Kabanata 13

15.7K 340 2
                                    

Baby

Nag liligpit na ako ng aking gamit dahil tapos na ang klase namin kay Ms. Jeycel. Ngayon ay pupunta na kami sa susunod naming klase.

"Halika na Sariah!" sabi ni Leanne.

"Mauna ka nang lumabas, doon mo nalang ako hintayin." sambit ko at naramdaman kong umalis na ito. Lalabas na sana ako ng pinigilan ako ni Ma'am Jeycel kaya napatingin ako sa kanya.

"Ms. Cornello, I have something to ask you."

"Ano po 'yon?"

"Nakita mo ba si Sir Grayson?" Nakangiti nitong sabi.

"N-no.."nauutal kong sabi. Bakit niya ako tinatanong, hindi naman ako tanungan ng nawawalang tao.

"Okay, I thought you know where he is right now that's why I'm asking you, I'm sorry." nakangisi nitong sabi.

"I don't know po, pwede na po ba akong umalis?" sambit ko at tila natigilan ito.

"Oh.. Okay.. Wait lang... Anong next class mo?"

"Purposive communicatio--" natigilan ako ng maalalang kay Grayson na kami. Nakita kong ngumiti ng malapad si ma'am jeycel.

"Oh.. I think pupunta nalang ako sa klase ninyo mamaya para makita siya." Nakangiti nitong sabi.

"O-okay." wala sa sarili kong sabi. Nanghina ako ng maalalang makikita ko na naman si Grayson. Last day na niya ngayon kaya siguro gustong makita ni Ma'am si Grayson. Parang may nagbara sa aking lalamunan ng maisip na magkikita sila mamaya.

Siguro iiwasan ko nalang si Grayson para wala nang gulo at para hindi na ako maguluhan sa nararamdaman ko.

"Bakit ang tagal mo?" Napatingin ako ng magsalita si Leanne kaya ngumiti ako sa kanya.

"Kinausap lang ako saglit ni Ma'am."

"Ah.. Okay, tara na... Baka ma late pa tayo." Sambit nito at nag simula na kaming maglakad patungo sa susunod naming klase.

Nang pumasok kami sa silid ay wala pa si Grayson. Buti nalang dahil baka hindi ko makayanan na makita siya.

Habang lumilipas ang ilang minuto ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan. Agad akong napatingin sa pintuan ng nakita kong pumasok si Grayson kaya ganon na lamang ka bilis ang tibok ng puso ko.

"Good afternoon, everyone." Malamig nitong sabi kaya napayuko na lamang ako. Kahit na isang araw ko lamang siyang hindi nakita ay na miss ko ang boses niya.

"I want you to make an essay about the globalization and you can submit it to Ma'am Sarah next week." Sambit nito at nakita kong malalim itong tumingin sa akin kaya agad akong umiwas.

"Sir, pwede po bang gawin nalang namin ito sa bahay since, next week pa naman ang pasahan." Tanong ng isa kong kaklase.

"No, I want you to do it here, its now clear?" Malamig nitong sabi. Marami ang na dismaya dahil alam kong natatamad rin silang gumawa ngayon since, next week pa ang pasahan.

"Sir, last day niyo na ngayon diba?" Tanong ng isa kong kaklase kaya lumingon sa kanya si Grayson.

"Yes." Tipid nitong sabi.

"Ma mimiss ka namin Sir." Sambit nila at nakita kong tumango lamang siya.

"Class, gawin niyo na ang ipapagawa ko sa inyo." sambit nito kaya wala na rin kaming nagawa kundi sundin siya.

Kasalukuyan akong nag susulat para simulan ko na ang essay na ipapasa namin next week. Nakita kong lumapit sa banda ko si Grayson kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ko lang ang pagsusulat at hindi naman nang gulo si Grayson kasi alam kong maguguluhan ang mga kaklase ko kung kakausapin niya ako.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig na namin ang bell hudyat na tapos na kami sa klase ngayon. Last subject na namin ito kaya marami sa mga kaklase ko ay nag mamadali sa pag uwi.

Agad kong nilagay ang mga gamit ko sa bag dahil ayokong maabutan ako ni Grayson.

"Sariah, mauna na ako sayo nag hihintay na sa akin si mommy may pupuntahan lang kami. Gusto mo bang sumabay?" Sambit ni Leanne kaya agad akong umiling sa kanya.

"Hindi na, mauna kana." Nakangiti kong sabi at nagpaalam na ito sa akin. Nang masigurong wala na akong naiwan ay agad na akong umalis.

"Ms. Cornello." Napatigil ako sa labas ng marinig ko ang boses ni Grayson. Sabi ko na nga ba, bakit ba palagi niya nalang akong tinatawag. Ngumiti akong humarap sa kanya.

"Ano po 'yon Sir." sambit ko. Matalim itong tumitig sa akin.

"Sumama ka sa--" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng tinawag siya ni Ma'am Jeycel.

"Sir, Good afternoon." Nakangiting bati nito.

"Good afternoon, what can I do for you?" Tanong ni Grayson. Napangiti ako ng palihim ng maisip na makakatakas na ako ngayon kaya unti-unti akong tumalikod at lalakad na sana ako ng marinig ko ang malamig na boses ni Grayson kaya napapikit ako.

"Stay here, Ms. Cornello." Sambit nito kaya bumuntong hininga na lamang ako at humarap sa pwesto nila. Nakita kong umirap si Ma'am pero ngumiti ito ng makitang nakatitig sa kanya si Grayson. Napa ismid ako sa aking nakita.

"Sir, pwede ka ba ngayon since, last day mo ngayon ay itetreat kita. Saan niyo ba gustong kumain?" Nakangiti nitong sabi kaya umiwas ako ng tingin.

"I'm sorry but I'm not free this time because I have something to do and its very important." Sambit nito at napansin kong lumingon sa gawi ko si Grayson kaya mas lalong umiwas ako ng tingin.

Why are you so busy? Every time na tinatanong kita ay hindi ka pwede. Are you rejecting me?" Naiinis na sabi ni Ma'am kaya tumingin ako sa gawi nila at nakita kong parang naiiyak na ito.

"I don't have a business with you so, don't bother me again." Malamig nitong sabi at Nakita kong nasaktan si Ma'am sa sinabi nito. Agad na tumalikod si Ma'am at umalis ito ng walang paalam. Alam kong nasaktan ito ng sobra.

"Follow me." Narinig kong sabi nito kaya agad na akong sumunod sa kanya at nang nakarating kami sa parking lot ay huminto ito sa gilid ng kanyang sasakyan kaya nanatili akong nasa likod niya.

"B-bakit n-niyo po ginawa 'yon, nasaktan po si Ma'am sa sinabi niyo kanina." Nakayuko kong sabi. Hindi naman tama 'yong ginagawa niya. Nakita kong lumingon ito sa akin at nagulat ako ng ipinangko niya ako sa kotse niya at bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang ang lapit ng mukha niya sa akin.

"S-sir.. B-baka m-may m-makakita sa atin." Nauutal kong sambit.

"Don't call me Sir." Malamig nitong sabi kaya para akong maamong tuta na kailangang sumunod sa kanya.

"O-okay..."

"Alam ko kasing may magagalit sa akin kung sasama ako sa kanya at ayokong magalit siya." sambit nito at umiwas ako ng tingin dahil nasasaktan ako sa sinabi niya. Syempre, 'yong babaeng 'yun ang magagalit kapag sumama si Grayson.

"Are you avoiding me?" Paos nitong sabi.

"No." Matigas kong sabi. Mas lalo akong sumiksik sa kotse niya nang mas lalong lumapit si Grayson sa akin.

"Lumayo po kayo sa akin dahil alam kong magagalit ang girlfriend niyo kung makita niya ang ginagawa ninyo." sambit ko at nakita kong ngumisi ito na mas lalong nag pairita sa akin.

"My baby is now jealous." Natatawa nitong sabi kaya tumitig ako sa kanya nang sambitin niya ang 'baby' bakit niya ako tinawag sa ganon? Trip niya lang ba?

"W-what did you say?" Mahina kong usal.

"My baby.." Mahina nitong bulong at hinalikan ako sa noo kaya nag huhuramentado ang puso ko sa ginawa niya.

"We need to go now." Malumanay nitong sabi at hinila niya ako papalapit sa kanya para buksan ang kanyang kotse at pinasakay niya ako.

Nang makaupo ako ay hindi pa rin humuhupa ang pag bilis ng tibok ng puso ko at parang nag iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang sumaya ako sa ginawa niya ngayon.

Lumingon ako sa kanya at naabutan niyang tumititig ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin kaya agad akong umiwas. Napahawak ako sa aking dibdib. Abnormal na yata ang pag tibok nito. Napayuko ako at hindi ko mapigilang mapangiti, baliw na yata ako.

***
MsGishLin

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now