MISSION 04: AMAZONA

218 139 60
                                    

04: Amazona


Carmyne's POV

Inis na umalis si ma'am ng office niya, ibinagsak pa ang pinto... Agad akong sumunod sa kanya, malalaki ang hakbang niyang tinahak ang elevator kaya sumunod ako agad.

Pinindot niya ang ground floor. Nasa likuran niya lang ako, kung nag tataka kayo kung bakit galit si ma'am ngayon ganito kasi yon.

**Flashback**

Kakatapos lang ng meeting at inabot kami nang isang oras kaya malalate kami sa staff interview, pag labas ni ma'am sa room kung saan sila nag meeting ay bigla akong may naalala.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba O wag nalang, pero kasi naiinis talaga ako kay Angel ehh, lalapit na sana ako ng bigla siyang maglakad at lampasan ako... Pfft mamaya na nga lang.

Naka sunod lang ako sa kanya habang nag lalakad kami pabalik sa office niya, pag dating namin ay umupo agad siya sa swivel chair at binuksan ang laptop.

"Ma---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang mag salita.

"Give me five minutes break." Sabi niya... Ehh? Akala niya siguro sisimulan na ang interview.

"No, ma'am." Agad na tanggi ko, napa tigil siya sa pag ta-type at napa tingin sakin. "May sasabihin l-lang po sana ako." Kabadong sagot ko at tinuloy naman niya ang ginagawa.

"Go ahead." Mahinahong sabi niya pero bakas sa tono ang autoridad, hindi agad ako naka sagot dahil inaalala ko kung anong mangyayari, bahala na nga.

"Kanina po k-kasi nung bago kayo tumawag narinig ko pong pinag uusapan kayo nung tatlong employees." Lakas loob kong sambit.

So ayon pinaliwanag ko lahat nang nangyari at narinig ko kanina sa restroom, sinabi ko rin yung mga pinag sasabi nung Angel kanina at wala akong iniwan na kahit isang letra.

Tinigil ni ma'am Ainee ang ginagawa niya at sumandal sa swivel chair niya habang nakikinig sa kwento ko, kita ko agad ang pag iba nang reaksiyon niya, kumunot ang noo niya at nag salubong ang mga kilay na halos mag suntukan na sa sobrang pag kaka salubong.

Her Secret IdentityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora