Preparations

1.6K 68 0
                                    

Gabb's POV

I'm on my way to Coleen's house dahil kaninang madaling araw binulabog nya yung phone ko dahil puro tawag at messages nya. Tumawag na din ako kay ate Abby about dito and surprisingly alam na nya agad. Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila pinagbuksan ako ni Kuya Mario ng gate para makapagpark ako. Pagkapark ko bumaba nako at kinuha yung dalawang boquet ng bulaklak sa kotse ko. Kumatok muna ako bago pagbuksan ng pinto.

"Ang tagal mo?" Masungit na tanong ni Buko.

"Sorry na, I fetch these boquets for you and tita" sabi ko sabay halik sa noo nya.

"Gabbrielle!! Andyan kana pala!" Bati ni tito sabay yakap saken.

"Oh Gabb anak, mabuti naman nakarating kana. Sakto magpananghalian na tayo" sabi ni tita at nagmano naman ako.

"Para po sinyo" sabi ko sabay abot  ng bulaklak.

"Nako, nagabala ka pa. Alam mo parin kung ano yung paborito kong bulaklak ah" sabi ni tita saka hinila ako papuntang kusina. Bigla naman may tumawag kay Coleen kaya lumayo muna sya.

"Mommy di daw makakapunta si ate Abby" sabi ni Coleen saka umupo sa tabi ko.

"Why? May problema na naman ba sa company nya?" Tanong ni tito.

"As usual, napakaworkaholic kase ni ate Abby eh" sabi ni Coleen.

"Minsan na nga lang po sya makasama sa barkada kapag may hangout kami" sabi ko, nilagyan ko naman ng porkchop yung pinggan ni Coleen.

"Nako Coleen, pagsabihan mo yang pinsan mo na wag nya ituon yung buong buhay nya sa kompanya nila" sabi ni tito.

"I've been telling that to her dad, she won't listen" sabi ng katabi ko.

"Ang batang yon talaga manang mana sa ama nya" naiilibg na sabi ni tito.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Syempre inaasikaso ko din si Coleen noh, ginagawa nya din naman yung ginagawa nya saken. Medjo may kutob nako kung bakit ako pinapunta nila tito sa bahay nila, its all about that deal again.

"So Gabb, kaya kita pinapunta dito dahil we and your parents are planning the wedding na" sabi ni tito. Sabi kona.

"But dad is it too much early?" Sabi ni Coco.

"No, its the perfect time anak. And besides, hindi nako tumatanda noh akala nyo ba di namin alam?" Sabi ni tito.

"Na ano po?" Tanong ko.

"Na kayo na ng anak ko, we've heard it from your dad and naconfirm namin by asking Abelaine" sabi ni tita.

"P-pero it dosen't mean po na kami na we should rush things like this diba po?" Sabi ko.

"Ayaw mo ba maikasal sa anak ko Gabrielle?" Tanong ni tito.

Tumingin muna ako kay Coleen bago sumagot. Wrong move kase biglang nagflashback saken yung mga panahon na nagpakatanga ako sakanya dahil gustong gusto ko siya. WTF naalala ko nga dahil kinain ko yung papel na sinulatan nya ng puro pangalan ng crush nya para di sya mahuli ng teacher namin na hindi nakikinig. Even nung highschool I remember one time na sobrang lakas ng ulan and is lang yung dala nyang payong, she offered her payong dun sa crush nyang basketball player na babaero. Ayun I offered my payong sakanya para makauwi sya kaya kinabukasan nilalagnat ako. Hayy Coleen.

"T-tito hindi naman po sa ganun, I would like Coco to be my wife po. Pero need po muna namin ng time to absorb things" sabi ko. Nakita ko naman namula si Coleen na ipinagtataka ko.

"Oh sige walang problema, pero your father and I talked about this already" sabi ni tito.

"And your mother and I are already planning your wedding" sabi ni tita.

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon