MISSION 18: IMPOSTOR

28 6 2
                                    

18. Impostor

Ainee's POV

Napayuko ako nang biglang umalingaw ngaw ang putok ng baril, nagtago ako sa mga lamesa upang hindi tamaan at dahan dahan ay naghanap ako ng magandang pwesto.

Hinugot ko ang baril na nakaipit sa baywang ko at kinasa iyon. Bahagya kong sinilip ang pinto at nakitang nandoon pa'rin sila kaya pinindot ko ang gatilyo at itinutok sa direksiyon nila, mabilis naman silang nakaiwas at nawala sa paningin ko.

Maya maya ay nakarinig na naman ako ng panibagong putok ng baril kaya napayuko ako ng bahagya. Kinapa ko ang suot kong earpiece na naka connect kay Pearl.

"I need a backup here, now." Mariing saad ko at pinakiramdaman ang paligid.

"Copy!" Aniya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinipa ang numero ni Olivier, agad naman niya itong sinagot.

"Hello, Ainee?" Bungad niya.

"Where are you?" Madaling tanong ko sa kanya dahil rinig ko pa mula sa kabilang linya ang andar ng sasakyan.

"Nandito na ako, pababa na." Sagot niya at maya maya lang ay natigil na ang ingay ng sasakyan. "Bakit?" Dagdag niya.

Nilingon ko ang kabilang table na kaharap lamang ng table na pinagtataguan ko ngayon at nakitang may tao roon kaya agad ko itong pinaputukan.

"Ano yon? Anyare diyan?" Biglang seryosong tanong ni Olivier at dinig ko ang pag bagsak ng pinto ng sasakyan.

"Just come here! I need a backup, second floor in third room." Hindi ko na nahintay pa ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag at itinuon ang atensiyon sa pangyayari.

Buong tapang akong tumayo at pinaulanan ng bala ang buong silid, rinig ko ang daing ng mga kasama niya kaya malamang ay natamaan ko sila. Sakto din na tumayo si Kelsea at nakatutok na sa'kin ang hawak niyang baril nang bigla ko itong sinipa dahilan para tumilapon ito sa kung saan.

Gumanti siya ng sipa ngunit mabilis ko itong sinangga at sinipa din siya sa sikmura, nawalan siya ng balanse at muntik pang matumba pero ginamit niya iyong pagkakataon para sipain ako dahilan para tumilapon din ako sa lamesang nasa likuran ko.

Matagal bago ako naka recover sa sakit. "I'm right!" Biglang umalingaw ngaw ang sigaw niya sa buong silid.

At dahil napatumba ko na ang mga kasama niya ay kami nalang dalawa ang magkaharap ngayon pero sadyang malupit ang tadha dahil parehas lang kami ng galaw at magaling sa pakikipag laban. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang taong kasali sa isang organization?

"Shit.." mahinang daing ko dahil medyo malakas ang pagkakabagsak ko at agad na sumakit ang likod ko.

Tiningnan ko lamang siya ng masama. "You're a spy!" Parang baliw na sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

Humakbang siya papalapit sa pwesto ko at hawak hawak na niya ngayon ang kanyang baril. Walang alinlangan niya iyong ipinutok kaya wala din akong nagawa kundi ang umikot ikot para hindi tamaan.

Tsk! She's crazy...

Kahit masakit pa ang likod ko ay pinilit kong tumayo pagkatapos ay sinipa ko siya sa may bandang tuhod na ikinatumba niya.

Dapadaing siya sa sakit. "I told you, nag ingat ka sana..." pang aasar ko.

Lalakad na sana ako palayo nang bigla niyang higutin ang paa ko, nabitawan ko ang hawak na baril at naramdaman ko nalang na bumagsak na pala ang likod ko sa drawer.

Mariin akong napapikit pero agad ding nagmulat dahil naramdaman ko bigla na may sasalubong na mabigat na bagay sakin, inilagan ko ito pero bigla ko nalang naramdaman na may kamay na humigot sakin patayo. At don ko lang napagtanto na nasa likod ko na siya.

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now