Kabanata 41

11.3K 211 0
                                    

Kabanata 41

Again

Pagkaupo namin ay tumingin ako kay tatay.

"Tay... Kilala niyo na po siya diba?" Nakangiti kong tanong kay tatay.

"Oo naman anak, magandang gabi sir." Magalang na bati ni Tatay. Nagulat ako sa sinabi nitong 'sir'

"Wag niyo na po akong tawaging Sir, you are the father of my girlfriend." Sabi ni Grayson.

"Nakakahiya man pero sige hijo." Nakangiting tugon ni tatay. Alam kong hindi sanay si tatay na tawaging 'hijo' si Grayson kasi noon nagtatrabaho sila sa hacienda ng mga Del Faurico.

"I have something to give po, this is for you tito and this is for tita." Nakangiting sabi ni Grayson at inabot nito ang pinamili namin kanina.

"Nag-abala pa kayo hijo, hindi ko ata matatanggap 'yan." Sabi ni tatay kaya tiningnan ko siya.

"Tay, tanggapin niyo na po, siya po ang pumili niyan para sainyo. Sayang naman po kung hindi niyo tatanggapin." Malungkot kong sabi kaya sumulyap sa akin si tatay at napilitan na lamang itong tanggapin. Napangiti ako sa ginawa nito.

"Salamat dito hijo." Masayang sabi ni tatay.

"You're welcome po." Tugon ni Grayson.

Naputol ang pag-uusap namin ng narinig naming nagsalita si nanay.

"Kakain na!" Rinig naming sambit nito.

"Halina kayo, kumain muna tayo." Paanyaya sa amin ni tatay kaya sabay na kaming tumayo at pumunta sa kusina.

Pinaupo ko si Grayson sa tabi ko at nasa harap namin ay sila nanay.
Nagdasal muna kami at kumain na rin.

Masaya akong naulit yong pagsasalo namin dito sa lamesa akala ko ay hindi na mangyayari 'to but God is good, ginawa niya ang mga bagay na makapagpapasaya sa akin pagkatapos ng mga sakit na dinanas ko noon.

May konting pag-uusap ang naganap habang kumakain kami pero hindi nakisali si nanay. Hindi siya nagsasalita habang nag-uusap kaming tatlo kaya nalulungkot rin ako.

"Are you full?" Bulong sa akin ni Grayson ng makitang tapos na rin akong kumain kaya nakangiti akong tumango sa kanya.

Magsasalita sana ako pero napatingin ako sa harapan namin ng makitang kanina pa pala kaming pinapanood nila nanay kaya kinabahan ako.

"Sariah, lumabas ka muna. May pag-uusapan lang kami." Seryosong sabi ni nanay kaya agad akong umiling.

"Nay, hindi pwede. Dito lang ako." Natatakot kong sabi dahil baka may masabi sila kay Grayson.

"Wag ka ng makulit, Sariah." Sabi ni nanay at magpipigil sana ako ng hawakan ni Grayson ang aking kamay.

"Sariah, listen to your mom. Okay lang ako dito at gusto ko rin silang makausap, okay?" Sabi ni Grayson kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Alam kong hindi ako mananalo kay Grayson kaya pumayag nalang ako.

Tumayo na ako at tinalikuran sila para pumunta sa sala namin.

Pagka-upo ko sa sala namin ay naramdaman ko ulit ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm scared.

Baka pagalitan siya ni nanay or worst sabihin niyang hiwalayan na ako ni Grayson.
Pero kalaunan ay binatukan ko ang aking sarili sa iniisip ko.

Hindi naman ata mangyayari 'yon at siguradong hindi hahayaan ni Grayson 'yon dahil mahal mahal niya ako.

Hindi ako mapakali dito sa sala dahil ilang minuto na silang nag-uusap. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila? Ayoko namang pumasok sa kusina at baka mapagalitan pa ako ni nanay.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin