Ligaw Day

1.3K 67 3
                                    

Alice's POV

"Iha, eto yung mga rosas na inorder mo kahapon" sabi ng ale sabay abot ng mga bulaklak.

"Salamat ho" sabay abot ng bayad.

"Nako! Napakaswerte naman ng pagbibigyan mo ng mga bulaklak ineng" sabi nya.

"Ako ho ang maswerte sakanya" sabay ngiti ko at pumasok na sa sasakyan.

On the way nako sa bahay nila Sheki dala dala ko yung binili kong breakfast galing McDo, chocolates, kape, maliit na stuff toy, at yung mga rosas na binili ko. Nagpark nako sa may gilid ng basketball court, tapat lang ng bahay nila. Bumaba nako dala ko yung mga pinamili ko pero syempre iniwan ko yung stufftoy at isang pirasong rosas sa passanger seat.

"Alice!! Tagay ka muna!!" Sabi ni mang Bert, tambay kila Sheki.

"Nako masyado pa pong maaga mang Bert!" Sabay ngiti sakanila.

"Nako walang maaga dyan sa mga yan!! Dika pa nasanay sa mga tambay dito!" Sigaw ni aling Nene, may ari ng tindahan na pinagtatambayan nila mang Bert.

"Papunta ka ba kila Josie?? Halika samahan kana namin" alok ni mang Ruben na nakainom din.

"Nako ho wag na po, salamat po sa pagalok" sabi ko.

"Oh siya magiingat ka Alice!! Kami ng bahala sa kotse mo" Sabi ni aling Nene.

"Salamat po! Hayaan nyo magdadala ho ako pasalubong sainyo sa susunod" sambit ko, naghiyawan naman sila sa tuwa.

Naglakad nako papasok sa eskenita at tumawid ng maliit na ilog. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Sheki agad akong kumatok, ialng sandali pa ay nagbukas ito at si Athena ang unang bumungad na nakabihis ng unipormeng pangskwela. Agad naman siyang nagpabuhat sa akin at agad kaming pumasok, nakita ko si Sheki na nagaayos ng kanyang sarili sa harap ng salamin.

"Tita Sheki!! Si Doc Alice po!!" Sigaw ni Athena.

"Hi, goodmorning" sabi ko.

"H-Hi goodmorning din. A-anong ginagawa mo dito?" Sabi nya sabay lapit saken, bumaba naman si Athena at umupo sa upuan.

"Well sinusundo ko yung future girlfriend ko, plus nagdala ako ng breakfast. Kase balita ko hindi pa kayo kumakain" sabi ko.

"Sorry nagabala ka pa ah? Natanggal kase sa trabaho si ate Cel eh, tapos sa susunod na buwan pa sweldo ko kaya pinagkakasya ko muna yung meron ako" sabi nya at umupo na din sa tabi ni Athena.

"That is why I came here, nagdala ako breakfast nyo. Athena eto kain ka muna ng almusal tapos rto mamayang recess at lunch mo ah?" Sabi ko, sinimulan naman siyang asikasuhin ni Sheki.

"Here is your breakfast maam, also a coffe" sabi ko.

"With love ko yan" sabay kindat sakanya, nakita ko naman na namula yung mga pisngi nya. Cute.

"Oh Doc Alice!! Nandito ka pala!" Agad naman akong nagmano kay Mama Josie, sabi nya kase mama na daw itawag ko.

"Ahh nagdala lang po ako ng konting pagkain para po sainyo" sabi ko.

"Nako nagabala ka pa, salamat ng marami ha?" Sabi ni Mama Josie at kumain na din.

After nila kumain pumunta na kami sa sasakyan at syempre nagbigay ako tig-100 dun sa tatlong batang lalake na naglinis at nagbantay ng sasakyan ko. Ganun talga yung tatlong yun masisipag lalo kapag pumupunta ako dito para din may pagkakitaan. Pinagbuksan ko ng pinto si Sheki sa passanger seat, pero bago pa sya makapasok kitang kita ko yung gulat at kilig sa mukha nya.

"HOY!! ANO TO?! NAPAKALANDI MO HA!!" sabi nya sabay yakap nung teddy bear, pumasok na siya sa upuan ganun din si Athena sa likod.

"So punta muna tayo sa school ni Athena?" Tanong ko habang nagdradrive.

"Oo eh, ayos lang ba?" Sabi ni Sheki.

"Oo naman, makikita ko din school ni Athena diba??" Sambit ko.

"Yeeeyyyy!!! Opo Doc Alice! Mamemeet mo po friends ko sa iskul!!" Masayang sabi ni Athena.

"Maybe next time Athena, nagmamadali kase kami ni tita Sheki ehh, I promise next time okay?" Sabi ko.

"Sige po" naging malungkot na yung boses ni Athena pagtapos nun.

"Hey! Next week birthday mo diba? Gusto mo bang magcelebrate sa school?" Tanong ko.

"Opo! Opo!! Gusto ko po!! Pero, wala po kase kaming pera sa ganun" sabi nya.

"Sige dun natin icecelebrate birthday mo ha? Wag ka magalala, si Doc Alice bahala ah?" Sabi ko kaya sumaya ulit yung bata.

"Alice, hindi mo kailangan ishoulder yung pamilya ko lagi" sabi ni Sheki.

"I was trying to help, and besides si Athena naman to eh. Calm down mahal ko I promise kay Athena" sabi ko. Sabay himas ng kanyang pisngi.

"Oh dito na tayo Athena, magiingat ka ha? Wag ka magpapagod" bilin ko sakanya.

Bumeso lang sakin si Athena at nagpaalam na, lumabas na sila ni Sheki at hinatid siya sa classroom nya. Nagdrive na ulit kami ni Sheki pabalik ng office, as usual puro tingin sila samin. Well I cant deny na sobrang ganda ng future girlfriend ko noh. Hinatid kona siya sa working table nya at saka nilapag yung mga food bags.

"Para san na naman yan?!" Masungit nyang tanong.

"For your lunch and snacks" sabi ko.

"Alice naman eh!" Angal nya.

"Have a great day ahead! Magiging busy ako buong araw pero ihahatid parin kita pauwi sa inyo. Dimo nga lang ako makikita buong araw" sabi ko.

"Alam mo?! Lumayas kana! Dun Chupi!!" Pagpapaalis sakin.

"Kiss ko?" Tanong ko.

"Kiss kiss ko yang nguso mo sa pader eh" sabi nya kaya hinalikan ko nalang sya sa noo, agad namna niya akong kinurot sa tagiliran.

"Oportunista ka ah!! Layas na" sabi nya at nagsimula ng magtrabaho.































This is gonna be a tiring and a great day!!!

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon