Invitation

1K 34 1
                                    

Chapter Thirty Four
Sica's POV

"You okay? Sorry. I'm very sorry. I didn't mean to hurt you. Walang nangyari samin kanina. There's nothing to worry." whispering to me. He is hugging me tight and never stop kissing my forehead and cheeks. My arms are wrapped around his waist and there's no other comfort better than this. Gusto ko lang pumikit at matulog.

"Hmmm.. Hmm.. Hmmm.. *humming* Sleep now love. I'll take care of you. My baby, my life, my happiness, my weakness, my queen." caressing my hair, I hugged back. Although I'm so weak and sleepy, di ko mapigilang maluha. Totoo ba to Arsen? O nananaginip lang ako?

"Are you hugging me back or you're thinking that I am Cley? Hmm? That hurts but... If that's the only way to experience this why should I refuse? Sana ako na lang si Cley. Sana ako na lang. Sica I love you." he started to sniff and his arms getting tighter. "Tell me what to do for you to love me. I'm jealous. Akin ka lang please."

Gusto kong gumising. I wanna wipe his tears and comfort him but I can't. Ano ba ginawa mo sakin Arsen? O baka nananaginip lang talaga ako. Yeah probably I'm just dreaming and I totally passed out. His voice started to disappear.

*Bzzzzzt Bzzzzzzt Bzzzzzzzzt Bzzzzzzzt*

Nagising na lang ako sa vibration nang cellphone ko. Nang tinignan ko, alas 11 na pala nang tanghali.

Aray ang sakit nang ulo ko. I rolled my eyes all over the place. Nakauwi pala ako kagabi? I observed my body at wala namang masakit. So ibig sabihin, hinatid talaga ako ni Arsen nang maayos kanina? Pero pano ako nakapasok kung nakatulog man ako?

Dali dali akong naligo and prepared my things. Para akong tanga na nagmamadaling makarating sa school. As I arrived at the locker, lumakas pintig nang puso ko nang makita si Arsen at Rence na magkahawak kamay. Dali dali kong tinabunan mukha ko nang pinto netong locker ko. I closed my eyes at pilit na pinapakalma sarili.

Can't you see they're just doing fine, mag aassume pa ba akong si Arsen yun? Syempre lasing ka at nakasama mo siya kagabi kaya napanaginipan mo siya. Lol.

Sinara ko na lang locker ko and acted normal.

"Xhesica, hahaha glad you still managed to attend school today huh?" feeling close naman to si ateng.

"Hehe yeah. Okay lang naman ako" Di ko maiwasang titigan si Arsen pero as usual, blanko lang mukha nya. There's no indication na totoong nangyari. Debale na nga "By the way nakita nyo ba si Cley?"

"I saw him at the cafeteria." sagot ni Rence.

"I see. See you around!" alis na ako kasi baka matuyo tubig ko sa katawan sa pawis.

"Cleeeeeyou!" bati ko habang kumakaway kay Cley.

Tumayo siya at niyakap ako bigla kaya natameme ako.

"Hi, I'm so sorry di kita nahatid kagabi" bahagya ko siyang tinulak kasi nagsitinginan na samin lahat eh.

"Ano ba okay lang. Di mo naman ako kailangan e baby eh, responsibilidad ko sarili ko. Saka maayos naman akong nakauwi hehe" umupo ako at sumunod naman siya. Nakakailang talaga pag alam mong lahat nang tao nakatitig sayo. Haaays.

"Nah, it's still not okay na pinabayaan kita."

Kapwa lang kami napalingon kay Rence na naglapag nang tray ng pagkain sa mesa.

Wow ha, tinutukso ata talaga ako ngayong araw ah.

"Hi guys, would it be fine to join you?" maarteng tanong nya. Wala naman kaming choice, umupo na kayo eh.

"Di ka kakain?" tanong ni Cley.

"Di na ata, para akong nasusuka eh"

"Hahaha, sa beer yan kagabi. Dami mo nainom eh"

"Oo nga eh. Kaya wala akong ganang kumain"

"Hey guys" may nilapag lang naman si Rence na isang fancy envelope si Rence na may nakasulat na Arsen x Clarence. Nawala bigla kaluluwa kong mapagtantong wedding invitation yun. "You guys are invited!!!" kinikilig nyang sabi.

Na statwa lang ako sa kinauupuan at tinitigan lang yun. Alam ko namang ikakasal sila pero mas weird palang magsink in lalo yun at sa susunod na tatlong araw pa. Grabe.

Dahan dahan kong nilipat ang tingin kay Arsen na nakatitig rin pala sakin. We're both staring at each other's eyes. This is wrong.... Stop it Sica.

"W.. Wow.. Hehe nice. Congrats. Salamat sa invitation" and I smiled widely kahit na nanginginig bawat dulo nang labi ko.

"Thank you, dear. We're both so excited about our wedding day. Di ba hon?"

"Yeah."

Rence smiled at him. They are obviously happy.

"I love you."

"Love you more"

Di ko na lang sila tinitigan. Praning na talaga ako. Bakit ba ako apektado eh dati naman galit na galit ako kay Arsen. Napakaayaw ko sa kanya.

*Bell rings*

Buti na lang talaga...

Dali dali akong tumayo dahil kanina ko pa gustong umalis.

"San ka ngayon Sica? Di ba wala ka nang papasukang subject?" tanong ni Cley habang kinukuha mga libro sa upuang nasa gilid nya.

Wala naman ako napala eh, assumerang frog.

"Ahh, sa library ako ngayon. May hihiramin akong libro" palusot ko.

"Okay, I'll go ahead now."

"See you tomorrow. Goodbye" bati ko naman kina Arsen.

Nakahinga rin nang maayos nang nakatalikod na sa kanila.

Habang naglalakad ako, umupo ako sa isang bench at nakatulala lang.

"Asar, sana pala di na ako bumalik dito"

Ang unfair, kung kelan napapatawad ko na siya, ngayon pa ako naging ganito.

Napakibit balikat na lang ako. Bakit ganito ko na lang kadaling mapatawad si Arsen. Remember, malapit na nya akong ma rape at hinalikan pa niya ako kahit labag sa kalooban ko. Haaays, alam ko namang hindi ako plastic eh. Di pa rin maayos pakikitungo namin sa isa't isa dahil ang alam nya galit parin ako sa kanya. Ako naman, naaasar sa mga nangyayari sa kanila ni Rence.

"Dapat ko nang tanggapin na ikakasal na siya."

Napasinghap na lang ako nang may isang malamig na malabakal na bagay ang dumikit sa gilid ng ulo ko.

"Sumama ka samin" di na ako gumalaw at dali dali nilang tinali ang mga kamay ko sabay blindfold sakin.

Gusto kong sumigaw at tawagin si Cley pero paano? Napakalayo ko sa kanya. Lalo ako nanginig nang tinayo nila ako.

"San nyo ko dadalhin?"

"Tumahimik ka kung ayaw mong iputok ko tong baril sa ulo mo"

Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)Where stories live. Discover now