MISSION 23: CONFRONTATION

15 3 0
                                    

23: Confrontation

Ainee's POV

"Magkakilala kayo?"

Lumingon si Akhira sa lalaking kaharap ko at kanya itong inirapan pero agad ding napalitan ng ngiti.

Baliw.

"Isn't it obvious?" Maarteng tanong niya.

Sasagot na sana ang lalaki nang biglang umalingaw-ngaw na naman ang putok ng baril, hindi lang isa o dalawa. Tsk!

"They're here." Pagkasabi non ng babae sa gilid ko ay kinasa niya agad ang baril niya at itinutok sa'kin pero bago pa man siya gumawa ng kahit na anong galaw ay inunahan ko na siya.

Binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa sikmura dahilan para ma out of balance siya. Putok ng baril naman ang agad kong narinig at nang tingnan ko ito ay si Guine, tumba na ang kaharap niya.

Nawala si Akhira at yung lalaki kanina, hindi ko man lang napansin. "Ainee."

Nilingon ko si Guine at sinenyasan akong umalis, tinanguan ko naman siya at nag lakad na palayo. Bago pa ako makalayo ng tuluyan ay nakita ko pang may lumapit na tatlong lalaki kay Guine. Ipinaubaya ko na sa kanya iyon, alam na niya ang gagawin niya. Just don't mess with our martial artist grandmaster.

Pinasok ko ulit ang mall at halos wala ng mga tao pero hindi ko na iyon binigyang pansin pa nang makarinig na naman ako ng panibagong putok ng baril. Dali-dali kong sinundan ang tunog na iyo at dinala ako nito sa ikatlong palapag ng mall. Naabutan ko ang mga nakaitim na lalaki kalaban ang mga kasama ni Akhira.

Kinuha ko ang kutsilyo ko at tulad kanina ay pinalipad ko ito papunta sa kamay ng lalaking naka itim na nakatutok ang baril kay Lhairra. Bullseye.

"Be careful next time." Malamig ang tonong sabi ko at nilagpasan siya.

Sinalo ko ang braso at inikot siya patalikod sa'kin tsaka sinipa ko sa likod ng tuhod ang isa pang lalaking ito na sinubukan akong sugurin gamit ang kutsilyo.

"Don't you dare." I said and shot him on his leg.

"We see each other again." Tinig iyon ni Lhairra sa likuran ko.

Hinarap ko siya at nginitian niya ako.

"That's fate." Pagkasabi ko no'n ay itinaas niya ang kamay niyang may hawak ng baril at walang alinlangang ipinutok iyon.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinakiramdaman ang paligid. Ramdam ko ang kilabot na umusbong sa'kin ngunit ni katiting na takot ay wala akong maramdaman. Ngumisi ako at tumalikod sa kanya, doon ay nakita ako ang naka itim na lalaki na lumalangoy na sa kanyang sariling dugo.

"Quits na." Sabi niya. Rinig ko ang papalayong pag alis niya.

Wala na akong oras para tumunga-nga pa, bumalik ako sa second floor para hanapin ang babaeng sinasabi ni Guine na may dalang brief case ngunit di ko pa naman nalilibot ang buong second floor ay hinarang na ako ng dalawang lalaking naka itim din.

Seriously? Theme ba nila ang color black?

Huminto ako para harapin sila. I looked away and bit my lower lip, I grinned. "Where's your boss?" Maotoridad na tanong ko.

Ngumisi lang sila at tiningnan ako. "Hindi mo kami matatakot!" Singhal ng isa.

Gusto kong matawa sa kanila dahil halata namang kabado ang mga gago pero may tapang paring nailalabas. Let's see then.

"Ohh... Really?" Nakakalokong tanong ko.

Sabay nila akong sinugod at hindi ko sila inatrasan. Inilagan ko ang naka ambang suntok ng isa at siniko siya sa likuran dahilan para ma out of balance siya, kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para atakihin ang isa pa. Sinuntok ko siya sa ilalim ng panga niya at tinuhod siya sa sikmura. Nasa ganong ganap ako nang maramdaman ko ang malakas na sipa mula sa likuran ko at nang lingunin ko ito ay naka bangon na pala yung isa.

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now