Irreplacable

1K 65 2
                                    

Cole's POV

How's it been? 2 months? 4? 5? I dont really know. I lost track of time simula nung magiwan ako ng message sakanya nung gabing yun. I got a really really bad hangover kinabukasan, thank God di nakita ni mom yung mga basyo ng alak. Tumatawag pa din si Laney after nun pero nagpalit nako ng sim para tantanan na nya ako. Sabi ni mom pumunta pa dito si Laney para itanong ako pero sabi ko sabihin sakanya na umalis ako.

"Coley anak!! Baba kana dyan kakain na!!" Sigaw ni mom mula sa labas.

"Sige po!" Sagot ko.

"Nga pala, dumalaw yung mga kaibigan mo dito kanina hinahanap ka!!" Sigaw ni mom.

"What?!! Anong sabi?!" Tanong ko habang nagbibihis.

"Dimo daw sinasagot mga tawag nila!! Nagaalala daw sila sayo!" Sagot ni mom kaya binuksan kona yung pinto.

"What?!" Tanong ko.

"Ano bang nangyayare sayo? Coley you know you can tell me everything diba?" Sabi ni mom.

"Yes mom, im fine dont worry po okay?" Sabay ngiti ko sakanya.

"Alright just go downstairs para makakain na tayo ha?" Sabi ni mom at umalis na.

"Uurrgghh!!!" Angil ko at pumasok ulit ng kwarto.

Binuksan ko yung laptop ko at agad na bumungad saken yung litrato nila ni Thea sa isang mall. Tsk. Parang nung isang araw lang may post naman sila ni Thirdy sa isang party. I decided to close my laptop and go downstairs, nakita kong nakahain na sa lamesa kaya umupo nako sa gita nila lolo at lola. Pero bago pako sumandok ng kanin ay agad na pinalo ni lola yung kamay ko.

"Aww!" Daing ko.

"Nicole apo, magdadasal muna bago tayo kumain. Dapat magpasalamat tayo sa mga grasya na natatanggap natin sa araw-araw" sabi ni lola kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Cole anak sige na, ikaw na maglead ng prayer" sabi ni mom.

"Okay. In the name of the father, the son, the holy spirit, amen" sabi ko kaya tumingin silang tatlo saken.

"Po? Bakit po?" Tanong ko.

"Anak hindi ka pa nga nagsisimula magdasal tinapos mona agad" sabi ni mom.

"Apo hayaan mo tuturuan kita pano magdasal" sabi ni lola kaya ngumiti nalang ako.

"Oh siya siya! Magsikain na tayo. Emily anak, may pasok ka ba ngayong araw?" Tanong ni lolo.

"Meron tay, okay lang ba dito muna si Cole??" Tanong ni mom.

"Mom!! Hindi nako bata okay? Kaya kona sarili ko" sabi ko.

"Nako ewan ko sayo!! Maglalalabas ka namna ng bahay Cole! Baka akalain nila may anak akong bampira" birong sabi ni mom.

"Hayaan mona Emily, apo may lakad ka ba ngayon?" Tanong ni lola.

"Wala naman po la bakit po?" Tanong ko.

"Samahan mo muna ako mamalengke para mamayang hapunan" sabi ni lola.

"Tama yan apo, para naman makalanghap ka ng sariwang hangin" sabi ni lolo.

"Ahh ehh.. sige po" alangang sabi ko.

Matapos ang pananghalian ay agad na kaming umalis ni lola dahil ayaw niya daw mainitan sa tindi ng sikat ng araw. Sumakay na kami ng kotse ko at nagpunta sa supermarket pero ayaw ni lola gusto niya sa palengke talaga. After namin mamalengke pumunta kaming mall at nagugutom daw siya kaya nagjollibee lang kami sandali gaya dati nung bata pako dito niya ako dinadala.

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon