Kabanata 30

11.4K 209 2
                                    

(A/N: My next update will be on next week after my midterm. As you can see I have also other story which is Steal her Innocence (Del Faurico Series #2) that story is for Leanne which is yong bestfriend ni Sariah. Excited na 'kong mag-update don so abang abang hahaha)



Kabanata 30

Reveal

Hindi ko nakitang nagulat si nanay sa ginawa niya sa akin dahil galit pa rin itong nakatitig sa akin.

"N-Nay, m-may ginawa po ba ako sainyo?" Humahagulgol kong sabi at tinuro niya ako.

"Akala ko ba mabuti kang bata? Ngayon ka lang sumaway sa amin ng tatay mo!" Galit nitong sabi kaya napakunot noo ako sa tinuran niya sa akin.

Wala akong maalalang nagawa ko sa pamamahay ni Auntie kanina, nag-uusap lang naman kami ng mga pinsan ko.

"A-Ano pong sinuway ko kayo? Wala naman po akong ginawa kanina." Tugon ko sa kanya at nagulat ako ng hinaklit niya ang braso ko kaya napa-aray ako sa sakit.

"Tumigil ka na! Nasasaktan na ang anak natin!" Sigaw ni tatay at nilayo niya ako kay nanay pero tila ang lakas ni nanay ngayon dahil tinulak niya lamang si tatay kaya nag-aalala akong tumingin sa kanya.

"Wag ka sabing makialam! Kung hindi mo kayang pagsabihan 'tong anak mo pwes ako ang gagawa!" Galit nitong sabi.

"NAY ANO BANG PINAGSASABI MO? GULONG-GULO NA AKO DITO! NI ISA WALA AKONG MAALALANG SINUWAY KO KAYO! ANO BANG NANGYAYARI SAI---" Napatigil ako ng makatanggap ako ulit ng malakas na sampal kay nanay.

"SINUNGALING! MAY BOYFRIEND KA NA PALA!? NALAMAN KO PA SA IBA ANG PINAG-GAGAWA MO!" Sigaw nito na tila kulog ng marinig ko ito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at hindi ko mapigilang mapaiyak ulit.

"YONG DEL FAURICO PA TALAGA!? NABABALIW KA NA BA SARIAH!? PARA AKONG TANGANG NAGKWEKWENTO SA MGA AUNTIE MO KUNG GAANO KA MASUNURIN AT PURSIGIDO SA PAG-AARAL TAPOS MALALAMAN KONG MAY GINAWA KA SA LIKOD NAMIN AT ITINAGO MO PA HA!" Galit nitong sabi kaya napayuko na lamang ako. Nahihiya ako kila nanay dahil sa mga ginawa ko pero nagmahal lang naman ako eh, mali ba ang mag-mahal?

Parang tumigil ang mundo ko at winawasak ang puso ko sa sakit ng marinig na humahagulgol si nanay.

"Anak, ano ka ba? Hindi mo ba nakikita yong effort namin para mapasaya ka tapos ito lang yong isusukli mo sa amin? Hindi naman kami nag kulang sa pag-aaruga sayo, diba?" Humahagulgol nitong sabi at napasinghot na lamang ako ng hindi matigil ang pagbuhos ng luha ko.

"N-Nay..." Tawag ko dito at nakita kong pinunasan nito ang luha sa pisngi.

"Ayoko ng makikipagkita ka pa diyan sa Del Faurico na yan kung ayaw mong magkasiraan tayo." Seryoso nitong sabi at umalis na ito sa harapan ko.

Tila namanhid ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Agad akong dinaluhan ni tatay.

"Anak, pag pasensiyahan mo na ang nanay mo, ako na ang humihingi ng tawad sa mga ginawa niya sayo. Naging masama rin ako dahil hindi kita tinulungan." Malungkot nitong sabi kaya agad akong napailing at ngumiti ako ng pilit habang may luha pa sa aking pisngi.

"H-Hindi p-po t-totoo yan tay, tinulungan niyo nga ako kanina, diba?" Nakangiti kong bigkas sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay kaya napangiti na lang ito sa tinuran ko.
"Gamutin mo nalang yong pamumula ng pisngi mo sa kusina at pupuntahan ko lang ang nanay mo." Sabi nito at inalalayaan niya akong tumayo.

"Salamat po tay." Sambit ko at tumango na lamang ito. Tumalikod na ito sa akin pero tinawag ko siya ng papaliko na siya sa kwarto nila.

"Tay" tawag ko dito kaya agad itong napalingon sa akin.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now