Lagot ka Sica

6.7K 199 2
                                    

Chapter Six
Sica's POV

Nagsimula ang klase na wala namang nangyayari. Baka nga naman ay na realized niyang hindi ako ang babaeng tinutukoy niya. Hindi naman ako magsisinungaling kung magkakilala kami, ako pa mauunang makipag-usap.

Abala kaming lahat sa pagsagot sa activity sheet namin nang bigla may kung sinong anino ang tumabon sa testpaper ko. Nang iangat ko ang ulo ko ay si Boy Topak yun, nakatayo sa harap ko, dala dala ang testpaper niya na inaabot sa akin.

"Sticky, answer my testpaper."

Wait, what?

Nilibot ko ang paningin sa nga classmates kong nakatitig sa akin. May natatawa, may nanlilisik ang mga mata at may mga natatakot sa sitwasyon naroon ako. Bumuga ako ng marahas na hangin at inangatan siya ng kilay.

"At bakit ko gagawin yun? Boss ba kita?"

Halos magsilaglagan ang panga nilang lahat sa sinabi kong yun. Ano bang meron sa lalakeng to at takot kayo dito? He is a scumbag at ako? Hindi ako matatakot sa mga taong masasama ang ugali.

Nga pala, except kay Cley na pigil na pigil sa pagtawa at umiiling iling sa pagsagot sa testpapers niya.

Maddin niyang nilapag ang papel niya sa arm desk ko. That wrathful glare makes my spine shiver. Ano ba kasing problema ng lalakeng to?

"Tamad ka ba talaga o nananadya ka?"

"Answer it" kalmado niyang sabi

"Ayoko"

"Answer it" mejo mataas sa kalmado.

"Ayoko nga" naniningkit na kilay ko ah 😡

"I SAID ANSWER IT! OR ELSE——"

"——ano? Di mo ba bakikitang katabi ko ang Boss ng Maltan ha? At magkaibigan kami kaya wag mo kong masigaw sigawan." kibit balikat kong sabi. Teka, ano bang lumalabas dito sa mga bibig ko? Nababaliw na ba ako?

Nagmistulang karayom ang mga matataliim niyang titig na ibibaling sa katabi kong si Cley. Umaalsa rin ang dibdib at balikat niya sa pag-abot niya ng hininga.

"Finish it, now. Kung ayaw mong palabasin kita sa classroom na ito, or maybe to kick you out to this school instead" then he walked out. Napuno ng bulong bulongan ang buong classroom at pati ako ay umuusok ang ilong na inupo ang sarili sa armchair. Nakasingkit kilay na sinasagutan ang test paper ko, at testpaper niya!

"Bipolar ba siya? Bakit ba ang sama ng ugali niya? Bwesit"

"Ang tapang na tao ah" natatawang sabi ni Cley.

"Cley, kung mahilig ka sa gulo, pakiupakan nga yun. Kita mo di ba? Trip niya na naman ako."

"Okay, let me see what I can do for that"

Arsen's POV

"Fuck it!" ano naman kung kaibigan niya ang hudyong iyon? Hindi ba niya alam na ako may gawa sa mukha ng kaibigan niya kuno? *scoffs*. Isang araw pa nga lang niya yung nakikilala pero ganung ganun na lang niya pagkatiwalaan ang lalakeng yon. That girl! Pinapakulo niya ang dugo ko. She has no right to say no to my orders. Hindi pa yata niya kilala ang binabangga niya.

After 20 minutes, I went back inside to get my papers. Those eyebrows is really pissing me off.

Walang emosyon kong kinuha ang papel at tiningnan kung nasagutan ba niya ng tama lahat. I smirked at her.

"Alis, uupo ako" utos ko sa babaeng katabi niya. Binunot ko ang ballpen na nasa likurang bulsa at nagsulat. All I can hear are hissing and gritting of teeth. How come she is so mad like that?

Everytime I caught her giggling with, Cley, umiinit ang ulo. Na para bang sarap gilitan ng ulo ng lalakeng yan. Kasalanan to ni Brandon, kung hindi lang siya nanood ng live teleserye ay sana hindi magkakapalagayan ng loob itong dalawa.  Bullshit.

Bumalik na ang intructor namin sa loob at isa isang minamarkahan ang mga papel namin. Nang matapos siya ay pinagtatawag na niya lahat galing sa pinakamababang marka hanggang sa pinakamataas. It is showtime, people!

"48 out of 50, Alfuente, Xhesica" nakangiti siyang kinuha ang papel niya at napuno ng palakpakan ang buong klase.

"Matalino pala siya ano?"
"Syempre scholar yan eh, ano pa ba."
"Kahapon din malalaki scores niya sa quiz tatatlo at dalawa lang mali niya"

They all murmured.

"Highest score, Alaoie, Arsen. With the perfect score of 50 over 50" mabilis pa sa alas singko nang lingunin niya ako. I gave her an insulting smirk at kitang kita ko kung paano nag pang-abot ang dalawa niyang kilay.

Pagbalik ko sa kinauupuan ay napakatalim pa rin ng titig niya.

"Psycho ka nga. Kaya pala tawang tawa ka sa mga sagot ko. Pinagtatawanan mo ang dalawang maling sagot ko."

"Well, better luck next time. Good thing I run over my paper, wala sanag perfect scorer ngayon"

Umuwang ang mga labi niya nang saktong tumunog ang bell para sa lunchbreak.

Sica's POV

Grrrrrr! Ang lalakeng yun talaga! Nakakainis! Ipamukha ba naman sakin ang dalawa kong mali? Eh ano naman sa ngayon? Mataas na score pa rin naman yun ha?

"Topak nga. Baka may bipolar disorder siya noh? Talagang may problema siya sa utak" ani ko habang naglalakad kami ni Cley sa hallway ng building namin.

"Pero match kayo, may kasangga ka sa pagiging matalino."

"Bahala siya. Kahit siya pa ang pinakamatalinong nilalang sa buong mundo, I hate him! Talagang pinahiya niya ako kanina! Asar"

"My guns are ready, just a go signal from you"

"G-guns?" nahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Shunga. Syempre joke ko lang yun noh para matakot siya. Mukhang nag work naman, kita mo kanina nag walk-out siya?"

Lage na lang talaga tumatawa si Cley. Parang normal lang na taong kasama. Tss, normal bang may baril? Nako nako! Delikado talaga tong mga taong to!

Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)Where stories live. Discover now