Code Red

1.4K 83 31
                                    

Alice's POV

"Hello?" Tanong ko pagsagot ko ng telepono.

"Hello Alice? Busy ka ba bukas?" Tanong ng kung sino. Tinignan ko naman kung sino yung ID caller.

"Baket anong kailangan mo Abelaine?" Tanong ko.

"Bonding naman tayo oh? Inuman tayo!" Sagot nya.

"Nagaway kayo ni Sela noh?" Tanong ko.

"Hindi ah! Porket may ibang lalake si Sela nagaway agad? Diba pwedeng di lang nagpapansinan ng isang linggo?" Sabi niya sabay tawa. Kaya agad kong pinarada sa gilid yung kotse ko pagkarinig ko nun.

"Ha?! Sigurado ka ba? Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Inamin nya, nahuli kona eh" sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Diko alam, di pa nga kami kasal" sagot niya.

"Anong point mo Trinidad?" Tanong ko.

"Na hindi naman siya akin, kaya wala akong karapatan na hawakan siya habang buhay" sagot niya.

"Pero alam kong mahal mo siya Abelaine" sagot ko.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi" sagot niya.

"Sige, pupunta ako. Pero parang awa mona Abelaine, habang wala pa kami pumirmis ka lang ha?" Sabi ko.

"Oo na mama Alice, Bye!!" Sagot niya sabay baba nung tawag.

Dumaan muna ako sa fastfood dito sa NLEX para bumili ng pagkain, malamang ko gutom na yung alaga ko na naiwan sa opisina. Umalis muna ako para puntahan yung kahuyan para sa materials na gagamitin sa building. Nagpark nako sa parking lot ng ospital at sumakay ng elevator.

"Goodmorning Doc Alice!!" Bati ni Janice.

"Goodmorning din, Janice! Lumabas ba si Sheki magmula nung umalis ako?" Tanong ko.

"No Doc, nung kumatok po ako sa office nyo busy sya sa computer eh" sagot niya kaya tumango nalang ako.

"Sige, salamat" sagot ko at nagpuntang office.

"Tao po?" Kumatok muna ako ng isa sabay pasok sa office ko.

"Oh nakabalik kana pala! Kamusta?" Tanong niya.

"Ayos lang, nagusap lang kami kung ilan yung kailangan at anong type" sabi ko.

"Type?" Tanong niya.

"Oo, type kita" sabi ko pa sabay kindat sakanya.

"Alice! Mandiri ka nga! Saka mamaya kana lumandi!" Sagot niya.

"Eto mga papeles pirmahan mo!" Sabi niya sabay lapag ng tambak ng mga papel sa mesa ko.

"Eto na nga! Sabi ko nga" sabi ko sabay upo sa mesa.

"Sheki, kumain kana ba?" Tanong ko.

"Di pa iniintay kase kita. San ka ba galeng aber?!" Masungit na tanong niya.

"Relax ka nga, galing lang ako kay Doc Torres. May pinapapirmahan lang siya, any sched ko for today?" Tanong ko habang tinatanggal yung white coat ko.

"Wala naman, may meeting ka lang kay Mr. Tiu for the new building mamayang 4pm" sabi ni Sheki.

"Sige. Kumain kana ba? Tara magbibihis lang ako tapos kumain tayo sa labas" sabi ko sabay hubad ng coat ko.

"Hoy! Nasa trabaho tayo! Wag moko nilalandi ha? May usapan tayo?" Sabi niya.

"Talaga? Diko naman naalala na pumayag ako sa kondisyon mo na di ako lalandi sa trabaho eh" sabi ko sabay lapit sa likod nya.

"Hoy Margarita! Baka gusto mo dikita sagutin?" Mataray na sabi niya.

"Im Margarita Alice DeLeon, I get what I want. Especially you, Ms. Arzaga" sabi ko sabay hatak ng bewang nya palapit sa katawan ko.

"Kakasabi ko lang na wag kang malandi eh!" Sabi nya sabay sabunot saken.

Pero bago pa niya mahawakan yung buhok ko agad kong kinuha yung nga kamay nya at mabilis siyang idinikit sa pader habang nakataas yung dalawang kamay niya. Nakita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko kaya nagsmirk nalang ako. Nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya sabay sabing..

"And I want you, Ms. Arzaga" sabi ko sabay halik sakanya. Pero hindi pa tumatagal yung halikan namin saka may kumatok sa pinto.

"Doc? Doc Alice!? Kelangan daw po kayo sa OR!! Code Blue! Doc?!" Pagtawag ni Janice.

"Papunta nako!" Sigaw ko pabalik sakanya.

"Ikaw mamaya kana lumandi! Alis! Shoo!!" Pagpapalayas saken ni Sheki, nagsuot nako ulit ng coat ko at hinalikan siya saka lumabas.

"Stats?" Tanong ko kay Janice.

"Patient 6, Rolando Sare. May butas sa puso, last time we checked nagkahighblood siya" paliwanag ni Janice.

"Doc Alice! We've been waiting for you!!" Sigaw ni Doc Martin.

"Why? Cant you do it?" Tanong ko habang inaayusan ako ng scrub.

"I cant, its too critical. And we got a problem" sagot niya.

"Huh? Why?" Tanong ko at pumasok na kami sa operating room.

"Bukod sa butas nya sa puso nalaman din namin na diabetic siya" sagot ni Martin kaya agad akong tumingin sakanya.

"Hindi nyo manlang siya tinanong? Okaya di manlang kayo nagbasa ng record nya?" Tanong ko habang hinihiwa yung balat ng dibdib nya.

"It wasnt recorded, saka lang namin nalaman nung tinanong yung family niya.

"What?!" Gulat kong sagot at napatingin sakanya.

Beep. Beep. Beep.

"Doc!!" Sigaw ni Janice kaya napatingin ako sakanya.

"Shit!!" Sigaw ko ng makita ang napakaraming dugo.

"Doc you hit a nerve!" Sigaw ni Martin.

"Alam ko Martin kaya pwede manahimik ka?!" Sigaw ko pabalik.

Ginagawa kona lahat ng makakaya ko para maligtas si sir Roland pero sobrang daming dugo yung lumalabas sakanya. Pinagpapawisan nako dito ng todo pero kakayanin ko kase hindi ko kaya na mawalan ng pasyente. Lalo na kagagawan ko kung bakit naputulan siya ng ugat sa puso! Not until..















__/\_/\___/\_/\_/\______/\________________


Flat line..

Flat line..


Flat line..






Tangina.







Tangina.



TANGINA!!!

































































Tangina! Nakapatay na naman ako ng tao.

48 ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon