The Favor

1.9K 68 9
                                    

Lara's POV

Umagang umaga tumawag sakin si Nile dahil pinapatawag daw ako ni Capt. Gomez sa opisina nya. Its been a month since ate Abby's birthday at yung Bataan trip naming magbabarkada. Si ate Dana broken parin, tapos na yung film nila at maghahanda nalang for the red carpet premiere. Lahat kaming magbabarkada syempre dapat nandun noh.

Nagbihis nako ng uniform ko at saka sumakay sa kotse ko. Nang makarating ako sa opisina ni Capt. Gomez nagulat ako dahil nandun sila Senator Binuya at Aubrey. Ang sabi ni Brei saken kanina sa text di daw nya alam kung saan sila pupunta ng tatay nya basta may meeting daw. Halata sa mukha nya yung gulat at pagtataka.

"Goodmorning Capt. Gomez. Goodmorning din po Senator Binuya, Aubrey" sabi ko sabay nakipagkamay sakanila.

"Layar, umupo ka muna" sabi ni Capt.

"Is she the one you're refering to?" Panimula ni senator.

"Yes, she's reliable and dedicated to her job. Wala kang makikitang flaws sakanya at sa trabaho nya" sabi ni Capt.

"Alright, its settle then" sabi ni senator.

"Ang alin po?" Kanina pako naguguluhan ah.

"Well senator Binuya here is looking for some company for his travel businesses, and for that I refer you. Ikaw lang yung pinaka-fit para sa trabaho na to" sabi ni Capt. Gomez.

"So, magiging private pilot ako ni Senator Binuya?" Tanong ko.

"Actually, his whole family. Kung sinong aalis ng bansa or domestic flight ikaw ang magmamaneho. Don't worry, mas malaki ang sahod mo kay senator. And please Layar, dont worry about your job here at PAL dahil kapag tapis na yung contract mo kay senator pwede ka ulit maging piloto dito. Kung wala kang trabaho kay senator pwede ka din bumisita dito at magpalipad, I'm giving you permission to do so" sabi ni Capt. Gomez.

"Well actually, more on si Aubrey ang maraming palabas balik sa bansa since she's managing our business sa Europe. More on kay Aubrey ka magsstay" sabi ni Senator.

"Dad?! Hindi mo manlang ba ako tatanungin?!" Inis na salita ni Aubrey.

"Brei, for your own safety na din" sbai ni senator.

"Kahit na dad! Dapat hiningi mo consent ko!" Sabi nya.

"Bakit? Hindi ka ba safe kay Lara? Eh mukhang close na nga kayo simula nung pumunta tayo dito nung nakaraang buwan ah?" Sabi ni senator.

"O-of course! Close na kami!" Sabi nya.

"Then? What's seems the problem?" Umiling nalang si Aubrey at umiwas ng tingin.

"So Layar, are you in?" Tanong ni Capt.






































































Nagmamaneho nako sa kahabaan ng EDSA papunta sa red carpet premiere ng pelikula ni ate Dana, napagusapan na din naming magbabarkada na sabay sabay kaming pupunta. I'm just wearing a white casual polo topped with blue blazer and pants. Before leaving the car nagayos muna ako ng buhok ko, nang makitang maayos nako lumabas nako papunta sa meeting place.

Nakita ko yung barkada ko na nagiintay sa loob ng starbucks habang mga nagkakape, si Cole at Gabb nakafrappe. Pumasok nako at kumaway muna sakanila, inilagay ko muna yung blazer ko sa upuan at saka pumunta sa counter. Umorder muna ako ng mocha latte frappe, ilang saglit pa gawa na yung order ko at pumunta sa table ng mga kaibigan ko.

"Asan si Dana?" Tanong ko.

"Edi ayun busy sa pelikula nya, huling text nya magkita kita daw tayo sa starbucks ng 3:30pm dahil 5pm daw start nung pelikula nila. 4pm na wala pa siya, andami na ding media at mga fans sa taas pati na din sa baba. Nagkwekwentuhan lang kami dito hanggang sa pumasok si Dana na pawis na pawis dahil sa mga fans nya at sa ibang tao. Pagpasok nya umupo agad sya sa tabi ko at nagtanggal ng jacket.

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon