Singapore (M)

1.4K 65 0
                                    

Gia's POV

"Maam Gia? Our model will arrive within a few minutes" sabi ni Claire, secretary ko.

"Alright just tell her to meet me in the lobby" sabi ko at tumango naman siya.

"Right away maam" sabi niya at umalis na.

Ngayon yung shooting ng commercial ng bagong labas na model namin ng kotse kaya eto busy yung mga staffs ko sa pagaayos ng shoot. Diko kilala tong ininvite nila na model para sa shoot eh, sabi ko nga lalake yung imodel kase sports car to. Well wala nakong magagawa andito na eh. Bumaba nako sa lobby para salubungin yung model para sa kotse ko.

"Miss?" Pagtawag ko sa babaeng nakatalikod.

Pagtawag ko dun sa babaeng mahaba ang buhok na nakatalikod saken. Bigla naman siyang humarap, bat parang naging slow-mo ata yung paligid? Anong nangyayare? Tanong ko sa sarili ko. Ngumiti naman yung babae at tumayo. Holy Shit. Ang ganda nya baiii!!

"Hi! I'm Ella" sabi niya sabay lahad ng kamay.

"Shit ang ganda mo" out of nowhere kong sabi, ngumiti namna siya.

"Salamat" sabi niya na ikinabigla ko. Agad ko namang kinuha yung kamay nya at nakipagkamayan.

"P-pilipino ka?!" Sabi ko.

"Oo, akala mo ba Singaporean ako? HAHAHAHA" natatawang sabi niya.

"Ang ganda mo kase eh" sabi ko.

"I get that, so kelan yung start?" Tanong niya.

"Ahh! Oo tara sunod ka saken" sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.

Pagkarating namin sa shooting area nakaready na pala sila at siya nalang yung iniintay. Pagdating namin dun inayusan na agad siya at pinagbihis. Ako naman ay pumunta kay Mister Chu para kausapin about sa deal. Naguusap lang kami sa isang tabi ni Mister Chu ng bigla akong tawagin ni Claire.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Ehh maam, kelangan daw po kayo dun" sabi niya.

"Huh? Bakit ako kailangan eh di naman ako kasali sa shoot" sabi ko.

"Ehh maam ngayon daw po kelangan kayo, change concept daw po eh" sabi niya.

"Mr. Chu I am very sorry for the interuption" sabi ko.

"No! No! No! Its okeh! You go now, we'll talk some other time ah?" Sani niya at umalis na.

"Ano daw bang kelangan nila mula saken?" Iritang tanong ko.

"Ahh ehh maam need daw na lumabas ka sa commercial" sabi niya.

"Huh?" Tanong ko.

After nun binihisan lang ako ng jacket dahil naka white sleeves qt pants naman ako. Pagtapos nun nagshoot na kami ng commercial at after nun nagbihis na din ako. Pinapunta ako nung director sa pwesto nya para tignan kung may gusto pakong ipabago dun sa video na ginawa niya. Im very satisfied dun sa gawa niya at masasabi kong best commercial director talaga siya, naenhance yung mga features ng car at syempre bonus yung model.

After nun nagpackup na ang lahat. After that pinapunta ko sa office si Ella para ibigay yung bayad niya. Nandito na kami sa office ko nagkakape, I offered her a coffee since ginabi na kami. Need niya daw coffee para magising. We just talked about things at syempre anong ginagawa niya dito sa Singapore.

"May sakit kase si nanay, kulang yung pera namin noon kaya naisipan ko mangibang bansa" sabi niya.

"What happen?" Tanong ko.

"Naging domestic helper ako dito tapos may nakakita saken na nagaalok na maging model, tapos ayun dun nako nadiscover at pumasok bilang commercial actress or model" sabi niya.

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon