MISSION 01: AINEE DAVINA RAE

461 171 87
                                    

01: Ainee Davina Rae

Ainee's POV (Monday 11:20 am at Rae Corp.)

"Carmyne, give me my full schedule for tomorrow." Utos ko sa secretary ko habang abala ako sa pag kalikot ng ibang papers.

"Eto na po ma'am." Anang secretary ko... Sabay abot ng paper.

Tuesday's Schedule

8:20 am: business meeting

9:00 am: staff interview

10:00 am: meeting with Hamilton University

11:30 am: appointment with Mr. Valdez

Arggh... " Cancel the third one." Mataray na Sabi ko at ibinagsak sa table ang papel.

"But, ma'am that's impor---" Pinutol ko ang sa sabihin Niya.

"Just do!" Iritang sagot ko at sumandal sa swivel chair.

"Y-yes ma'am." Susunod din naman pla ang dami pang satsat... Nagtataka kayo kung bakit ko ginawa yon? Simple, first: doong university ako nanggaling, second: kinamumuhian ako ng mga teacher don and I don't know why, and last: kinamumuhian ko rin sila, naging impyerno ang buhay ko sa school na yon tapos ngayon kukunin nila akong investor ng school nila? GREAT!!

It's Already 11:30, tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na lumabas, puro pag bati ang bumungad sakin at sanay na ako diyan.

"Hi, ma'am."

"Hello ma'am Ainee."

"Good morning po ma'am."

Wala rin naman akong balak pansinin sila, sayang lang sa oras. Nag lakad nalang ako papunta sa kotse ko at agad pinaharurut papunta sa bahay ni Guine.



----------Guine's House----------

Pag dating ko ay nag park agad ako, may ibang sasakyan na ring naka park... Andito na sila. Bumaba ako at agad pumasok sa bahay, walang tao sa sala kaya parigurado nasa basement sila kaya tinahak ko agad ang daan patungong basement.

Sa basement ang secret base namin, kaya lagi kaming nandito sa bahay nato... At bago ka makakarating sa mismong base namin ay baba ka muna sa hagdan at dadaan sa pasilyo, kaliwa at baba ulit ng hagdan pagkatapos kanan at may makikita kang tatlong itim na pinto, yung sa kaliwa nandon lahat ng armas... Mga ibat ibang klase ng baril, espada at bomba yung sa kanan naman nandon lahat ng mga importanteng documeto, nandon ang papeles na iniingatan namin, tulad ng Impormasyon tungkol samin at yung pinto sa gitna... Wala lang ginawa nilang tambayan pero don namin pinaplano yung mga kailangan naming gawin at doon kami inaatasan sa mga misyon namin.

Nasa hallway palang ako rinig ko na ang mga tawanan ng iba, panigurado mga kalokohan na naman yan.

Pag bukas ko ng pinto bumungad agad sakin si jake, kevin, Olivier, Guine, at Pearl na tumawatawa habang may hawak na kanya kanyang baso ng alak.

Habang nandito kami sa base nato, walang sinuman ang tumatawag samin sa totoo naming pangalan dahil yon ang unang rule sa organization kahit pa naka tambay lang kami.

Jake a.k.a Agent Zey

Kevin a.k.a Agent K

Olivier a.k.a Agent Dark

Guine a.k.a Agent Red

Pearl a.k.a Agent Sea

And me Ainee a.k.a Agent A

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now