Kabanata 3

19.8K 386 2
                                    

Kabanata 3

Caught

Habang nag iintay ako sa masasakyan ko ay nakita kong may dumaang sasakyan at agad kong nakilala ito. Sakay nito si Grayson at dahil nakabukas ang salamin nito ay agad ko siyang nasulyapan. Nakakunot noo ito at seryoso ito pero kahit na ganun ay hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang ka gwapuhan. Nararamdaman ko na naman ang tibok ng puso ko at parang nahihiya ako kung makita niya ako. Nang nakalampas na ito ay may dumaang motor kaya agad akong sumakay kaya agad akong nakarating sa school at pumunta na agad ako sa magiging room ko.

"Sariah! Wait for me!" Napalingon ako at Nikita kong tumatakbo si Leanne papunta sa akin.

"Hays.. Nakakapagod tumakbo" hinihingal nitong sabi kaya napangiti ako.

"Bakit ka ba tumakbo? Hihintay naman kita .."

"Baka kasi hindi mo marinig yung tawag ko, by the way Dalian na natin baka ma late pa tayo.." Sabi nito at hinila niya ako kaya sumunod nalang ako.

Pagkatapos ng klase namin ngayon ay uuwi muna kami ngayon para kumain at babalik na naman mamayang 1:00pm pero sa lagay ko ngayon ay naisipan kong hindi nalang ako uuwi kasi masasayang ang pamasahe ko kaya dito nalang ako kakain.

"Sariah, uuwi ka ba ngayon?" Tanong nito habang naghahanda na kaming lumabas sa room.

"Hindi, maghahanap nalang ako ng makakainan dito." Sabi ko at lumabas na kami sa room. Napatingin ito sa akin.

"Sumama ka nalang sa akin, dito nalang ako kakain at may alam akong restaurant sa labas." Nakangiti nitong sabi kaya agad akong umiling, wala akong malaking pera ngayon at Hindi aabot itong pera ko kung sasama ako sa kanya.

"H-hindi na Leanne saka wala akong sapat na pera para kumain sa sinasabi mo, okay na ako doon sa karinderya sa labas."

"No, Sasama ka sa akin and don't worry because I'll treat you.. Let's go.." Sabi nito at hinila ako pero binitawan ko agad ito at umiling sa kanya.

"Hindi na Leanne, nakakahiya sayo alam kong para sayo lang ang allowance mo at ayaw kong mabawasan yun para lang sa akin." Sabi ko sa kanya at bigla itong tumawa.

"Ano kaba! Okay lang sa kin.. Sige na please...?" Pagmamakaawa nitong sabi at nahihirapan ako sa lagay ko at Hindi ko siya ma hindian.

"Sige pero may isang kondisyon"

"Sige ba! Ano yun?"

"Ililista mo kung magkano yung nagastos mo para sa akin at pag iiponan ko yun' at magbabayad ako sayo."

"Ano? Sabi ko diba---"

"Leanne"

"Sige na nga, tara na.." Sambit nito kaya napangiti ako.

Napatingin ako sa harapan ng makarating kami sa restaurant na sinasabi niya. Ito yung restaurant na pinuntahan ni grayson at ang mga kaibigan niya.

"What are you doing? Let's go inside, I'm hungry.." Napatigil ako at pumasok nalang. Nang makahanap si Leanne ng ma uupuan namin ay agad siyang tumawag ng tao na mag aasikaso sa amin. Lumapit ang isang babae at agad naman nitong ibinigay ang menu na naglalaman ng pangalan ng pagkain na aming pipilin.

"Hmm.. May napili ka na ba?" Tanong ni Leanne habang nakatitig sa menu. Sa totoo lang hindi ko ginagalaw ang menu na para sa akin dahil alam kong mahal ang nandoon at baka umatras pa ako kung makita ko ang presyo. Tumingin ito sa akin nang hindi ako makasagot sa kanya.

"Bakit Hindi ka pumili? Wag mong sabihing..."

"Ikaw nalang ang pumili para sa akin, okay lang sa akin, kahit ano." Agad kong sambit kaya napabuntong hininga lamang ito at tumingin sa babaeng nagbigay ng menu namin at sinabi na ni Leanne ang order namin. Pagkatapos non ay agad na umalis ito.

"Hays... Nakakapagod talaga, second day palang natin ang dami na agad ang pinapagawa sa atin." Reklamo ni leanne kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang yan, alam kong sinasanay na nila tayo para sa susunod na taon ay hindi na tayo mahirapan."

"Sayo okay lang kasi matalino ka naman kaya ka nga nakapasok sa school na 'yun pero ako hays.."

"Wag kang mag aalala tutulungan naman kita, mag sabi ka lang." Nakangiting sabi ko.

"Talaga!?"

"Oo naman!" Natatawa kong sabi kaya napatawa na rin siya. Napatigil kami nang tumunog ang cellphone niya at Nakita kong ang mommy niya ang tumatawag.

"Wait lang Sariah.. Sasagutin ko lang 'to.. Ikaw nalang ang tumanggap sa pagkain natin ha.." Sabi nito kaya tumango ako at agad naman itong lumayo habang sinasagot ang tawag ng mommy niya.

Napatingin ako sa pintuan ng tumunog ito na hudyat na may taong pumasok at nakarinig ako ng nagtatawanan. Nang tuluyan ko na silang nakita ay napansin kong mga kaibigan ito ni Grayson at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Napa iwas ako ng tingin at kinakabahan ako. Bakit ngayon pa? Napansin kong pumwesto sila sa lamesang malapit sa amin kaya dinig na dinig ko ang tawa nila. Mas lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang tawanan nila para kasing naririnig ko rin ang boses niya. Napasulyap ako sa banda nila at nakita ko nga si Grayson ng malapitan. May munting ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan na tumatawa. Sana, makita ko rin ang mga ngiti niya habang nakatitig sa akin pero malabong mangyari 'yun dahil bata pa ako at wala pa akong alam sa mga ganitong bagay.

Namula ang aking pisngi ng makitang sumulyap ito sa akin at baka napansin nitong nakatitig ako sa kanya. Agad akong umiwas at nakita kong papalapit na si Leanne.

"Sorry, natagalan ako.." Sambit nito pero hindi ako makasalita dahil sa nangyari. Sumulyap ulit ako para makasigurado kung hindi na siya nakatingin sa akin at laking gulat ko ng nakatingin pa rin ito sa akin na nakakunot ang noo kaya agad akong umiwas ng tingin. Parang nagkakarera ang puso ko dahil sa bilis nito at napapawisan na ako.

"Are you okay, Sariah?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Y-yes.." Nauutal kong sabi.

Hindi na siya nag tanong ng dumating na ang aming pagkain kaya pansamantalang nawala sa isip ko ang nangyari kanina.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now