Kabanata 20

14.6K 271 1
                                    

Kabanata 20

Sweet

Ilang oras na ang lumipas ng tumawag si Grayson na pupunta muna siya dito bago siya umuwi at minu-minuto ko ring sinisilip ang bintana ng kwarto ko. Halatang excited lang makita si Grayson hahaha pero medyo kinakabahan rin ako ngayon. Buti nalang hindi uuwi sila nanay at ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Hindi pa nila alam na may relasyon kami ni Grayson at hindi pa ako handa para sabihin 'yon dahil natatakot ako sa reaksiyon nila at baka hindi sila pumayag sa relasyon namin. Napatigil ako sa pag-iisip ng makita ko ang kotse ni Grayson na kakaparada palang sa harap namin kaya nakangiti akong lumabas sa kwarto para salubungin siya.

"Grayson!" Tawag ko sa kanya at nakita kong ngumiti ito sa akin. Lumapit ako sa kanya at napansin kong tumingin siya sa likod ko.

"Pumasok kana, wala sila nanay at bukas pa sila uuwi." Nakangiti kong sabi at hinila ko na siya papasok. Binuksan ko ang pintuan at pumasok kaming dalawa at sinarado ko muna. Humarap ako sa kanya.

"Pasensya na maliit lang---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng dinambahan niya ako ng isang mahigpit na yakap kaya yinakap ko rin siya.

"I miss you.."

"Are you serious? Kakikita palang natin ha.." Nakangiti kong sabi at hindi ko mapigilang kiligin sa yakap ni Grayson.

"I'm serious.." Medyo malamig nitong sabi kaya agad kong hinimas ang likod niya baka magtampo pa siya sa akin.

"Okay.. Okay.. I miss you too.." Sagot ko sa kanya at humiwalay ako sa yakap niya at tinititigan siya.

"Kumain ka na ba? Sabayan mo akong kumain." Nakangiti kong sabi sa kanya at napansin kong sumeryoso ang mukha nito kaya napakunot noo ako.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"Sariah, 9pm na at ngayon ka lang kakain? Sabi ko sayo diba na wag kang magpagutom?" Seryoso nitong sabi kaya hinawakan ko ang mukha niya.

"I'm sorry.. Hindi ko na uulitin, alam ko kasing dadating ka, kaya naisipan kong hintayin ka nalang. Wag ka nang magalit, okay?" Paglalambing ko sa kanya at hinawakan nito ang kamay ko na nakadampi sa mukha niya.

"Kahit na, Sariah.."

"Okay, hindi na uulitin. Tara na gutom na ako." Nakangiti kong sabi at hinila na siya papasok.

"Maupo ka muna at kukunin ko lang ang pinggan." Sabi ko at binitawan ko ang kamay niya. Pagkakuha ko ng pinggan ay agad kong nilahad ito kay Grayson at tumabi sa kanya.

"What's that?" Sabi niya sabay turo sa ulam namin. Napatawa ako sa tanong niya.

"Grabe ka Grayson, never mo pa bang nakain 'to? Ampalaya 'to at siguradong magugustuhan mo 'to, kaya kainin mo ito, okay?"

"I'm sorry but it's bitter, right?"

"Yes but I know you will surely like it if you taste it now." Sabi ko sa kanya at ako na ang naglagay ng kanin sa kutsara at nilagyan ng ampalaya.

"Say ahh.." Hinarap ko sa kanya ang kutsara at pilit na bumuka ang bibig at tinanggap ang pagkain na sinubo ko sa kanya kaya napangiti ako.

"Pwee.." Bigla nitong linuwa ang pagkain kaya napatawa ako. Alam ko na ito yong magiging reaksyon niya. Ayaw niya talaga sa pagkain na ito.

"Sariah!" Galit nitong tawag sa akin pero napatawa na lamang ako sa reaksyon niya. Tila lumambot ang mukha nito ng makitang masaya ako kaya napangiti na rin ito.

"Are you happy now?" Sambit nito na nag pangiti lalo sa akin.

"Gusto mo talagang pinagtatawanan ako no?" Nagtatampo nitong sabi kaya yinakap ko siya.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora