tayo. Sge na, wala naman tayo pag aaralan mamaya eh whole day naman tayong walang ginawa. Just with same folks" *wink*

Sinundo ako ni Cley sa dorm. Nagsuot lang nang t-shirt at skinny jeans. Pupunta daw kami sa isa nilang bahay na malapit dito sa school. Di ba hanep, sila lang ata hindi nakadorm dito sa Hughnorl.

Pagdating pa lang namin namangha na ako sa laki nang bahay nila. Mansion ata to. Ang LAKIIIII 🙁.

"Wala ba dito papa mo?"

"Wala. Di pa yun nakakadalaw dito."

"Magkakasama pala kayo pero kung umasta kayo parang di kayo magkadugo?"

"Nope, may apartment ako, di ko alam silang tatlo kung dito ba sila natutulog o may sarili din silang apartment pero madalang ako dito."

Pagpasok namin, nilibot ko mga mata ko sa ganda nang loob. Mukhang di mga lalake nakatira dito sa linis. May mga libro, magarang sofa, instruments, mga paintings sa wall at ang nakakatakot sa lahat, mga collection nang baril na nasa isang divider.

"May maid ba kayo dito?"

"Wala naman."

"Feel at home, Sica"

Kapwa kami napalingon kay Zace na nasa likuran namin. May dala itong bote nang beer.

"Hello!!! We're here!" sigaw ni Rence na magkahawak kamay ni Arsen. Di ko mapigilang mapaiwas nang tingin. Ewan ang awkward.

Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)Where stories live. Discover now