Kabanata 32

11.2K 200 2
                                    

Kabanata 32

Lunch

Nang mapansing kumalma na ito and that "thing" sa baba niya ay kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya.

"Okay ka na ba?" Nag-aalala kong tanong at tumango naman ito.

"Yes and thank you." Sabi nito kaya napangiti ako sa kanya.

Bigla akong napatingin sa bintana niya at nanlaki ang mata ko ng makitang gabi na kaya humiwalay agad ako sa kanya at tumayo ako.
Napansin kong nagulat si Grayson sa ikinilos ko.

"What are you doing?" Naguguluhan nitong sabi pero wala na ako sa wisyo ko dahil kinakabahan ako baka magalit sila nanay sa akin kapag makauwi ako ngayon.

Agad kong hinanap ang bag ko at agad kong sinukbit ito sa balikat ko.

"Kailangan ko ng umuwi." Nagmamadali kong sabi at aalis na sana ako sa harapan niya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinipigilan akong umalis.

"You need to eat before you go home, okay? I'll drive you home." Mahinahon nitong sabi.

"No, I need to go home right now because my parent are waiting for me." Agad kong sabi kaya napatango na lamang ito sa kakulitan kong umuwi na.

"Okay but I'll drive you home." Tugon nito at kinuha na ang kanyang susi sa lamesa at tututol na sana ako ngunit hinala na niya ako papalabas sa condo niya.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan ng makasakay na kami at sa tingin ko ay naiintindihan niyang nagmamadali akong umuwi kaya nagmadali rin siyang makaalis kami sa condo niya.

Malungkot ang tumingin kay Grayson dahil wala itong alam kung anong nangyayari sa akin at sa pamilya ko at ayoko rin namang sabihin sa kanya na ayaw siya ng pamilya ko dahil masasaktan lang ito.

Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko dahil naisip ko na naman ang mga sinabi sa akin ni nanay na makipaghiwalay na ako kay Grayson at wag ng makipagkita pero ginawa ko pa rin dahil mahal na mahal ko siya.

Nang makitang malapit na kami sa bahay ay pinatigil ko siya sa may kanto dahil ayokong umabot pa kami sa bahay baka makita pa siya ng magulang ko.

"Are you sure, dito ka nalang?" Nag-aalangan nitong tanong sa akin at ngumiti lamang ako sa kanya.

"Oo, malapit naman dito ang bahay namin at ayokong late ka ng uuwi. Mag dadrive ka pa, remember?" Sabi ko sa kanya sabay alis ng seatbelt ko.

"Okay and take care of yourself." Seryoso nitong sabi kaya tumango ako sa kanya. Kinuha ko na ang bag ko sa backseat ng sasakyan niya at tiningnan siya.

"Mag-ingat ka sa pag-drive, okay? I love you and goodnight." Sabi ko sa kanya at dinampian siya ng halik.

Nahiya ako sa ginawa ko sa kanya kaya agad na akong lumabas sa sasakyan niya.

"I love you too and goodnight." Nakangiti nitong tugon at kumaway na ako sa kanya.

"Bye!" Sambit ko habang winawagayway ang kamay ko.

Nang tuluyan na itong makaalis ay napabuntong-hininga ako para mabawasan ng konti ang kaba ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa bahay namin.

Tumigil ako saglit sa harap ng pintuan namin para iayos ng konti ang gusot ng uniform ko.
Kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha ni nanay at sa likod niya ay si tatay kaya mas lalo akong kinabahan.

"San ka galing? Doon na naman sa Del Faurico na 'yon!?" Galit nitong tanong kaya nanginig ng bahagya ang kamay ko.

"H-Hindi n-nay.. Kila Leanne lang po." Pagsisinungaling ko dito. Sana patawaran niyo pa ako.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now