Happy Tears

1.5K 84 8
                                    

Lara's POV

"Wag nga kayong maingay! Pag talaga tayo pinalayas dito humanda kayo saken!! Gabb, Cole tigilan nyo kakakain kay Lara yan eh. Mahiya naman kayo! Hoy Abelaine! Dito pa kayo naglampungan! Asan na ba sila Dana at Ecka?!" Sermon ni ate Alice.

Yes. Gising nako after ng tatlong linggong pagkayamot dito sa ospital. Isang linggo na din na nandito sila, ayaw muna ipaalam nila mama saken kung ano nang nangyari sa mga pasahero at management. Kami yung sinisisi sa insidente dahil kami yung mga piloto, wala kaming kasalanan dahil engine failure yun at kami lang yung nagmamaneho. Ginawa naman namin ang lahat para makapaglanding kami pero nagcrash parin kami sa bundok.

"Ayos ka lang?" Mahinahong tanong sa akin ni Brei.

"Ayos lang" dahan dahan kong salita dahil hirap parin ako sa paghinga. May nakasaksak sa may bandang dibdib ko malapit sa puso na isang mahabang sangga ng puno kaya nawalan ako ng malay, swerte ko nga dahil nakaligtas pako at buhay pero si Capt. Gomez hindi.

"Inaalala mo parin ba yung nangyari? Diba ang sabi ng doktor wag mo masyadong isipin dahil makakasama sayo yan" sabi ni Brei kaya tumango nalang ako.

"Lara may gusto ka bang kainin?" Tanong ni ate Alice.

"Ah-" nagsasalita pako pero biglang sumabat si Gabb.

"Si ate Brei daw gusto nya kainin HAHAHAHAH" sabi nya.

"Gago" garalgal yung boses ko pero hanggat kaya ko mumurahin ko si Gabb.

"Lara magpahinga ka lang dyan, at ikaw naman Gabrielle manahimik ka dyan. Tigilan mo pangaasar pwede?!" Suway ni ate Alice.

"Andito na kame!!" Bungad nila Ecka at Dana.

"Kamusta pamimili nyo?" Kinuha naman nila Gabb yung mga pinamili nung dalawa.

"Ayos naman sa umpisa kaya lang nung paalis kami ng Hypermarket may nakakilala dito kay Dana babe kaya ayan may mga nagpapicture" sabi ni Ecka.

"Sabi ko naman kase sayo bilisan mo pagbili ng gatas eh" sabi ni Dana sabay upo sa upuan.

"G-gatas?" Garalgal kong tanong.

"Ahh nung hindi ka pa kase gumigising gatas ang palaging pinapakain sayo, sabi kase ng doktor di pa tumatanggap ng pagkain yung sikmura mo dala na din ng tama ng sangga sa dibdib mo" paliwanag ni Brei.

"Naapektuhan yung baga at lungs mo, Lang. Kaya sa ngayon tiis tiis muna ha?" Pagaalo ni ate Alice. Tumango nalang ako.

Habang nagiingay sa palagid dahil nagsimula na naman maginisan sila Cole at Gabb, pinagmasdan ko yung babaeng maliit dito sa gilid ko. I wanna marry her so bad. Tumayo siya at nagpaalam na bibili sila ni Coleen ng kape sa labas, agad ko naman kinuha yung atensyon ni Ecka sa tabi ko at pinakuha yung wallet ko.

Sakto namang pagpasok nila Brei, sa pagkagulat nya ay natapon ang kapeng dala nya kaya napalingon sa amin ang lahat ng nasa kwarto at halatang nagulat din. Kinuha ko yung maliit na papel sa wallet ko din at iniabot kay ate Abby para basahin nya. Lumapit naman si Brei habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"For my beloved one, Aubrey. As I am writting this letter for you the skies within lets us met, as the universe collide with all of it and became one. I wanted to do the same with you, to become one. As you read this letter for you, it means I've died or I've been marrying the person who I love. And it is you Aubrey Binuya. So please marry me and lets combine two universe together. Love, Lara" pagkatapos basahin ni ate Abby yung sulat na ibinigay ko.

"M-marry m-e.." dahan dahan kong sambit at saka inangat yung singsing na hawak ko.

"Oo naman" sabi nya habang naluluha parin.

Lumapit sya at agad akong niyakap, napadaing ako kase masakit parin yung dibdib ko kaya napabitaw agad sya. Ngumiti nalang ako at saka nya ako hinalikan sa labi. Tuwang tuwa naman yung tropa ko habang sinusuot ko sakanya yung singsing.

Bigla nalang nalang ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko at matinding hilo. Parang may tinusok sa dibdib ko at pumukpok sa ulo ko gamit ang isang matigas na bagay. Napadaing ako kasabay namang pagkakagulo ng tropa ko at si Brei na hawak hawak ng mahigpit yung kamay ko habang nagsasalita, wala akong maintindihan sa nangyayare. Next thing I know pumasok na yung mga nurse at doktor sa kwarto kasabay ng pagdilim ng paligid ko at isang matinis na tunog galing sa monitor.




















































"Lang"

"Lang gising!!"

"Lang lumaban ka!"



"Lara nandito kami!!"



"Lara mae bumangon ka dyan sisipain kita!!"




"Lang!!"



"Ate Lara bumangon kana oh!"

"Lang!!"

"Lara mae!!!"






























































"Please bumangon kana Lang-Lang, pakakasalan mo pako"

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon